what if someone copied your articles in your blog? as in, kinopya nya, letra por letra, at hindi ka nya inacknowledge as the source. anong gagawin mo? or someone copied a code from you, like that FM station in your blog, kinopya nya directly and inintegrate nya sa blog nya, without acknowledging you, what will you do?
ako, wala. hayaan ko na lang sya. ibig sabihin lang nun, kulang sya ng laman sa kukote at kailangan pa nyang magnakaw ng laman ng kukote ng iba. eh ano ngayon kung hindi nya ako inacknowledge? hindi naman ako nawalan. ako pa rin ang original. e kung itanggi nya na kinopya nya sa akin at palabasin pa na ako ang nangopya? bahala sya, konsensya na nya yun. tatawanan ko na lang sya kapag sinusunog na sya sa impyerno ng malademonyong tawa... harharhar!
maiba ako, dito sa office, nag-fill-up ako ng application form ng working visa sa hongkong. mukhang makakasakay na naman yata ako ng eroplano this year. madadagdagan na naman siguro ang vocabulary ko. kung dati ay puro arabic words (wahid, itnayn, talata, arba, kalas!) ang natutunan ko, siguro, matututo naman ako dito ng kakaibang lenggwahe nila.
yun lang. arigato! gato gato! ajinomoto! pikachu!
3 comments:
bagong work na naman to? o pakana ng bagong kumpanya mo?
ui! baka makakita ka na dun ng babaeng maghihilom ng sugatan mong puso... heheh...
pag natuloy ka... pasalubungan mo ako ng lalake ha! heheh...wag ung mabaho ang hininga ha!
sama ako disneyland-hongkong... hehehe
ok pala dito streaming radio... Tito Aga, embed din kayo podcast... =)
Post a Comment