Thursday, November 03, 2005

so be it

blog ko to. isusulat ko kung anong gusto kong isulat. at wala akong tinatago, except sa love life, pero paminsan-minsan, nababanggit ko dito, but i don't go into details. ayoko kasing pag-usapan.

unlike other blogs na puro positive about themselves ang sinusulat, ako hindi. ikinikwento ko ang buhay ko. bare it all. kung nanuhol ako ng traffic enforcer, kung nagpunta ako sa bar na may nagsasayaw na walang saplot, kung gusto kong sumali sa pinoy big brother, kung bad trip ako sa boss ko, kung nauutot ako sa loob ng taxi... lahat sinusulat ko. bakit? kasi nga, blog ko to, and i consider this as my online diary, a reflection of who i am. sabi ko nga dun sa you blog addict, yung pagdating ng araw na mamatay ako at mabasa ito ng mga apo ko, makikilala nila kung sino talaga ang lolo nila.

bakit ko ba sinasabi ito? someone just told me lately na magkaroon naman daw ako ng respeto sa sarili ko. magkaroon naman daw ako ng privacy. kawalang respeto ba sa sarili ang pagsusulat ng buhay ko sa blog na ito? kawalan ba ng respeto sa sarili kung nagpapakatotoo lang ako dito? e nagpunta ako sa bar, sinulat ko dito, e ano ngayon? alangan namang sabihin kong nagsimba ako? nanuhol ako ng mmda, sinulat ko dito, e ano ngayon? alangan namang sabihin kong buong puso akong nagpahuli at nagmulta, e nanuhol nga ako. bad trip ako sa boss ko, sinulat ko dito, e ano ngayon? yun ang totoo eh. e bakit ko nga sinusulat kahit negative? hindi mo ako makikilala kung yung positive lang ang alam mo sa akin. this is my blog, and i want it to reflect who i really am. kung puro positive lang mababasa nyo dito, baka isipin nyo, isa akong santo. kung may mga nasagasaan ako, pasensya. kung sa tingin nyo, minsan, naaapakan ko pagkatao nyo, dahil somehow you are related to me, pasensya. kung kahihiyan sa inyo or sampal sa pagkatao nyo na you are somehow related to me, sa taong nanuhol ng traffic enforcer, sa taong nagpunta sa bar na may nagsasayaw ng walang saplot, pasensya na. i am just being me. talagang ganito lang ako, so be it.

yun lang.

10 comments:

Anonymous said...

true. astig post.

velvet said...

ei! don't mind that nasty person who gave a nasty comment.

blogs are always (and will always be)a personal matter. nakikibasa na nga lang, e tpos manunutya pa! comments should be delivered in a constructive way and not destructive to the person of the blogger. i may not always agree with a blogger but its a not reason to scrutinize him/her.

im proud of you as a blogger. hehehe, nambola pa ako! lets promote positive vibrations in the blogosphere!

ito ang para syo... cheers! :D

Yax said...

pathetic ang mga taong ganyan.

all bloggers should know blogging rule number 1: you don't diss the owner of the blog on his/her own blog.

Mayet said...

Oo nga, don't mind that person. BLOG MO TO! Kaya wala sila pakialam kung ano post mo as long as di ka naman nananagasa diba.

Yaan mo na lang yan.

Dorothy said...

ang puso mo. relax. take a deep breath.

ay ano ba yan? huwag mo na pag-ukulan ng pansin at enjoy mo na lang itong long weekend na naman.

smile! :)

Empress Kaiserin said...

so what??? alam mo pare, madami kasi jan ang mga walang magawa. yun bang magkamot lang ng pwet nila, masaya na sila. don't get affected by mere words. isipin mo na may mas matindi pa silang problema than you... like di nila ma take ang itsura nila? wala silang pinag aralan at nahihiyang aminin yun? di sila marunong magblog? feeling nila magaling kasi nga FEELING lang. sunog na kaluluwa nila buhay pa sila. oh ano???? hihirit ba kayo sa mga pinagsasabi ko??? sht. wag ako ang galitin nyo at babaligtad mundo ninyo! punyemas. marhgil, madami kang kakampi, wag kang mag alala.

debbie said...

marhgil...sikat ka na talga! meron ka ng hate mail...smile naman dyan!

alam kong hindi pwedeng hindi maapektuhan kapag merong mga comment tulad ng natanggap mo, pero ganon tlga siguro, we can't please everyone. iniinis ka lang non! hwag mong pansinin...maraming nag-eenjoy sa pagbabasa ng blog mo!

smile!

Frances said...

yeah me too.. i dnt really talk bout my love life in mah blog... hehe not very exciting kc lol...
i really enjoy reading ur posts, keep it up dude.

Anonymous said...

related siya sa'yo pero ikinahihiya ka niya? eh mas nakakahiya yata yon. di ka niya tanggap for who and what you are is all i can say. pero on the other hand baka naman overprotective siya sa iyo. pero di ba, pag puro good points lang about yourself ikukwento mo tas yung bad side tinatago mo tawag dun ipokrito?... at least totoo ka devah!!

kukote said...

sa inyong lahat... salamat po sa suporta... maraming salamat. no one can stop me from blogging, gf ko nga, di ako napigilan eh... siguro unless maputol ang aking mga daliri.. hehehe.

sige po, enjoy the rest of the weekend!