this is my 499th post... isa na lang, 500 na! grabe, dami ko na palang naisulat. and for my 499th post, ano bang isusulat ko? eto, magkwento na lang ako...
kagabi, dahil siguro wala ring magawa, tinawagan ako ng dati kong classmate, si morlan. labas daw kami kasama yung dalawa ko pang classmate. so lumabas kami, bahala na, kung saan dalhin ng aking kotse. e narinig namin sa 99.9 gv fm, fm station dito sa batangas, na may halloween party sila sa el calicanto bar and restaurant. e di dun kami nagpunta... ok lang, daming tao, may mga nakacostume, kami, wala. ok lang, mukha na siguro kaming panghalloween kahit walang costume kaya pinapasok na rin kami... hehehe. ok sa loob, may banda. live music, mausok dahil sa mga nagyoyosi. order lang kami ng san mig light and enjoyed the live music. sayawan sila, kami, nakaupo lang dun, di ko talaga trip magsayaw. yung isang nakamaskara, talagang hataw, nagwawala, palibhasa, di sya kilala... hahaha. siguro, around 1:00AM, nagkasundo na kaming umalis dun, lipat daw kami sa ibang lugar.
sabi nila, punta daw kaming pl*ym*tes. ano bang meron dun? ewan ko, di pa naman ako nakarating dun, so nagpunta kami. basta ang pangalan nya, pl*ym*tes, ktv bar and restaurant... so what do we expect... e di ktv bar and restaurant. 50 pesos ang entrance... pagpasok namin, bungad pa lang... may nagsasayaw na babae, walang saplot. kung doon sa kabila may costume party... mukhang dito.. costume-less party.. as in walang saplot, kita ang kaluluwa. yun pala yun, front lang yung ktv. e andun na, pasok na lang kami, nanood. order ng beer. inom ng konti... gusto ko sanang picturan yung sumasayaw, kaso, basta iopen ko yung cellphone ko... may lalapit na kaagad na guard sa likod, nagmamanman... so di na ako naglakas ng loob na picturan at baka ako ay mabugbog pa. hehehe. pagkatapos nun, umuwi na kami.
well, it's not my first time para makapanood ng ganun.. pero first time ko sa batangas. totoo pala yung naririnig ko na merong mga ganoong show sa batangas, at kagabi ko lang napatunayan. nakakapagtaka lang bakit hindi nareraid yung mga bar na yan... e ang daming ganyan sa manila... doon lang sa quezon ave... ang dami, tabi-tabi. doon sa batangas, siguro, yung mga katabi nyang bar... ganoon din. pero bakit walang nariraid? siguro nga, may lagay ang pulis... may lagay si mayor... alam nyo naman ang nagagawa ng pera, natatakpan na ang mata ng mga may kapangyarihan, nabubulag na ang batas. well, im posting this para patunayan sa inyo na hindi ako bulag, pero anong magagawa ko? sino ba ako para pakinggan nila... kung ireport ko yan, e di baka ipapatay lang ako ng mga yan. kung may makabasa nitong tagapagpatupad ng batas... isa lang masasabi ko sa inyo... HOY! GISING!
maiba ako, kakabadtrip yang SHELL sa batangas... lahat ng branch na nadaanan ko dito sa batangas, sarado kagabi, e balak kong magpafulltank dahil nga magtataas sila pagpatak ng 12Midnight. hayun, wala akong napagkargahan. ngayon, open na sila, from 36.10... 38+ na daw yung unleaded. grabe tinaas dahil sa evat. galing talaga ni GMA.... she should step down na talaga.
yun lang.
4 comments:
hala.. khit saang lugar tlga may mga ganyan.. isa lang ibg sbihin nian.. marami na tlagang naghi2rap sa pinas kya kapit na sa patalim.. cguro ung mga babaeng nagsa2yaw baka mga menor de edad pa.. tsk tsk
oo nga grabe itinaas ng presyo ng mga bilihin! lalo na yung gasolina at lpg!
Comment lang po ano...ito lang masasabi ko..kya may ganyan kasi may mga tao ding tumatangkilik...kung walang papatol sa ganyang mga klaseng bar...meron kaya nun? Wala. Magmumukha silang tanga kakasayaw ng walang saplot kung wala naman silang customer...kaya kung may una mang dapat gisingin ay iyong mga taong pumapatol at mahilig manood sa mga ganyang bar. Kaso... lalaki nga kasi...nagagandahan yata sa nakikita.. ahhh ewan... meron naman sana silang mga asawa, bakit di na lang dun magpakasawa...kaso naghahanap yata ng ibang putahe or kaya ng ibang view... ano un? nagnanature tripping? Iyon lang po...
yen... tama ka dyan, ganun na kahirap ang pilipinas.. tsk tsk tsk
darlene... grabe ang taas talaga
may shella... magandang idea yan para mawala yang mga ganyan! hayaan mo, pag nag-asawa ako, pagsasayawin ko na lang ng walang saplot ang asawa ko... hahahaha! peace!
Post a Comment