nakapagdesisyon na sina bossing, ang sabi sa akin.. kung saan ka masaya, suportahan taka.. hehehe, naintindihan naman daw nila ang concerns ko, wala naman daw silang karapatan para hadlangan ang aking mga pangarap sa buhay. good... very good. so tuloy na tuloy na ang aking paglisan dito sa kumpanya. nagset na ng timeline ng turnover. at hanggang november 25 na lang ako. hanggang next next friday na lang ako dito sa kumpanya! yahoo! 1+ weeks pa ako makakapagblog ng libre, hehehehe. puro technical documents gagawin ko for the remaining days, para may reference sila kung sakaling magkaproblema sila sa mga ginawa kong applications dito.
so, its final, its definite. kung sa gameknb, sinabi ko nang "sure na!" wala nang atrasan. another chapter in my life has ended. at mag-uumpisa na ako ng panibagong buhay. syempre, job hunting muna. grabe talaga itong trip ko, di ko man lang pinalampas ang pasko.. para may christmas bonus. hehehe. anyway, ok lang, desisyon ko ito, so panindigan ko. hindi naman siguro ako pupulutin sa putikan. 3 years of experience, sa dami kong nakilala at nakasalamuha, ewan ko lang kung abutin ako ng 5 months sa paghahanap ng trabaho. basta ang target ko ngayon, kung magkakatrabaho ako, syempre, yung makakabuhay sa akin, makakapagtuloy ng paghuhulog sa kotse without the help of my father. kasi, 30% ng hulog, sya pa sumasagot. sabi ko sa kanya, sagutan nya muna habang naghahanap ako ng job at pagkatapos kong makakakita, hindi ko na sya paghuhulugin, ibabalik ko pa yung sinagot nya. o come on? kaya ba?? hopefully. kapag matanggap ako dun sa prospected boss ko, e di tuloy na tuloy na yung mga plano ko sa buhay. sana, mapansin yung resume ko... yun kasi talaga ang trip kong trabaho at trip na sweldo... hehehe. hopefully, mapansin yung resume ko, i am expecting a call by next week. sana. anyways... ang dami pang opening, nawiwindang na ako sa kakapasa ng resume, isang araw pa lang ako... hehehe. sana, may tumawag man lang kahit isa.
yun lang!
6 comments:
Nawa'y palarin ka sa lahat ng iyong mga balakin at pangarap sa buhay.
di ka nagiisa iho. pagdadasal kita kahit papaano. good luck sa endeavor mo amang. talagang ganyan buhay. me mga crossroads. godspeed and god bless sa iyo iho.
uyyyy, nag-resign ka na. well, good luck sa lahat. God bless.
good luck marhgil. sure naman ako na di ka mahihirapan maghanap ng bagong trabaho.
bahaginan mo naman ako ng lakas ng loob, oh! hehehe.
Uhm if I'm right khit di ka abutin ng dec sa work mo. Entitled ka pa rin sa 13th month nu. Un lang.. hehe! Just dropping by... Godbless!
Post a Comment