Thursday, November 24, 2005

job story

bukas na ang huling araw ko dito sa opisina. tatlong taon ako dito sa kumpanya, after resigning at AMA, dito nga ako natanggap after 5 months na walang tigil na kakapasa ng resume, kakakuha ng exam at kakapunta sa interview. sa dinami-dami ng aking naapplyan, ito lang ang nagbigay ng matinong job offer sa akin.

so, ikwento ko muna, paano ba ako natanggap dito? paano ako nag-aaply dito?

ang style ko kasi ng pag-aaply, sa internet lang. hanap ng job opening sa jobstreet, jobsdb at trabaho. email dito, email doon. di ko gawain yung personal kaagad na pupunta sa kumpanya. kakapagod kaya yun, tapos, hanggang sa mga masusungit na guard ka lang naman. so email lang ng email ako. pero target ko talaga noon, sa manila na ako magwowork, para maiba naman. sawa na rin ako sa batangas, doon na ako lumaki, doon na nag-aral, doon pa rin magtatrabaho. dami kong inapplyan, kung saan saan, lahat ng exam nila, pasado ako, pero hanggang job interview lang lagi ako. pagkatapos ng interview, hindi na sila tatawag.

kung hindi ako nagkakamali, i found the job advertisement sa kumpanyang ito at jobsdb. nagsend ako ng resume ko, tapos after a week, tinawagan nila ako for exam. tandang tanda ko pa noon, hinanap ko pa sa findme.com yung address, kinuha ko yung mapa, print ko, tapos, punta ako sa tiyo (si tiyo zoilo ko) kong sanay daw dito sa manila. itinuro nya sa akin kung saan ako bababa at sasakay para marating yung office nila.

ok naman yung exam. maigsi lang, 20 items lang ata na multiple choice pa, tapos may konting problem solving sa huli. natawa na lang ako, 3 hours yung byahe ko from batangas to manila, tapos, kumuha lang ng exam for 10 minutes. nauwi na ako pagkatapos. ang una ko palang employee na nakita na napagkamalan ko na secretary ay si ma'am alona. talagang secretary yung dating nya, sya yung nagbigay ng exam. di ko alam, sya pala magiging direct superior ko. hehehe.

ok, nauwi na nga ako, while on the bus pauwi ng batangas, pauwi pa lang ako, tinawagan na ako ni ma'am alona, pasado raw ako sa exam and for interview ako sa makalawa, pero sa ibang address daw. ibang address yung binigay nya, lumipat na daw sila ng opisina. hayun, punta na naman ako sa findme.com, print ng mapa at paturo ulit sa tiyo ko. naisip ko, ano ba naman itong kumpanyang ito, pahirapan na nga ako bago ko nakita yung office nila, biglang nagpalit pa ng address. hehehe.

interview date... nagpunta ako ng bago nilang office. as in bago pa talaga, wala pang partitioning, puro tables, ang daming kalat. hehehe. hindi pa nila ako kaagad ininterview. pinagsagot ako ng IQ test sa laptop. nagmukha pa akong tanga nun, kasi, laptop yung pinagamit, e walang mouse, di ko alam kung alin yung gagalawin para mapagana yung pointer.. hehehe, nahihiya naman akong magtanong. e wala talaga akong experience pa sa laptop eh, dun ako nabinyagan... hehe. syempre, mga 2 minutes din ako sigurong nagmasid sa keyboard kung alin dun, till nakita ko yung red button sa gitna. hehehe.

after ko masagutan yung IQ test... binigyan ako ng bond paper, write anything you can think of. any topic under the sun. di ko na alam kung anong sinulat ko dun. kailangan daw, straight english. pagkatapos nun, saka pa lang nila ako ininterview. tatlong babaeng puro manager ang nakausap ko, sunod-sunod. medyo pinagpawisan din ng malagkit-lagkit, ikaw na ang interviewhin ng tatlong magagandang manager, sunod-sunod. pagkatapos nun, pinauwi na ako, tatawagan na lang daw.

after 2 days yata, nakareceive na nga ako ng tawag, final interview na daw sa president, kay sir mario... yung boss namin na namatay na ngayon. same address na yung ibinigay nila, syempre naman.. hehehe. pagdating sa office nila, kinausap nya ako. mga tanong nya... kumusta na. kumusta ang buhay. may girlfriend ka ba? mga personal question na wala namang kinalaman sa inaaplayan ko. pero syempre, sagot lang ng sagot. tapos, binigyan nya ako ng calling card nya, sabi nya, maghintay na lang daw ako ng tawag, magcheck din daw ako ng email.

hayun, after 2 days ulit, nakareceive na ako ng job offer via e-mail. at dahil nga 5 months na akong tambay, kinagat ko na yung offer kahit maliit lang yung starting salary. below standard actually, pero ok lang. ang sa akin, di muna ako magiging pilian, kailangan ko ng experience eh. at hayun, kinontak ko yung kamag-anak namin dito sa manila para doon muna ako makitira.. at nagstart nga akong pumasok dito sa kumpanya on september 30, 2002. as an entry level programmer... at doon na nga nag-umpisa ang panibagong chapter ng aking buhay na magwawakas na bukas.

to be continued...

No comments: