Monday, February 06, 2006

ang unang araw

i am using my gmail account to make a new post to my blog. hehehe, para hindi obvious na nagboblog ako, kunwari, naggagawa lang ng email, hindi naman bawal na mag-email eh! it's my first day of work. ok naman, ako ang unang dumating dito sa office, 8:00AM pa lang, andito na ako. umalis ako ng batangas ng 5:00AM, dumating ako sa boarding house ng 7:00AM, tapos, umalis ng 7:30AM papasok sa bagong opisina at dumating nga ng 8:00AM. nakakapanibago, dalawa kaming bagong pasok. kaya may ka buddy na ako dito, lagi namang ganun, di ba? yung sabay na natanggap, sila magkasama. ok naman, mababait naman ang mga tao, hindi nga umiimik eh. hahaha! tinawagan ako ng accountant, noreen ang name nya. pinag-fill-up ako ng application form sa bangko, totohanan na talaga ito! kailangang ayusin agad nila yun para may masweldo na ako sa kinsenas. hahaha.
 
so far, wala pa namang ginagawa. kinausap lang ako kanina, ipinakilala sa kung sino-sino. ngayon, tambayesis mode ako, petiks mode. inaantok na nga ako kaya naisipan kong gawin ang post na ito. kakaasar lang itong desktop ko, walang nakainstall na YM, e nahihiya pa naman akong magdownload kaagad ng YM. wala namang announcement na bawal ang chat dito, yung isa nga ay may YM sa desktop nya at kanina pang nagchachat. saka na lang ako mag-install kapag at home na ako dito. hehehe.
 
tama na. sana pwedeng matulog. kakaantok eh.
 
yun lang!

1 comment:

... said...

pare... Gusto ko posts mo. merong style... masigla lagi.. tungkol dito s bagong post mo: Bakit ka ya no?! mga programmers, bisyo ang mgchat. I feel the same way too e! Cge.. Keep it up! Keep it cool! :o)