noong panahong pumapasok pa ako sa paaralan, isa sa tanong na pinakakatakutan ng mga estudyante ay ang tanong na BAKIT? or WHY sa english. ewan ko ngayon, pero nung elementary ako, ganun kasi, pag may itinanong ang teacher na yes/no question, kaya walang tumataas ang kamay, kasi, ang kasunod na tanong ay bakit.
ngayong nagkaisip na ako, wala na sa paaralan, may natutunan ako sa buhay-buhay how to deal with bakit. kapag may kausap ka, kahit ano pang pinag-uusapan nyo, tapos, itanong sa iyo... bakit? anong isasagot mo? simple lang pala ang sagot... ibalik mo ang tanong sa kanya... bakit hindi? yun lang, syempre, sya na mangangatwiran, at habang nangangatwiran sya, isip ka na ng magandang sagot o pangbara sa tanong nya, di ba? hehehe.
halimbawa, bakit ka pupunta sa lugar na iyon? sagot mo... bakit hindi? bakit ka magreresign? bakit hindi? di ba, ang ganda? sure yun, mapapaisip ang kausap mo. kahit boss mo, sagutin mo nyan...hehehe.
kung estudyante ka, isagot mo sa essay question sa school, ano kayang magiging reaction ng teacher mo? lahat ng bakit... ang sagot mo, bakit hindi? or why not? kahit sa recitation, di ba? like, sang-ayon ka ba sa visiting forces agreement? taas ka ng kamay kaagad! tapos pagtawag sa iyo.. sagot mo.. opo, sang-ayon po ako! syempre, follow-up question si teacher... bakit? sabay sagot mo... bakit hindi? hehehehe, batukan ka siguro ng teacher mo.. hahaha.
yun lang... kay owen ko ata natutunan yan..
8 comments:
so... pag tinanong ako ng "bakit ang ganda mo?" ang sagot ko dapat ay "bakit hindi?"... ay!!! hahahaha!!!
hahahahhahahaha!!! tama tama tama! hehehehe... yes! may pambara na ako! woohoo... tenking u! :D
isa lang ang paborito kong tanong ko... bakit ako mahihiya?????
Bakit? Bakit absent ka? nyahaha....
bakit nga ba hindi???
"A question for a question makes two people longs for more answers..."--flex j--
Wala lang.. naisip ko lang.., walang katapusang tanungan...hehehe
regards,
--jun--
good tip...kapag tipong wala ka nang maisagot...why not? oh diba...:)
ingat lagi marhgil!
yan ang cnasagot ko pg wala akong masagot hehe. o minsan uunahan ko na tlga ng "why not?" pra end of conversation na hehe. o diba pg bumanat ka ng "why not" o "bkit hindi" edi tameme na ung kausap mo at lusot ka na din hehe
Hmmnnn... awat na... walang gulo kung walang papaapekto... right? so relax ka lang mildred... *wink... smile ka na... papangit ka nyan sige ka... =)
Post a Comment