Thursday, February 09, 2006

first post for today

yesterday, sabi ko, if i don't post anything today, probably i'm dead. well, obviously, buhay pa ako. alive and blogging. medyo tinanghali lang ng gising, pero hindi naman ako nalate. kung dati, dumarating ako ng 8:00AM, ngayon, dumating ako ng 8:20AM. ok lang, 8:30AM naman ang time namin.

to insang nao, thanks for the text message. pinsan talaga kita. hehehe. don't worry, it's not all about her. and i'm ok now. i think so... really. siguro. hehehe. bad mood lang kagabi bago umuwi. pero ok na naman ako ngayon.

napanood nyo ba yung bubble gang last friday? ang ganda nung music video nilang Ulam. pinaglaruan nila yung lyrics ng Ulan ng Cueshe, astig eh! ginawang Ulam yung Ulan. to give you a hint... ganito yung umpisa... "lagi na lang walang ulam, sweldo naman nung katapusan...." i tried to record it nga, kaso, yung audio recorder ng cellphone ko, limited to one minute lang, kaasar.

napansin ko lang this morning, mukhang may ipamimigay na naman akong polo. bakit? kasi naman, itong isang officemate ko, kapareho ng isang polo ko ang suot nya ngayon. buti at hindi yun ang isinuot ko.. hehehe. so, ibibigay ko na lang sa pinsan ko. baka dumating ang araw na magkataon na pareho kami ng suot, magkakatawanan pa dito sa office. hehehe.

yan na lang muna. mamaya, kapag may naisip ulit akong ipost at wala na naman akong ginagawa, magsusulat ulit ako. have a nice day sa inyong lahat!

yun lang!

1 comment:

Naomi said...

buhay ka? oo nga! buhay ka nga insan yipeeee!!!!!!!!!!! alam mo bang inantabayanan ko sobra tong posts mo ha! grabe, pagmulat ng mata ko, dito na ko agad tambay at talaga naman ha pakshet pinakbet andami na agad postssss??????????