dahil sa kawalang magawa, open na naman ang aking notepad at nagtatype na naman ako ng kung ano anong mga bagay na pumapasok sa isip ko. we had a meeting kanina, ipinakita kung paano kinocompute ang OT pay. uy! may OT pay kami! hindi kagaya doon sa dati kong inuutong kumpanya, ako ang nauto. hehehe. ok lang, nagkautuan lang naman kami, the feeling is mutual, ika nga.
kailangan din daw kaming mag-ipon ng resibo dahil meron kaming transportation allowance, in case na mag-audit ang mga auditor e kumpleto kami ng papers. wala namang problema sa akin dahil ugali ko na ang humingi ng resibo kapag nagpapagasolina ako ng sasakyan. ang mga medyo may problema ay yung mga sumasakay ng dyip dahil hindi naman nagbibigay ng resibo ang driver.
sabi ko kahapon doon sa isa dyan, di muna ako mag-uupdate ng blog ko, pero heto ako, santambak na post ang nagawa ngayong araw na ito. kalahating oras na lang at uuwi na ulit ako. maghapong petiks, wala pa akong masyadong ginagawa. sabagay, talaga namang ganun kapag bago ka sa kumpanya, first week, petiks muna, pero pag nag-umpisa nang dumating ang work, santambak naman. ok lang, may OT pay naman. hehehe.
what inspired you to work? yan ang tanong sa akin nung isang hr manager na nag-interview sa akin doon sa agency na pinag-applyan ko dati. ano daw inspirasyon ko at nagtatrabaho ako? ang sagot ko, ang dami ko kasing gustong maabot na pangarap. and i will not reach my dreams kung tatambay lang ako sa kanto at ikukuyakoy ang paa maghapon. ayokong umasa na lang sa tulong ng aking mga magulang, dahil hindi naman habambuhay ay may mga trabaho sila at palalamunin na lang nila ako sa araw-araw na ginawa ng Dyos.
i want to buy a house and lot. i want to finish paying my car loan. i need to have a stable job. i need to have a business. yan lang naman ang mga pangarap ko before ako lumagay sa tahimik. syempre, i also need someone na pwede kong paghandugan ng lahat ng yan. paano ako lalagay sa tahimik kung wala yung special someone di ba? ngayon, kakalimutan ko muna yung special someone. darating din yan when the right time comes, when i'm ready. so far, my focus now is to be successful in my chosen field of expertise. ang daming opportunity dito sa bago kong company. i might go to hongkong this year. sana, matuloy.
last saturday, i had this conversation with my kuya regarding my pamangkin's education. kinder pa lang daw, papapasukin na nya sa mamahaling eskwelahan. and i gave him this advise... sabi ko, yung ibabayad nya pangtuition sa mamahaling school ay ihulog na lang nya sa bangko at ang paghandaan nya ay yung college ng anak nya. ang triangle sa mumurahing kindergarten school ay kapareho din ng hugis ng triangle sa mamahaling school. kahit anong school pa yan, di ba? ang red sa mamahaling school, ganun din sa mumurahing school, pula pa rin. basic education lang naman yan eh. kung matalino yung anak mo, kahit sa public school pa sya nagkinder, makikipagsabayan yan sa mga graduate ng mamahaling school. they will not teach calculus and trigonometry sa mamahaling school kapag kinder pa, hehehe. pareho lang naman sila ng subjects, di ba? plus, sabi ko, kung mag-aaply na yan ng trabaho, ang tinitingnan ay kung saang college sya graduate ng kanyang degree, hindi kung saan nagkinder yung anak nya. so, sabi ko, be practical. biglang nagdalawang-isip. hehehe.
sabi nila, magaling daw sa mamahaling school dahil bata pa, magaling nang mag-english. hhhmmm, bakit, hindi ba matututunan rin nya yan pagdating ng college? yung mga retarded na amerikano nga, magaling ding mag-english. pero retarded sila. hehehe.
tinanong nila ako dito kung marunong ako ng lotus notes. sabi ko, hindi, dahil yun ang totoo. pero sabi ko, pag-aaralan ko, sila nga, natutunan nila, ako pa ba ang hindi makaintindi? hehehe.
yun lang!
1 comment:
congratulations sa bago mong trabaho, marhgil.
tama ka dun sa advice mo sa bro mo. at tama ka ulit for being honest. dito kasi maraming sinungaling makakuha lang ng trabaho. for me, mas credible yung umaamin na meron kang hindi alam kasi impossible naman alam mo lahat.
Post a Comment