ooppps.. i did it again. tama, i did it again. alin? yung magresign ng walang siguradong lilipatan. i did it 3 1/2 years ago, i did it again today. ewan ko, baliw lang talaga siguro ako, dahil nga siguro wala pa akong pamilyang pinapakain... kapag bigla kong naisipan na tama na, ayoko na, sawa na ako sa ganitong trabaho, sawa na ako sa ganitong sistema, i need to go, hayun, file na kaagad ng resignation letter. aba, medyo matagal-tagal din naman akong magsawa ngayon. dati, after 1 year, sawa na ako sa pagtuturo, nagresign ako. e ngayon, inabot ako ng tatlong taon! tatlong taon dito sa kumpanya, nag-umpisa as entry level programmer, unti-unting napromote, unti-unting lumaki ang sweldo... hanggang sa maabot ko nga ang posisyon ko ngayon. all-around employee.. technical support, technical writer, sales, hr, programmer, lahat nang maisip na iutos nila, ginagawa ko ng walang angal.
e bakit ako magreresign? kasi, i don't see any brighter future na. sagad na eh. ito na ang pinakamataas na pwede kong maabot dito sa kumpanya. unless mamatay ang mga boss ko or umalis sila sa kumpanya. di ko naman ipapanalangin na mamatay sila makaakyat lang ako, ang sama ko naman kung ganun. i don't see them leaving the company in the next few years, so bakit ako maghihintay? sayang ang panahon. i still want progress, ayoko ng hanggang dito na lang. ang maging dakilang utusan ng mga boss ko for the rest of my life sa kakarampot na sweldo? ang dami pang opportunity.
tagal kong pinag-isipan. na kesyo baka mahila yung kotse ko. so what? e di hilahin nila, may kotse nga ako, di na naman ako masaya sa trabaho at buhay ko. fortunately, di naman mahihila dahil si tatay muna daw ang bahalang maghulog habang naghahanap ako ng bagong trabaho.
so what are my plans? well, hintayin ko muna ang opinion ng mga boss ko. basta ang sasabihin kong dahilan, yang nasa itaas... wala na, sagad na, i don't see myself progressing in the next couple of years, so i have to make my move now. if they are going to give me a better offer.. why not? pero kung bobolahin na naman nila ako, e maghanap na lang sila ng ipapalit nila sa akin at itutuloy ko na ang paghahanap ng ipapalit ko sa kanila. i just updated my resume and contacted some key persons that can help me find a better job. kaya nga lagi kong tinatago yang mga calling cards eh.. hehehe.
3 1/2 years ago, it took me 5 months bago nakahanap ng panibagong job offer. ngayon kaya? abangan... mukhang dadalang yata ang pagboblog ko ngayon. depende sa availability ng internet connection. natural, kukunin na nila itong laptop na pahiram nila sa akin. sa computer shops na lang ako mag-iinternet, mag-aaply at kasabay na rin yung pag-update ng blog... hehehe.
yun lang.
6 comments:
three months ago, i also made the decision to resign from my job of 5 years, for other reasons naman. i'm now working at my own pace and time, the pay may not be that much yet, pero masaya ako =) i hope you find the right job for you too, marhgil, kung sa ibang lupalop man yan ng daigdig, sabi mo nga, kung san ka masaya, suportahan taka =) Godbless!
goodluck sa job hunting marhgil!!
You're young, smart and talented. I'm sure you'll get the job that you want in no time. Goodluck bro.
Best of luck in job hunting!
May you find a good job soon....
God Bless...
--jun--
goodluck sa job hunting... i'm sure it wouldn't be that hard for you... mas importante siyempre kung saan ka masaya, di ba?
sometimes we all need to take a leap of faith into the unknown so that we can grow, or so that we can see new avenues that God has opened for us. this door is closing, and since you are more than ready for your new adventure, there's no doubt that new doors will be opening-- and might already be open, just waiting for you to recognize them. enjoy the ride and pray that God helps you decide the best path for you.
Post a Comment