Thursday, February 09, 2006

bilog talaga

uuwi na ako. natapos na naman ang maghapong walang kwenta. natapos ko namang basahin ang introduction doon sa e-book na dinownload ko. hehehe. medyo mahaba-habang araw na tatambay pa rin ako. dalawang linggo pa.

ang mga barkada at kilala ko ay nasa makati samantalang ako ay nandito sa malate. wala pa akong masyadong ka buddy dito, mukhang mga seryoso sa buhay ang mga tao dito eh. ang tatahimik, lahat, nakaharap sa kani-kanilang computer. may kanya-kanyang tinatapos samantalang ako ay andito, nakatanga, naghihintay ng alas singko y medya. eto nga, alas sais na, mga OT pa sila, ako, syempre wala pa. di naman pede akong magfile ng OT, anong ilalagay kong ginawa ko? nagblog? hehehe.

anyway, ok lang. nakapag-adjust na ang aking katawan sa maagang paggising. kahit manood pa ako ng late night news, nagigising pa rin ako ng 7:00AM. medyo yung tyan ko pa lang ang hindi masyado nakakapag-adjust. siguro, next week, ok na ito. lalabas na ang dapat lumabas kapag umupo ako sa aking trono. hehehe.

last post ko na ito sa araw na ito. bukas na ulit. masaya ako ngayon. promise. basta. masaya ako. abot ang ngiti hanggang ibabaw ng tenga, lampas tenga! hahaha! byernes na pala bukas, patapos na ang isang linggo ko sa kumpanyang ito. lugi ata sila sa akin, wala naman akong ginagawa, papaswelduhin nila ako sa a-kinse. hehehe.

tama na. uwi na ako. happy days are here again! bilog talaga ang mundo!

3 comments:

Darwin said...

Bat parang tuwing darating ako dito pauwi ka na? hehe

rachel said...

aba! ansa bagong work ka na pala... i hope ok ka naman dyan...

ok naman ako, cute pa rin, pareho tau haha!.. next week day shift na ako, ayos may makakachat na ako ... :D

lojika said...

ako din minsan la magawa sa ofis...heheheh...pero kahit meron mag oonline pa rin ako!