Thursday, November 24, 2005

goblet of fire

warning: this is a spoiler, kung di nyo pa napanood yung harry potter 4, don't read this.

napanood ko na ang harry potter 4. ang reaction ko, kahit 2 and 1/2 hours na yun, ang daming inalis na pangyayari, may mga binago pa. oo, ang dami. though yung climax ay ganun talaga at ganun talaga ang nangyari dun sa tournament, na ang conclusion sa huli... voldemort is back. ito ang ilan sa mga nawala/nabago na napansin ko...

1. nawala si winky which played a major role in the book, pero inalis na nila at lahat ng ginawa nyang kabulastugan, ibinigay na lang sa amo nyang si barty.

2. yung gillyweed na isinubo ni harry potter, sa book, si dobby ang nagbigay sa kanya. sa movie, si neville ang nagbigay sa kanya. pinalabas sa movie na binigyan ni moody si neville ng book, nabasa ni neville yung about sa gillyweed, sinabi nya kay harry potter at the last minute bago nag-umpisa yung challenge. sa libro naman, binigyan ni moody si neville ng book, pero hindi nabasa ni neville or ni harry yung libro. and the last resort na ginawa nya, nagparinig sya kay dobby kung ano ang magandang solusyon dun sa challenge, at syempre, sinabi ni dobby kay harry.

3. wala yung exciting na laban sa quidditch world cup. basta pinakita lang sa movie na may quidditch world cup at si viktor krum ang sikat dun. ang saya sana ng laban dun.

4. yung campaign ni hermione para sa mga house-elf, walang nabanggit.

5. yung hinuli ni hermione at inilagay si rita skeeter sa jar, wala rin. nagiging beetle kasi si rita skeeter kaya ang daming tsismis na nakakalap at naisusulat sa kanyang pahayagan.

6. sa umpisa ng movie, nagising si harry potter sa bahay na ng mga weasley after his dream, while sa book, nasa dursleys pa sya nung managinip sya.

yan lang yung mga napansin ko. medyo matagal-tagal ko na rin namang nabasa yung book, so medyo marami na rin akong nalimutan. anyway, ok pa rin naman yung kwento. yung overall message na gustong iparating nung libro at yung climax, naipakita naman sa movie kahit nga may mga changes silang ginawa.

yun lang

1 comment:

Anonymous said...

Hi Marhgil, ang daya naman ng movie. Ang sabi kasi ng Warner Brothers hahaba at hahaba daw ang movie kung isapelikula lahat ang mga nangyayari sa book. JKRowling confirmed that too (I read an article about this sometime ago). I love the books than the movies. I admire JKR's beyond normal imagination and creativity.

ciaociao!