libreng meryenda, libreng hapunan. yan ang nangyari kahapon. birthday kasi ng pamangkin ko sa pinsan, katapat-bahay lang namin, kaya nakalibre ako ng meryenda. tapos nung hapon, may pinuntahan pa akong isang okasyon, isinama ako ng mother ko.
when you are attending occasions at makikita ka ng mga kamag-anak mo, iba't iba ang itatanong nila sa iyo depende sa edad mo... yun ang napansin ko. kapag alam nila na nag-aaral ka pa, high school... itatanong nila "o, kumusta na? anong year mo na? kelan ang graduate?" kapag college ka na naman, itatanong nila "o, kumusta na? saan ka pumapasok? anong course mo? kelan ang graduate mo?" di ba? kapag fresh grad ka, or mga 1 to 2 years ka pa lang nagwowork, ang mga line of questioning naman nila.."o, kumusta na? saan ka nagtatrabaho ngayon? kumusta naman?" yan ang mga tanong nila. pero kapag medyo katagalan na, around 25 pataas na ang edad mo, kung saan ito ang nararanasan ko.. ito naman ang tanong nila "o, kumusta? kelan ka mag-aasawa?" hehehe. halos lahat ng kamag-anak kong nakita ako kahapon, yan ang tanong sa akin. kapag kasal ang dinaluhan mo.. syempre ang itatanong sa iyo "o ikaw, kelan ka susunod?" ang sagot ko na lang..."darating din yan, hindi pa ako nagsasawa sa pagkabinata eh."
yan lang muna. happy monday morning!
1 comment:
may dagdag ako. pag nasa legal age ka na ang tanong nila sa'yo eh "may boyfriend/girlfriend ka na? taga-san? ilang taon na?" nyahaha!
Post a Comment