Wednesday, November 02, 2005

himutok

this is my 500th post... bakit ko ba natripang magbilang? wala lang, natutuwa lang ako, biruin nyo, naka500 post na ako? 500 posts ng kung ano anong pumasok sa kukote ko, kung ano ano lang naman na naisipan kong isulat.

unang araw ng pasok para sa week na ito, gumising ng maaga, lumuwas ng manila para pumasok. bukas, last day of work for this week, at uuwi na naman. para lang akong tangang nag joyride from manila to batangas and vice versa. ano bang gagawin ko dito sa office? meron naman, magbabasa ulit ng mga resume at magpapaexam bukas. ewan ko ba, lahat nung nakita kong qualified na nakapasa sa aking exam e bumagsak naman kina bossing. maghanap pa raw ako ng iba... e di maghanap.

tindi talaga ng epekto ng evat na yan... nagpagas ako kanina, 38.36 pesos na yung unleaded... naalala ko, nung magstrike ang jeep at natuwa sila sa 7.50 na pamasahe, 29 pesos pa lang yung unleaded... ewan ko kung magkano yung deasel. e ngayon, 38 na yung unleaded, yung diesel, tumaas na rin siguro ng ganyan... 9 pesos! sigurado, hihingi na naman ng dagdag pasahe ang mga jeepney driver. dagdag pasahe, na agad-agad namang pagbibigyan ng gobyerno. tapos, anong mangyayari? yung mahihirap, lalong maghihirap. syempre, taas ng gasolina... yung mga paninda naman sa palengke ay hindi pwedeng lumipad na lang sa palengke, isasakay mo rin yan sa mga sasakyang de-gasolina... tataas ang presyo ng bilihin. kapag tumaas ang presyo ng bilihin... ewan ko, palubog na nga ata ang pilipinas... sabi nila, maganda raw ang evat... kasi, lalago ang pera ng bansa. lumago nga ang pera, pero ang pinahirapan naman nila, yung mahihirap. yung mga kapitalista at negosyante na tinaasan ang vat, di ba, sa mga consumer naman ipapasa yung vat? so, mahirap lang talaga ang pinahihirapan. di bale sana kung yung nakokolekta ay magagamit nila sa pagpapaunlad ng bansa, eh sa dami ng buwaya sa gobyerno, sa bulsa lang din nila mapupunta yun! kung gusto nilang tumulong, yung mga expedition nilang sasakyan... ibenta nila at bumili na lang sila ng kia pride... e di ang laki ng kita! ilan ba ang congressman sa pilipinas? kung yung kaginhawahan nila e ipagsantabi muna nila, maraming paraan, kaso, sa kanila, maghirap na kayong mahihirap, basta, kami, maginhawa.

ewan ko... nakunsume na naman ako... sigurado, kahit presyo ng kandila, nagmahal, kaya hayan, pinalitan ko na yung kandila ko. buwan na lang nilagay ko para libre!

yun lang

3 comments:

Mayet said...

ay nakuuuu! nag-post lang ako ng comment pagbalik ko may new post na naman! haha! di ka naman addict noh?! hehe.

Anonymous said...

oo nga, grabe ang hirap na mabuhay... pero in fernezz, magandang idea yan, bwan ang gawing ilaw! wahahaha! tipid sa posporo, tipid sa effort, tipid sa lahat. =)

velvet said...

congratulations on your 500th post!

keep the good posts coming....

more power kukote. :D