Tuesday, February 07, 2006

ang sitwasyon

mahal ko sya, pero may boyfriend na sya. have you been in this situation? paano kung yung babaeng nakilala mo, na nagustuhan mo, at minahal mo, ay nalaman mong may boyfriend na pala? what will you do? will you still court her? or kalimutan na lang ang lahat?

as for me, it doesn't matter, unless kasal na sila. kung may asawa na, kalimutan na. pero kung boyfriend pa lang, e ano ngayon... walang batas na nagbabawal na manligaw sa may boyfriend na. kung mahal mo, ipaglaban mo, di ba? sabi nga ni balagtas... "... hahamakin ang lahat, masunod ka lamang." ang punto lang dito, handa ka bang hamakin ang lahat? syempre, the girl is committed to the guy, and the guy (depending on his outlook in life) might take it against you, at pwede kang ipapatay... hehehe. depende nga kung ano yung pananaw ng guy sa buhay. kasi ako, ok lang na may nanliligaw sa gf ko, basta ba basted silang lahat eh. kung sumama sya, she doesn't deserve me, di sya mapagkakatiwalaan. it's one way to test na rin on how much your gf loves you.

balik ako sa subject ko. if i am in this situation, at talagang inlove ako, hahamakin ko ang lahat, i will go on and court her, e ano ngayon kung magalit ang bf nya, e ano ngayon kung bigyan nya ako ng death threat, e ano ngayon? mahal ko, ipaglalaban ko... kung mabasted, ok, fine. hehehe. that's life. hehehe. e pano kung it's the other way around? di ba? sugal din yan eh. ang buhay talaga, parang tong-its. hehehe.

pero kung hindi naman ako inlove, gusto ko lang magkagf (may mga ganyang tao), why go to such hassle? di ba? bakit ka papasok sa gulo? kalimutan mo na lang ang kalokohan mo.

bakit ko ba ito isinulat? wala lang! kakabagot dito sa office!!!

8 comments:

vemsan said...

di ko pa nararanasan yung magmahal ng taong me bf na. kasi type ko boys hindi girls. hehehe joke lang Sir Marhgil!


pag ako either bored sa office or walang projects nagbabasa nalang ako ng blog nyo.


Ehem...Wala bang loyalty awarss dyan ha, Sir? =p

starfish said...

kung may loyalty awards dito.. dapat nominated din ako. kasi, araw-araw, present ako dito sa blog mo. aliw eh! kakatuwa! hehehe

Coin Operated Boy said...

wow lovenotes pala topic dito ngayon? eherm.. ok lang nga ba manligaw ng may bf? ok lang yun ingat lang hehe always watch your back hehe...

Darwin said...

Uy, napansin ko bago na yung malaking picture mo ah. Hindi na ako ngayon maiilang pagka inoopen ko yung blog mo hehe.

yen said...

wala ako masabi.. laban kung laban ah.. pro gnyan tlga e.. kelangn mag take ng risk dahil ang buhay nga prang sugal..

anyways, namiss ko pic mo ah wahaha.. sna d m n inalis.. pakapalan na jan sa opisina wahaha

vemsan said...

na aalala ko tuloy pag nagbabasa ako ng blog nyo Sir Marhgil dito sa work, panakaw na tumitingin yung amerikano kong coworker sa monitor ko dahil dun sa pic nyo. tska madalas sabay ngiti ako sa mga nakakatawang entries nyo. kala ata tinotopak na ako. hehehe

Naomi said...

andami nang nabago dito sheeeet!
i need to catch up ha? musta na insaaaaaaaaaaaan! salamat sa textssss

lojika said...

ako, differnt situation pero halos pareho. mahal ko siya, pero mahal niya'y iba... di pa nmn sila. pero

sana i can be as you are. on my part kase takot ako kase babae ako and di ko alam kung magiging worth taking ba ung risk pag pinaglaban ko ung nararamdaman ko.

as of the moment, nananahimik lang ako.