andito na ako sa makati. umalis ng 7:00AM sa batangas, dumating ng 9:30AM dito sa office, late ng 15 minutes. pero ok lang, hanggang ngayon nga, di pa dumarating si boss eh... mas late sya.. hehehe. siguro, kung hindi naisipan nung mga traffic enforcer yung counterflow from alabang, darating ako ng 10:30AM. sobrang heavy yung traffic eh... buti na lang at may counterflow.
natawa ako sa isang lalake kanina, texting while driving his motorcycle. baliw talaga, gusto ko sanang picturan, kaso, delikado kasi nagddrive ako. i don't read text messages while driving, kahit nga calls, di ko sinasagot... maghintay kayo... ayokong mapalagay sa dyaryo... "nabangga dahil sa cellphone." swerte nyo kung may kasabay ako sa kotse... sya pinagbabasa ko ng text... hehehe. minsan, sya na rin ang nagrereply. pero kung talagang solo ako, wala, di ko talaga binabasa maliban na lang na matraffic at full stop yung sasakyan ko.
regarding my previous post... matagal pa yung big day. mag-iipon pa. about the title of this post, wala lang, trip ko lang, natutuwa lang ako sa mga salitang iyan... composed of same five letters, pero iba't ibang ibig sabihin, hehehe.
sige, magtatrabaho muna ako at baka malugi na sila sa akin.
yun lang.
1 comment:
Minsan na rin akong nakakita ng nagte-text na naka-motorcycle. Aba, talagang sinita ko sya. Eh pano kung makasagasa sya? Pano kung isang malapit sa akin ang madale nya?
Post a Comment