unang araw ng trabaho... ang aga kong pumasok, syempre, pakitang gilas.. hehehe. 8:00 AM yung time ko, 7:30 AM pa lang, nasa office na ako. at nadatnan ko sa office si mang russel, ang aming bagong janitor na nung araw ding yun nagstart magtrabaho, first day din nya. sabi nya sa akin "sir, ako po yung bago nyong janitor." nangiti na lang ako, sabi ko... "first day ko din ngayon." hayun, since parehong bago lang kami, sya, naglilinis na doon sa loob samantalang ako, tumambay doon sa reception area sa harap... naghintay...
around 8:00 AM dumating si ma'am alona. nakita nya ako, pinagtime-in doon sa notebook... oo, IT company kami pero manual yung attendance namin nung time na yun. kinda disappointing... hehehe. syempre, computerized na ngayon. ok, pagpasok sa loob, binigyan nya ako ng laptop. sabi nya, yan ang laptop mo, ireformat mo at installan mo ng windows 2000 professional. lahat ng kailangan mong CD, andun lang sa CD rack. hindi pa maayos yung mga cubicle nun, doon nya ako pinapwesto sa cubicle nya, sa likod nya. doon ako nagreformat at nag-install ng windows. habang nagrereformat ako, dumating ang isa pang bagong employee.. si jason. na nung time na yun ay napagkamalan daw nya na ako ay isa sa mga big boss dun dahil dun ako nakapwesto sa cubicle ni ma'am alona.. hehehe. pareho kaming entry level programmer.
walang masyadong nangyari nung araw na yun. syempre, ipinakilala sa mga officemate. ok, let me recall kung sino... si benjo na mataba na nung araw na yun.. hehehe, si daisy... hmm, kababayan ko, taga batangas din daw, si gayo... long hair noon, mukhang goons, hehehe, pero mabait sya sa totoong buhay... hehehe. si jonathan, mukhang mabait at kagalang-galang, si erwin na laging nakangiti, si letlet na bagong dating galing kuwait, si kuya bobot na napagkamalan kong janitor nung una kong makita... hehehe, at syempre, yung mga bossing ko, si ma'am jella at si ma'am ice.
yung afternoon session nun, umpisa na kaagad ng training. kasama pa naming nagtraining si benjo, daisy, gayo at jonathan. mga bago lang din kasi, nauna lang sa amin nang ilang buwan. hayun, one week kaming nagtraining, tapos saka napasabak na kung saan-saang project.
nung mga time na yun, ako yung taong sabi nga nila ay straight, walang alam na kalokohan. bahay-opisina lang ako nun. at talagang puro trabaho lang. after some turn of events, biglang one day, binigyan ako ng foreign assignment. wala pa nga akong 6 months sa kumpanya, ipapadala na daw kaagad ako sa kuwait. well, ako naman, syempre, excited. hayun, nakarating nga sa kuwait. nagpunta ako doon, ang dala ko lang ay lakas ng loob, laptop at kaalamang natutunan nang ilang buwan. di ko alam, biglang pagkalaking project agad ang isinubo sa akin... Kuwait Finance House Integrated Call Center. hindi naman ako ang project manager, sobra naman yun, ako lang yung consultant nila sa IVR system nung project, consultant na developer din. yung sabi ko nga na kapag tumawag kayo sa 803333, yung sasagot na computer sa inyo, ako yung nagprogram nun!
masaya naman ang buhay sa kuwait. doon ako natutong maging independent. marami din akong nakilala.iba't ibang lahi. may mga filipino din. dami kong nakilala. at naging active pa ako sa church namin. nagkaroon ng kabarkadang mga filipino na kasama ko rin sa church. nangyari sa amin yung nasa dubai the movie na halos every week, nasa tabing dagat kami. at natutulog sila sa flat ko! ang laki kasi nung flat ko, kumpletong gamit at appliances. pero ako lang ang nakatira.
dun sa kuwait ako natutong magyosi. dun sa kuwait ako natutong uminom. oo, kung saan illegal ang mag-inom, doon ako natuto. doon sa kuwait ako natutong makisama sa ibang lahi. doon masarap ang shawarma. ang daming pangyayari, ang daming naganap. that i cried nung pauwi na ako sa pinas dahil naiwan ko yung mga kaibigan ko doon. sobrang daming magagandang alaala, one of the best chapter in my life yung pagpunta ko doon sa kuwait. malayo sa pinas, pero masaya dahil sa mga kaibigan ko at dahil din sa allowance ko. hehehe.
ang nangyari kasi, nagkaproblema yung project, nacancel daw, pinauwi nila akong bigla. tapos, bumalik ako after 2 months, kasi, nabalik na daw yung project, naayos na daw yung misunderstanding, hehehe. yung pagbabalik ko, medyo naging sobrang busy na ako sa work, na bihira ko nang makasama yung mga kaibigan ko, kaya natuto akong magblog. e lagi kasi silang wala, puro nasa trabaho, wala akong makausap, e may internet, hayun, naumpisahan ko ang blog na ito. tapos nun... ilang months pa din ako dung nagstay hanggang sa makauwi na ulit ako dahil finish project na.
you can view my photos in kuwait here.
itutuloy...
3 comments:
Hi Marhgil, I enjoyed reading the kabanatas of your job story. Bilib ako sa vivid memory mo of the details. At teka, ang cute mo doon sa picture na may katagang "me at ITS".
I'm looking forward to read the next kabanata. Enjoy ako dahil you write it lightheartedly but with full of emotions.
Hear from you soon. Take care!
Minsan na lang ako mapadalaw sa blog mo pero I made it a point na basahin lahat ng latest posts mo. Naaliw ako sa Goblet of Fire pati dun sa Job Story and Job Story 2 mo. La lang...
I was looking for your tagboard pero tinagganl mo yata. Nway, cge EB tayo. When?
insan! lakas mo sa akin eh, hayan, pinatahimik ko na muna ang sugar free. sawa na rin ako sa background music, tinatamad lang mag-edit ng template. hehehe. anyway... wala pa akong bagong job... siguro, 2 weeks from now. may mga schedule na ako ng interview at exam next week eh. ingatz!!!
joy... salamat sa lagi mong pagdalaw dito. itutuloy ko na yung pagsulat.. in 2 hours, may bago na uling post. ;)
nicely... salamat sa pagdalaw. siguro, offline lang yung tagboard, wala kasi akong binabago sa mga settings. anyway... EB? pwede ako next week, anytime, wala pang trabaho eh.. ;)
Post a Comment