i think, i need to see an optometrist. ewan ko ba, parang nanlalabo na ata ang aking paningin. basta, something is different. di naman ako duling. hehehe. my father is farsighted, pati mother ko. siguro, nakamana na naman ako.
kakaasar dito sa office, may dumating na galing hongkong, ang dami daming dalang chocolate. nakakaasar, hindi dahil sa hindi ako binigyan. nakakaasar dahil hindi ko naman sya pwedeng kainin! kung may gamot lang sana ang diabetes na pwedeng mawala na sya habambuhay... tsk tsk tsk. E kung kumain kaya ako ng langgam, di ba paborito nila yung matatamis. wala lang.. naisip ko lang, meron kayang langgam na diabetic? hhhmmm.
second day ko na dito sa office, wala pa rin akong ginagawa. they just gave me a powerpoint presentation ng company profile and their business, yun lang. e kahapon ko pa binabasa yun. hanggang ngayon ba naman? mamaya daw ay ipapaliwanag nila. good, nang maalis naman ang aking pagkabagot. nakakapagod rin talaga kapag wala kang magawa.
warning: kung kumakain ka... don't continue reading, ok?
eto pa ang nakakaasar. since sanay ang katawan ko na gumising ng 9:00 to 10:00AM at magCR pagkagising, putek naman, nang gumising ako kanina ng 6:30AM, pagpasok ko ng CR, unsuccessful ako! ayaw lumabas ng syet! tabi tabi po sa mga kumakain. at ngayong mga oras na ito kumukulo ang tyan ko! syet! paano ba ma-iiadjust yun, na ang schedule na ngayon ng paglabas ng mga sama ng loob ko ay 6:30 ng umaga. parang nakita ko ata sa commercial yun eh, may hinahalo sa pagkain para pagpasok mo ng CR, sisigaw ka ng "SUCCESS!" paglabas mo. hehehe.
mamaya pala ay magpapapicture ako, kelangan daw nila ng tatlong 1x1 picture. itatanong ko sana kung whole body, hehehe, kaso, di pa sila sanay sa akin, baka mabara ako. hahaha!
yun lang!
No comments:
Post a Comment