Friday, February 10, 2006

pattern 999

lately, sabi ko, may nakita akong pattern when multiplying numbers to 999. now, it's time to reveal kung ano yung pattern. para naman may natutunan din kayo sa pagbabasa ng blog ko. madali lang yung pattern, kailangan mo lang matutunan ang subtraction, hehehe, pa-minus-minus lang naman ang gagawin. paano?

halimbawa: 999 x 684 = 683316

paano lumabas yung 683316? syempre, pindutin nyo sa calculator... hehehe. pero kaya nyo ngang kunin ang sagot using your mind. paano nga? ganito lang yun, yung unang tatlong numero.. 683 sa 683316, obvious naman kung saan kinuha, 684-1, di ba? ang dali. minus 1 lang, kayang kaya ng kukote nyo yan! hahaha! ok... saan naman kinuha yung 316 sa 683316? madali lang din yan... kita nyo yung 683? minus nyo lang sa 999. 999-683=316. mahirap bang mag-minus sa 999? madali lang, di ba? kada digit, iminus nyo lang sa 9. meaning, yung 316, nakuha lang sa 9-6, 9-8 at 9-3. mahirap bang gawin sa kukote yun? dali lang di ba?

isa pang sample: 999 x 296 = 295704

ganun din ang pattern. yung 295 is from 296-1, and yung 704 is from 999-295 or 9-2, 9-9 at 9-5. ang dali di ba?

lahat, ganyan ang pattern, basta 3-digit x 999. yung iba like 2-digit x 999, madali nyo nang madidiscover. konting practice lang, akala ng mga kakilala nyo, weirdo na kayo, kasi sinaulo nyo yung 999 multiplication table. hehehe.

yun lang! hindi itinuturo sa school yan. dito nyo lang mababasa yaN! hahahaha!

2 comments:

lojika said...

wehhh. aliw!!! i just love noumbers and i love looking for such technique... husay!!!

ito conclusion ko, bka mkatulong. if it is 1-digit no. sa mutiply by 1000 saka mo i-minus ung digit, db?
example: 999 x 2 = 1998
(2 x 1000)-2

madli lang nmn ang multiply ng thousand di ba, e puro zero lang yan e.

sana mabasa ko lahat ng post mo kya it's more 500 n ata. but i'll find time! i'll try to visit here everyday...

Anonymous said...

wow... ok a...

ngayon ko lang nalaman yun... actually sinsabi narin sakin yan dati pero hindi ko maintindihan. hindi kasi nae-explain sakin ng maayos e. hehehe...