Thursday, February 23, 2006

eye-so

akala ko dati, mali yung acronym ng ISO, kasi, it stands for International Organization for Standardization. diba dapat, IOS? yun, pala, mali ako dahil hindi naman pala acronym yun. oo, hindi po acronym ang ISO. ayon sa aking nabasa, it came from the Greek word isos, meaning equal. and they decided na yun na ang itawag sa kanila, kasi nga, international sila, sa French daw kasi, "Organisation internationale de normalisation" ang name nya. so, magkaiba pa raw ang acronym sa French (OIN) and English (IOS), their official language. so,para maging maayos ang lahat, they called themselves ISO. hehehe. parang ako, hindi nila maspell nang ayos ang pangalan ko, hindi rin mabigkas ng ayos, kaya sabi ko, AGA na lang. hehehe.

bakit ko ba naging topic ang ISO dito? kasi po, today is February 23, birthday nya. It was founded on Feb 23, 1947, nung mga panahong yun, ako ay kasalukuyang nasa ibang planeta pa, siguro, nasa pluto pa ako nun, dun pako nagkakalat ng lagim. wala pa ako sa mundo. hehehe.

source: wikipedia

pahabol...
nag-update pala ako ng background music sa blog na ito. puro OPM yan, 21 songs yan na nakuha ko dun sa digitalpinoy. may control naman dyan sa taas, scroll-scroll na lang kayo kung gusto nyong malaman kung anong mga kanta dyan. hehehe. i uploaded all my mp3 para kahit saan ako mag-internet, may background music ako na gusto ko. they are all streaming audio here, so you can't download the mp3. join na lang kayo sa digitalpinoy kung gusto nyo. =)

2 comments:

Anonymous said...

ah... kaya pala ISO. now i know. haha. nagtataka din kasi ako eh. :) anyway, i like your blog. super! bigtime! panalo ka. :)

Anonymous said...

anlakas mag-promote ha ha ha!