may stapler ba dyan sa opisina nyo? napansin nyo na rin ba ito, yung metal plate sa ilalim ng stapler, na pwede mong paikutin para sa halip na papasok yung staples mo, pabuka yung kakalabasan? hirap ipaliwanag, yan yung picture, obvious naman kung ano yung tinutukoy kong metal plate. pwede yang paikutin para yung kabilang settings naman ang magamit, para pabuka naman nga yung kalalabasan nung staples. well, kung wala kayong magawa, try nyo paikutin yung metal plate, at magstapler kayo, pabuka yung kakalabasan.
ang tanong ko lang, para saan kaya yung pabuka? bakit kaya inilagay yun doon? curious lang ako. ang alam ko lang gamit nyan, kung trip nyong asarin yung officemate nyo na wala nang ginawa sa buong buhay nya kundi magstapler ng kung ano anong papel, hayan, paikutin nyo yan... and see the reaction.
wala lang.
2 comments:
hello po! natanong ko na rin po iyan dati sa nanay ko... ang sabi naman niya yung pabuka para sa mga makakapal na dokyumento... yung paloob yung mga maninipis... ewan ko lang... hehehhe... :)
to jack,
nabasa ko lang yung sagot mo. tingnan mo yung likod ng stapler mo. may parang metal doon, just press that one, it'll lift the metal plate then you can turn it.
yung two positions ng stapling, yung isa...for regular stapling, of course. yung pangalawa, for temporary stapling ng thick files (tama si patlents)
Post a Comment