Thursday, February 02, 2006

only you

habang tumataas ang mga bilihin, ewan ko ba kung anong nangyari dito sa internet shop na ito sa evangelista. baligtad ata ang mundo dito. lagi akong nag-iinternet dito dahil 25 pesos per hour lang, mura na, mabilis pa. aba at nang magtake-effect na ang 12% vat, nagulat ako sa bagong presyo... hehehe, 20 pesos per hour na lang! kabaligtaran... hahaha! yung 4 hours sa 100 pesos ko, naging 5 hours!!! luging lugi sila sa akin.. hahaha!

anyway, nakausap ko na ang korean boss ko. umuwi sya kahapon, nagkita kami kaninang 11:30PM, lunch meeting kami sa Wendy's doon sa Makati Ave, syempre sya ang nagbayad. sinabi ko sa kanya ang tungkol doon sa japanese company, na hindi ko na maitutuloy ang serbisyo ko sa kanya dahil nga may bago na akong work... and guess what? natuwa ako sa nangyari. ok lang daw, naintindihan nya sitwasyon ko, pero sabi nya, he still needs my help. so, kung pwede raw na maging consultant na lang ako sa kanya. part-time, on-call support after office hours. sino ba namang tatanggi sa ganung offer? hehehe. hayan, nagdoble-doble tuloy trabaho ko. di naman magkakaconflict dahil after office hours naman ako magtatrabaho sa kanya, at on-call basis lang naman, kung kailangan lang. so per day lang ang bayad ko sa kanya, magkano? secret... ok na ring pang-chunky-boy (ang chunky boy ay isang bar malapit sa burgundy building sa makati.. baka kung ano iniisip nyo... hahaha!).

ok, wala na akong gagawin dito sa manila. mission accomplished na lahat... hihintayin ko na lang ang tawag ni client kung kelan ko makukuha yung final payment dun sa project na ginawa ko. sa monday, start na ako sa bago kong work. gusto ko nang umuwi ng batangas, wala kasing tv sa boarding house. pero sa sat pa rin ako uuwi. may gimik pa kami ng friend ko sa friday night eh. for the mean time, heto ako, basang-basa sa ulan. hayan, napapakanta na naman ako.. hehehe. dito na lang muna ako sa internet shop, uubusin yung 100 pesos ko... biruin nyo, 100 pesos, limang oras!

sa byernes, katapusang episode na ng only you sa channel 2. feeling ko, ang magkakatuluyan ay si tj at si jillian.. ano sa tingin nyo? hahaha!

wala lang, yan na lang muna. makikipagchat muna ako sa YM. ganda na naman ng kachat ko.. hahaha!

No comments: