Wednesday, February 22, 2006

utang card

saan ko daw nadodownload yung mga mp3 ko? pagoogle google lang. well, pero may nakita akong magandang site na andun yung mga bagong awitin, kelangan lang, member ka nila para madownload mo. ok lang, libre namang maging member. kung gusto nyong sumali doon, just click this, ok? ok.

maaga akong umuwi kahapon, pagpatak ng 5:30PM, nag-out nako. kailangan ko kasing magpunta doon sa client kong nagpagawa sa akin ng application, yung kinontrata ko last year. natapos ko naman yung application nila, and i just collected the final payment yesterday. kaso, cheke ang ibinayad, at ang layo nung bangko nila para maencash ko, so, idedeposit ko na lang sa account ko. tsk tsk. di ko pa mapapakinabangan kagad. actually, napakinabangan ko na sya, pambayad utang na lang yun, dahil credit card muna ang ginagamit ko. sa wakas, mababayaran ko na ang utang ko sa credit card.

anyway, speaking of credit card, hindi man lang nila ipinaalam sa akin, basta na lang nila ako chinarge ng annual fee. e paano kung wala na pala akong balak ituloy yun? mamaya, tatawagan ko sila at makikipagkulitan. yun kasing housemate ko, kapag nakikipagkulitan, winiwaive na yung annual fee. tingnan natin kung maipawaive ko rin, abangan. sayang din yun, Php1200 rin.

yun lang!

3 comments:

Anonymous said...

yehey makaka DL na rin ako ng pinoy songs. wuhooo. tnx sa URL

Anonymous said...

ayos to ah... he he he..

matagal na ako naghahanap pede manenokan ng mga mp3, ayoko kasi ng mga shareaza tsaka kazaa at baka magulantang ang opis namin at bigla kami sugurin ng interpol ha ha ha.

tenks sa source.

Anonymous said...

Yes, pwede nga ung pagpapawaive sa credit card. Hamunan lang ng paclose, iwewaive na. Ang matindi pa, pinapaclose ko na talaga, ayaw pa iclose haha Pero pag BPI ang credit card mo, di na kelangan, itawag mo lang pwede ka magrequest ng waiver. Pag hindi 100% ang nawaive magreklamo ka na lang hehe