Friday, February 24, 2006

alam nya

gusto ko lang ipost. wala lang. di naman ako tinamaan dahil alam naman nya. Yun nga lang, di ko alam kung anong lagay ko sa kanya. a ewan. basta, bilog naman ang mundo.

Mahal kita pero hindi mo lang alam. Hindi mo alam kasi hindi mo naman ako tinitingnan. Ayaw mo namang itanong sa akin kasi baka nga naman hindi naman ikaw at hindi ko rin naman sayo sasabihin kasi ayoko pa sa ngayon na manligaw. Mahal kita pero hindi nga lang halata. Hindi halata kasi wala nga naman akong ginagawa. Hindi ako kumikibo hindi ako nagsasalita. Wala! Pero hindi ako torpe. Hindi ko lang talaga masabi sayo ng harapan. Mahal kita pero dehins mo pa rin ramdam. Hindi mo ako titingnan, hindi rin kita titingnan. Lagi mo lang akong pakikiramdaman,lagi rin kitang pakikiramdaman. At araw araw tayong magdededmahan hanggang sa tayo ay magkabistuhan. Pero ngayong malapit nang matapos ang kanta ko, nais kong magkaalaman na. Nais kong ako na rin ang magsabi sayo ng harapan, kasi alam kong doon din naman ang tuloy nyan at dalawa din lang naman ang posibleng sagot dyan, oo o hindi. Kaya eto na sasabihin ko na para matapos na at hindi na magka–tsismisan pa. Sasabihin ko na para wala nang problema at para hindi na rin kayong lahat nabibitin pa.

excerpt from Lagi Mo Na Lang Akong Dinededma ng Rocksteddy

yun lang!

4 comments:

vemsan said...

ako ule unang mag co comment wuhooo - record breaking ba?! hehehe

peborit song ko din yang song ng rocksteady kahapon lang PERO kaya ko na syang kantahin. =D

lojika said...

hahaha...pasalamat ka saken
nalaman mo ung kantang un...
sana pauwiin na kame!!!! nyahahah!!

jho said...

waaah! fave ko yang song na yan! hehe!

cruise said...

pinakamakulit sa eksena sa MTV nila ay yung sa MRT, napanood mo ba yun? nakaktawa.