masaya ito. sundin mo lang ang sinasabi ko, ok?
kuha ka ng calculator. wala? meron, nagiinternet ka eh. may calculator dyan sa computer mo. click mo yung Start, tapos Run, tapos type mo calc, press Enter. yan, may calculator ka na. ok? ok.
ngayon. isip ka ng number, 3 digit. basta mas malaki yung unang digit sa huling digit. halimbawa, 631, mas malaki yung 6 sa 1. o, nakaisip ka na? sige na, isip na, isa lang. wag mong sasabihin sa akin, isaksak mo lang sa kukote mo. ok?
ngayon, may naisip ka na di ba? baligtarin mo yung naisip mo. halimbawa, kung ang naisip mo ay 631, ang kabaligtaran nun ay 136. o, sige, baligtarin mo na. ok na? nabaligtad mo na? sige na. ok? ok.
next, yung baligtad na number, ibawas mo sa original number. kagaya sa example, 631 - 136. paano? hayan, gamitin mo yung calculator. naminus mo na? may nakuha kang sagot, di ba? o, tandaan mo yang sagot. sa example ko, ang sagot ay 495.
next, yung nakuha mong sagot, baligtarin mo ulit. kagaya sa example ko.. kapag binaligtad ko, 594 yun, di ba? o, gawin mo rin yan dyan sa yo.
ok, next. yung original na sagot at yung binaligtad na sagot, pagsamahin mo ngayon. opo, addition. sa example ko... 495 + 594. ok, gawin mo na rin yang sa yo. pindutin sa calculator. ok? ok. tandaan ang sagot.
yung nakuha mo ngayong sagot, dagdagan mo pa. huli na ito, dagdagan mo lang naman ng magic number kong 13255. oo, addition lang po.
nakuha mo na yung sagot, di ba? kaw ha... bakit yan ang lumabas na sagot? 14344? hahahaha! o, hindi ko alam kung anong naisip mo. may hidden desire ka siguro sa akin.
hahaha! yun lang!
3 comments:
haha! alam ko na to matagal na. no need na gawin. =P
pag po ang number is 100?
jenchel... good question.. hehehe, di ko napansin yun. kapag 2 digit pala ang sagot kapag pinagminus, dapat, magappend ka ng zero, para maging 3 digit. like kung 100 - 1 = 99 or 099. para pag binaligtad, 990. so, yun din ang lalabas na sagot. yun lang!
Post a Comment