now i'm spreading the blogging virus. tinanong ako ng accountant ng kumpanya namin kung ano ang YM id ko, para daw kung may tanong sya or something, hindi nya kailangang tumayo, YM na lang. oo nga naman. e di ibinigay ko. nakalimutan ko, ang status ko nga pala sa YM ko ay may link sa blog ko. hayun, e, di nadiscover nya itong blog site na ito. e ano ngayon? wala lang, bigla na lang nya akong minessage.. "ayos ang blog site ah!" i was kinda nagulat, hahaha!
hayun, maghapon nya yatang binasa ito. hindi naman pala lahat, yung mga nakakatawag daw ng pansin lang... like yung una kong payslip. extra kasi sya dun. hehehe.
anyway, kagabi, magkakasama kami, sya, ako at isa pang officemate na wala ding date sa valentine. kumain kami sa shakey's sa robinsons. kkb. syempre, idinate lang namin ang aming mga sarili.. hehehe. buti na lang at wala ditong tradisyon kagaya doon sa dati kong pinapasukan, na sa first salary mo, maglilibre ka sa lahat. ako na lang magpapauso, hehehe! saka na lang ako maglilibre kapag nagbirthday ako.
ok, balik sa kwento. syempre, kwentuhan habang kumakain ng mojo dips at manok ng shakey's, tsaka yung greenwich special nilang pizza, este, shakey's special pala. hehehe. e ngayon ko lang naman sila nakausap at nakakwentuhan, dito nga kasi sa office e either kachat ko yung mga online friends ko or nagboblog ako. ano bang aming napagkwentuhan? syempre, yung trabaho. at syempre, itong blog ko. parang maghapon nya nga ata itong binasa, ang daming alam eh. pati yung pattern 999, gets daw nya. hehehe.
well, natuklasan ko din na hindi lang ako ang blogger sa opisina. yung isa daw naming officemate, blogger din. hhmmm, so, legal talaga ang magblog dito! hahaha! pero up to now, di ko pa alam kung saan yung blog site nung officemate ko daw. pasasaan ba at malalaman ko rin. anyway, after naming mabusog ay nag-uwian na kami.
nagtaxi na lang ako dahil mega traffic to the maximum power dito sa malate. ang dami kasing nagdedate. napansin ko lang nung naglalakad kami pauwi at napadaan kami sa mga bar, aba at lintek, ang mga babae ay nakahilera doon sa harap ng bar, as in, sa tabi pa ng kalye! itatanong ko nga sana kung magkano ang kilo. hehehe! as in bulgaran ang pagbebenta ng aliw ah! tsk tsk. well, di naman ako na tempt na dumaan dun. umuwi ako diretso sa bahay at natulog. syempre, nanood muna ng jewel bago natulog. di lang jewel, pati yung late night news.
yun lang!
1 comment:
wahah!!! reading ur crazy post is now becoming a mania... baka mas maging sikat ka pa kay tito aga!
baka wla nang magtrabaho jan sa opisina at magbasa na lang ng post mo! bwahahah....ge, maghapon kaypng magblog!
nah!!! kala ko ba magaling ka sa numbers and memeorization? anong nangyari? wel,anyways...
ang masasabi ko lang.... hay...
Post a Comment