Friday, February 03, 2006

ang tv!

ilang gabi nang tambay lang kami sa boarding house, either nakikinig ng AM station sa radyo, nagbabasa ng FHM (featuring camille prats as the cover girl!) or nagkekwentuhan kung anong nangyayari sa kani-kanilang opisina. walang tv, walang mapanood dahil nasira nga sya last week! kagabi, tama na, sobra na! maloloko na kami... miss na namin si jang geum!!! hayun, napagkasunduan na naming bumili na ng tv! sabi ni penoy, may binibenta daw tv yung gf nya sa bacoor, second hand, luma na, pero ni minsan ay hindi pa nasira. pinuntahan namin, sa bacoor, cavite!

on our way to bacoor, lintek at nakotongan pa kami ng taga MMDA. feeling ko talaga, wala kaming violation. pero ano pa nga bang magagawa ko, e swerving daw kami kahit hindi. e sa makipaggilgilan ako, masasayang lang ang laway ko, titiketan pa rin nya ako. so ang ginawa ko, yung dating gawi. ayoko ng abala na pupunta pa sa kung saan matubos lang ang lisensya ko. alam nyo na, nadaan sa magandang usapan. PLAK! Pera Lang Ang Katapat. talagang namemera lang naman sya eh! hayun, binigyan naman ng 100 at maganda na ang ngiti ni boy kotong. sabay sibat na kami. dapat daw, sasabihin ni penoy.. sir, pagdaan namin ulit dyan mamaya, exempted na kami.. bayad na kami eh. hehehehe

to make the long story short, nakuha naman ang tv at sakto 10:30PM, nakapanood kami ng jewel! hahaha!

yun lang!

1 comment:

Leah said...

naku, kami rin nakotongan dahil sa swerving! asar nga eh! may road block sa qc circle. since d kami pamilyar dun, napaswerve konte. naisahan kami dun! :(