Saturday, February 04, 2006

stampede

kaninang umaga, as i drive home from manila to batangas, nagulat kami sa flash report ni nicole eyala sa 90.7FM, 66 daw ang patay sa stampede sa ultra, mga taong gustong manood ng anniversary ng wowowee. grabe, at pagdating ko nga sa batangas, yun na ang palabas sa tv namin, and by that time, tumaas pa ang bilang ng namatay, 79 yung huli kong balita at 200+ ang sugatan. tsk tsk tsk. life is really unpredictable... biruin nyo nga naman, manonood lang ng wowowee, pagbalik ay isang malamig na bangkay na. nakakakilabot ang mga balita, lalo na nang ipakita sa tv ang hilera ng mga namatay at ang mga kamag-anak na nag-iiyakan. tsk tsk tsk. nakakalungkot. marami sa mga namatay ay matatandang babae... mga naipit at naapakan daw sa stampede.

nakakalungkot yung interview kanina doon sa isang namatayan ng kanyang ina. he saw how his mother died, at wala syang magawa, isang dipa lang daw ang pagitan nila. natumba daw yung kanyang mother at hindi na nakabangon pa, at dahil sa dami ng taong nagtatakbuhan, wala syang nagawa para iligtas yung mother nya, dahil pati sya ay naipit. nung humupa daw yung stampede, saka nya lang napuntahan ang mother nya na hindi na humihinga. tsk tsk tsk. nakakalungkot. sobra.

2 comments:

Anonymous said...

haha!! ako rin minsan kinakausap ko yung Yahoo Messenger Help pag walang kachat ng classmates.. hehe!! nakakatuwang kausap yun noh?

at oo nga,, nakakagulat yung nangyari dun sa ultra noh? nde mo akalain na mangyayari yun. 1st yr. anniversary pa naman ng wowowee nun.. nakakalungkot..

anyway, ingat nalang! bye! ^_^

Leah said...

nakakalungkot nga. hinde nila naanticipate yung ganung klaseng scenario. kawawa tuloy yung mga biktima. :(