nagkaayos na kami ng kumpanyang hapon. nagkasundo sa sweldo. start na ako sa monday. sakto, katatapos lang nitong project ko... lipat na ako sa kanya. si korean boss... hintayin ko na lang syang umuwi para magpaalam, iniwan nya ako eh, e di magkaiwanan na. hindi naman kumakain ng hangin ang tyan ko eh, kailangan ko rin ng pera para makatikim naman ng medyo masarap na pagkain, hindi yung lagi na laang skyflakes.. hahaha. from makati, sa malate naman ako mag-ooffice ngayon... doon sa may ramon magsaysay bldg... along roxas blvd, tanaw na tanaw ang manila bay. makapagblog kaya ako dun? siguro, hindi na muna... sa labas na lang ako magboblog. mahirap na, probationary pa lang eh, kapag regular na, saka na lang. hehehe. 6 months probationary, then, upon satisfactory performance, magiging permanent. may travel opportunity din daw.. sana, makarating man lang ng hongkong.
magpapaalam na rin ako dito sa laptop ko, tapos na kasi ang project ko, isosoli ko na. hay buhay, kapag minamalas nga naman, wala na ngang laptop, nasira pa yung tv namin sa boarding house.. waaahhh!!! hindi na ako makakapanood ng jang geum, tsk tsk tsk. mamimiss ako ni lady han.. hahaha! anyway, masaya ang buhay, uuwi na si tatay sa marso, kailangan na daw magpahinga... ako na lang muna daw ang bubuhay sa sarili ko at sa kotseng hinuhulugan ko.... buti na lang at nagresign ako. kung hindi ako nagresign, e di ganun pa rin ang sweldo ko at pag-uwi ng tatay ko ngayon e tiyak na hindi ko na mahuhulugan yung kotse dahil 30% ng hulog ay tumutulong sya. ngayon, sa bago kong work, ako na lang ang maghuhulog dun sa kotse, may tira pa rin akong gastusin. ayos na yun... kelan kaya ako mapopromote dun? hehehehe. nababaliw na naman ako, di pa nga nag-uumpisa eh.
anyway, aloha milky way, ako ay lubos na nagpapasalamat sa tumulong sa akin na matanggap sa trabaho na yun. walang iba kundi ang Dyos lamang, wala naman akong backer dun, as in, sa jobstreet ako nagpasa ng resume. salamat sa tip ng isa kong boss kung paano ang tamang paggawa ng resume... hehehe. effective!
ibigay ko na rin sa inyo, lalo na sa mga IT people na gustong mag-apply... gumawa kayo ng iba't ibang version ng resume.. ok? kung ano ang kailangan ng kumpanya, yun ang skills na ihighlight nyo. kasi, i know a little of everything, but a master of none. so, dun sa mga may opening na C++ developer, ihighlight nyo na kunwari, ang galing nyo sa C++... yun ang ipasa nyong resume. kung Java ang hinahanap, e di kunwari, Java expert ka... kung VB.NET, e di isulat mo sa resume mo na naghandle ka ng VB.NET na project kahit sa totoo ay hello world lang ang alam mong gawin... hehehe. lakasan lang yan ng loob. syempre, sa interview, kailangan mong magpakitang gilas... scheduled naman lagi ang interview, makakapaghanda ka pa, konting basa-basa lang sa libro ng basic programming syntax, etc... ok na yun! kapag natanggap ka naman sa trabaho ay madali na ang lahat. ewan ko sa inyo, kasi ako, kahit anong pasukin ko, walang problema, basta may libro naman at internet na pwedeng pagresearchan. hindi naman kagaya sa eskwelahan ang trabaho na hindi pwedeng sumilip sa libro kung hindi mo alam, di ba? kung hindi mo alam, punta sa google at isearch kung paano. ganun lang! ako nga, i survived 3 years sa dati kong company dahil lang sa pagoogle google.. and my salary tripled in the span of 3 years (yabang!)... salamat sa google.. hehehe.
yun palang title ko ngayon, yan ang status ko.. hehehe. dalawa na kami ni lukin!
yan, tama na. huling pagboblog ko na ito sa laptop na ito. yun lang!
1 comment:
congrats on your new job! and your quest in looking for the right girl.
Post a Comment