Wednesday, February 01, 2006

daan lang

isang online din lamang, e magpopost muna ako dine. wala lang, ala una na, gising pa ako. may tinapos lang na kailangang isubmit sa client ko bukas. gigising ako ng 8AM, luluwas sa manila ng 9AM. darating sa manila around 12PM para kumain at mag-ayos-ayos. tapos, pupunta sa malate doon sa japanese company, may salary negotiation daw para sa bago kong job, sana, magkasundo kami. pagkatapos nun, saka ako pupunta doon sa client ko para isoli na itong laptop at kolektahin ang kabayaran sa aking pinagpuyatan ngayon. tapos, bahala na, siguro uuwi na ulit ng batangas kinabukasan unless pag-umpisahin na ako ni japanese company.. hahaha. yun lang.. sige matutulog na ako!

No comments: