Thursday, February 09, 2006

dalawang linggong petiks

binigyan ko ng magagawa ang sarili ko. it seems kasi na 2 weeks pa akong tatambay dito, walang ginagawa, petiks mode. bakit? kasi, yung system na hahawakan ko raw ay nasa Hongkong pa, and turn-over will start next week. E hindi naman sa akin ituturn-over, hindi nila kasi ako isinama sa Hongkong. So, sa officemate ko pang isa ituturn-over, sya kasi ang pupunta sa Hongkong, tapos, pagdating nya pa after 2 weeks, ituturn-over naman nya sa akin, at saka pa lang ako magkakaroon ng trabaho.

grabe, 2 weeks na petiks, whatalife! pumapasok para mag-time-in at time-out at sumweldo sa kinsenas-katapusan. ayoko ng ganito, kapag ipinagbili ko yang kukote ko, baka milyon ang abutin dahil hindi masyadong gamit. hehehe. kaya heto, nagdownload ako ng training materials ng java. since gusto kong matutunan ay pag-aaralan ko na lang habang tambay ako dito. nakakasawa rin na maghapon kang nagchachat at nagboblog. imagine, kahapon, siyam na post ang nagawa ko dito? ngayon, pa-apat ko pa lang to, at meron pa akong dalawang oras at kalahati. hhhmmm, may kasunod pa kaya ito? abangan.

kausap ko kanina sa ym ang isang blogger din, sabi nya... "buti naman at nakakapag-online ka dyan sa bago mong work." sabi ko..."syempre naman, kung di ako makakapag-online, magreresign ako." hehehe.

yun lang!

3 comments:

SarubeSan said...

tama! pagpinag bawal na mag blog-hopping at IM/YM sa office magre resign din ako! Hehehe

Ako rin binabayaran dito para umupo, mag check ng email, magbasa ng blog at mag surf sa internet ng kung ano ano. nakaka bobo.. Ayyy dati na pala akong bobo.. =p

G said...

Hi there,

Nice blog huh. I saw u drop by on my blog..thanks. It's nice knowing you. Nice artiks by the way..

jlois said...

ang sarap ng buhay mo dyan sa bagong trabaho kaibigang kukote,dalawang linggong petiks na
tapos nasa pinas ka pa, pero mas masarap yang nas jar na nakadisplay sa blog mo ah :)