after 1 week and 1 day na petiks mode, nagkaroon ako ng konting activity. pinapunta ako sa bangko para kunin ang atm card ko. aba, at sesweldo na raw kami bukas! kasi, hanggang 28 lang daw ang february, kaya february 14, magpapasweldo na, para daw eksakto, kalahati. tama nga naman yun, para may pangdate sa valentine's day. hehehe. pero wala pa rin akong plano dahil yung gusto kong idate ay hindi naman pwede. magkakagulo lang ang mundo kapag nakita o nalaman kaming magkasama ng parents nya. baka maghalo lang ang balat sa tinalupan. anyway, nakarating naman ako ng bangko, nagencode ng PIN ko at nakuha ko na yung atm card.
pagdating dito sa office, nilapitan ako ni accountant. ibinigay ang una kong payslip! syempre, scan-scan muna at baka may mali sa computation. tama naman siguro yung computation... kakalungkot lang, ang laki ng deduction! 3000+ pesos ang deduction ko, tax + sss + philhealth + pag-ibig! ok lang yung sss, pag-ibig at philhealth, para sa akin naman yun eh. yung malaking tax (2600+ pesos) ang nakakasama ng loob! kukurakutin lang naman ng mga pulitiko.
lunch time na. maglulunch muna ako. ingat!
3 comments:
wow... 2 pesos per minute ka lang ba talaga? laki ng bawas mo e 2,600php grabe e di nasa argh syet laki ng sweldo kakainggit
wow!!! libre naman.. dati na ko nakapunta dito.. kaso naka blocked na blogspot opis. just blog hopping ciao!!
malaki laki nga ang sahod mo! abay biruin mong nasa 2600 yun tax moi! hihihihi salamat sa pagpasyal mo ha, nakikipasyal din
ala gang pa kape dine
Post a Comment