Friday, February 10, 2006

kilay

what if your friend is in-love with your ex? yan ang sitwasyon ngayon sa boarding house namin. mga kasama ko sa bahay. di naman malala. ok lang daw, wala na naman sila, ilalakad pa nga raw nya. hahaha! natatawa lang ako, kasi naman, ang pinagkakaguluhan ng dalawa ay pinsan ko pa! pagkagaganda talaga ng lahi namin! hahaha!

paano naman kung iniwasan ka ng kaibigan mo dahil nagseselos ang boyfriend nya sa iyo? mukha daw kasi akong threat sa relationship nila. o come on! di nya pa nga ako nakikita ng personal, insecure na kaagad sya sa akin. e di lalo na kapag nagkita kami, lalo na syang nainsecure, pagkagwapo ga nire eh.. hahaha! kapal ko! syet! well, bahala sya. basta sayo, kaibigan ko, andito lang ako, nagpapacute pa rin sayo. hahaha! di mo naman ako type, di ba? ok, go on, be happy. ang drama ko, syet na malagkit!

nakakahibang talaga ang walang ginagawa sa trabaho. magkano ba ang patak ng metro ko dito? more than 2 pesos per minute ang rate ko dito eh. nagboblog lang? mas mabilis pa ang patak ng metro ko sa patak ng metro ng taxi. well, that's life. ilang taon ko rin namang pinagsunugan ng kilay ang pag-aaral eh. buti nga at may natira pa akong kilay. hehehe.

yun lang!

3 comments:

lojika said...

ikaw na ang pagkagwapo! pati si morning(aga) maiinsecure sau! weheheh...

magulo talga ang mundo ng pag-ibig.

aus lang yan kukote, wla ka nmng ginagawang masama...heheheh, un lang wala kang ginagawang mabuti sa kompanya...

dati nmn naghirap ka, pakaligaya ka muna ngayon, patubo ka ng kilay!!!

nakakaaliw dumalaw dito!!!

vemsan said...

eh pano pag patay na patay sayo ang isang dayuhan (mabait sya at super talino) pero na-tu turn off ka naman sa pamilya nya? hmm teka lab istory ko ba to??!! hehehe


Sir Marhgil tnx sa pag link sa akon! =D

Jecylin said...

ei guwapo ka nga. wala naman tayong magagawa kng pinanganak kang guwapo. grabe daig mo pa artista. hehehe kung yan ang ikasasaya mo suportahan taka! heheheh