Thursday, February 16, 2006

daily routine

ito ang activity ko for the last 2 weeks. di ko na dinadala yung kotse sa pagpasok ko, mabigat eh. hehehe.

6:00 AM mag-aalarm ang cellphone ko. gigising ako. iset ang alarm sa 6:30, tulog ulit.
6:30 AM mag-aalarm ulit. gigising, press ang snooze, tulog ulit.
6:35 AM alarm ulit. snooze ulit. tulog ulit.
6:40 AM alarm ulit. snooze pa rin.
6:45 AM alarm ulit. press ang stop. babangon na talaga ako!
6:50 - 7:30 AM morning stuffs.. alis muta, toothbrush, ligo. bihis. magsusuklay ng konti. habang bukas ang tv, watching unang hirit.
7:45 AM lalabas ng bahay, mag-aabang ng dyip byaheng buendia.
7:55 AM baba sa dyip, sakay ng fx byaheng divisoria.
8:10 AM baba sa tapat ng building ng office namin.
8:15 AM nasa ministop, kain muna. syempre, take-out ko na lang.
8:25 AM pasok sa office, magtitime-in.
8:30 AM ioopen ang pc ko.
8:30 - 12:00 PM check ng emails, post sa blog, chat. basa ng balita. surf the net! mangungulit ng mga makukulit na online people. magtetext kung kanino at kung ano ano pa.
12:00PM magtitime-out para maglunch.
12:00-1:00PM lunch break, lalafang ng tinda sa canteen!
1:00PM magtitime-in.
1:00 - 5:30 PM. check ng emails, post sa blog, chat, blog hopping, basa ng news, mangungulit ng kung sino-sinong online. maghihintay ng oras ng pag-uwi.
5:30 PM depende sa mood ko, pwedeng tuloy ang ginagawa or uuwi na. syempre, magtitime-out.
5:30 PM onwards... gagala kung saan, maghahapunan. tapos uuwi na.
10:00 PM onwards.. sigurado, nasa boarding house na ako. manonood ng jewel in the palace, balita at kung ano ano pa.
12:00AM or kung anumang oras matapos ang balita... iseset ang alarm ng cellphone to 6:00AM, tapos, matutulog na!

kinabukasan, gigising and history repeats itself.

hay buhay! ang boring!

No comments: