Tuesday, February 14, 2006

last 2 hours

this is my 665th post! isang post na lang, 666 na, kailangan, malademonyo ang sunod kong topic. hahaha! anyway, wala naman akong isusulat. napansin ko lang, hindi lang pala ako ang bigo ngayong valentine's day. hehehe. had a chat with 3 people na nagbabasa ng blog ko, kilala nyo kung sino kayo, pare-pareho kaming bigo. hahaha! anyway, bilog naman ang mundo. iikot din yan, next valentine's day, tayo naman ang masaya. sana. sana. ireserve ko na lang ang budget ko for today... para kapag umikot na muli ang mundo, may magagastos ako. hehehe!

may gimik daw kami tomorrow night ng mga dati kong officemate. magpapainom daw ang isa dyan dahil papunta na naman sya sa kontinenteng middle name ko. ok yan, sakto, magpakalasing tayo, tutal, libre naman. hahaha!

last 2 hours, uwian na. saan ako pupunta? wala, uuwi ng bahay at matutulog. kakain muna pala doon sa robinsons manila dahil unang sweldo ko! i titreat ko ang sarili ko! idate ko na lang ang sarili ko, anyway, sabi nga ng isang kanta... learning to love yourself is the greatest love of all. hehehe. after kong kumain, diretso na sa bahay, manonood ng jewel in the palace, tapos, matutulog na.

tinext pala ako ng isa dyan, pagano na daw ako. ows, really? sige na nga, pagano na nga kung pagano. akala mo lang yun. u don't know me. really, hindi mo ako kilala.

yun lang!

5 comments:

Mec said...

ahehe

gudlak sa 666th post mo :)

lojika said...

sino kyang bigo? di ko kilala e...< sabay-exit>

hehehehh..ge, tito aga pataba ka pa!

neng said...

ganda sana kung ngayon ang ika-666th na post mo :D

^ alles gute zum Valentinstag^ na lang ...

darwin said...

Uy may blind item ka pa pala dito... parang ako yun ah?!? hehehe

Sana mashock mo kami dyan sa entry numero 666 mo. hihihi

hera said...

hey kukots! pede ba kitang tawaging kukots kahit di pa tayo close?

salamat sa pagbisita mo sa blog ko. nakakaaliw basahin etong blog mo. babalik ako para sa malademonyo mong post. ;)

at ngayong balentimes, ka-date ko rin lang sarili ko. manonood nalang kaming dvd. mas matipid pa kesa sine.