naging maayos naman ang trip ko to batangas pauwi kahapon. walang masyadong traffic, walang checkpoint dahil palabas naman nga kami ng manila. kasabay ko ang isa kong housemate nang umuwi kagabi. ang napansin namin, heavy traffic yung papasok ng slex going to manila, may checkpoint kasi dun sa tollgate.
andito ako ngayon sa sm batangas, wala kasing magawa sa bahay, ang init pa. kaya gala na lang, dumaan din ako sa banco de oro at nagbayad ng aking utang sa aking utang card. i have no plans, bahala na. siguro, food trip na lang ulit ako dine.
hindi nyo ba napansin, sunod-sunod na ang kakaibang nangyayari sa pilipinas? stampede, mudslide, kudeta at nagbabanta pa raw pumutok ang isang bulkan dyan. mukhang malapit na ang katapusan. malapit na nga, sa martes, katapusan na, sweldo na ulit. hehehe. ok, seryoso. hindi ko alam kung anong mangyayari sa hinaharap, all i know is buhay pa ako ngayon, despite all those things na nangyayari sa mundo, mabait pa rin sya sa akin at hindi pa ako nasasangkot sa kamalasan ng mundo. but i think, it's time for me to change. itama ang maling gawain at ibalik ang dating ako. oo, ang dating ako.
1 comment:
naintriga naman ako sa "dating ikaw".. pro tama ka nga, panahon n cguro para magbago ang mga tao.. sa dmi ng sunod2 na trahedyang nangyayari.. tsk tsk!
Post a Comment