Thursday, February 23, 2006

edsa

20 years na pala ang edsa revolution kung saan nagkaisa ang mga filipinong anti-marcos para patalsikin si marcos na 20 years din sa kanyang pwesto. parang kay bilis ata ng panahon, 20 years na pala ang nakalipas. asan ba ako noon? 20 years ago. buhay na ako nun, andito na ako sa mundo. by that time, i am 6 years old turning 7 by august. so, kasalukuyang pumapasok ako noon bilang isang kinder sa paaralan doon sa barangay namin, kakatapos lang makipagsaksakan ng lapis sa kaklase kong makulit. hehehe. noong panahong iyon, kahit anim na taon pa lang ako, may konting muwang na rin naman ako sa mundo. ang alam ko lang at natatandaan ko, nagkaroon ng election. tanda ko pa nga na pinaglaruan ko ang mukha ni marcos doon sa ipinamimigay nilang election paraphernalia na dala ng aking ina matapos silang bumoto. pinaglaruan, as in, nilagyan ko ng bigote at balbas ang mukha nya, tapos nilagyan ko ng shades. yan yung natatandaan ko. yung mga sumunod na nangyari, di ko na matandaan. ang alam ko lang, napatalsik nga si marcos at nanumpa si cory aquino bilang pangulo.

speaking of edsa, siguro, napanood nyo yung tabing ilog sa channel 2, right? dati, nagtataka ako kasi di ko naman nasusubaybayan yung kwento nun. nagtataka ako dahil yung si eds, ponyang ang tawag ng lola nya sa kanya. yun pala, Epifania ang pangalan nya, kaya ponyang. at Eds naman ang itinawag sa kanya ng mga kabarkada nya dahil nga ng edsa. epifanio kasi yung e sa edsa.

btw, this is my 700th post! huh? ang dami na!

yun lang!

2 comments:

Anonymous said...

Akalain mo nga naman nanaksaksak pala si Tito Aga gamit ang lapis! Bakit ayaw kayong bigyan ng papel? hehehe

CLARA said...

salamt sa drop ah! astig!