ikaw ba yan? ikaw ba talaga ang nagsusulat sa blog na yan?
hindi sila makapaniwala. mga dati kong kaklase noong high school, some are amazed, some are shocked after visiting this blog. hindi sila makapaniwala na ang marhgil na nakilala nila noong high school will come up with this kind of blog. bakit? sino ba ako nung high schoool? sino nga ba ako nung high school??? let me rewind my kukote and see my high school life.
sino ba ako nung high school? tahimik. i don't talk too much. seryoso sa pag-aaral. walang extra-curricular activities. no, i'm not that type of student na kapag nagtanong si teacher, will raise his hands and recite everything that he knows. no, i'm not like that. tahimik lang ako, walang paki sa mundo. silently listening during discussion. sa written examination ako humahataw. though bihira lang akong makaperfect ng exam, but most of the time, i have the highest score, lalo na sa mga mathematics subject.
mahiyain ako. torpe. never had a girlfriend in high school. though i know, may mga nagkakakras sa akin. dami kayang nagpapicture with me nung graduation, di ko naman mga kakilala. hahaha! during high school, all i want is to graduate. and to meet the expectations of my parents. they all wanted me to graduate as valedictorian. though, sabi ko sa kanila, wag nang umasa coz talo ako sa extra curricular activities. in academics, di nila kayang pantayan yung grades ko, pero sa extra-curricular points, kulelat ako. hindi ko nga alam kung anong nangyari at nung deliberation of honors e ako pala ang valedictorian. alam ko, may mga nagduda at tumaas ang kilay during that time. well, i have proven myself naman during college, that i deserve it.
anyway, balik sa topic. may mga kaibigan din naman ako nung high school. pero most of the time, academic subjects ang topic ng usapan namin. hehehe. at syempre, religion. ako lang naman yung INC sa klase, so, syempre, ano pa bang mapapag-uusapan? pero never ko naexperience yung naeexperience ng ibang INC na napapaaway coz of it. nasa tao naman yan eh, nasa pagdadala. respetuhan lang ng paniniwala. i don't indulge in a debate, hindi rin naman magkakaintindihan. basta i'll just show them how a true INC lives. (dia**x officemates, high school pinag-uusapan dito.. hehehe)
bakit ba napunta sa INC topic ko? ok, balik sa high school life. wala talaga akong maikwento. bahay-school-bahay lang ako. or bahay-church-bahay. ni yung paggala nga sa batangas city, hindi ko natutunan nung high school. hanggang doon lang ako sa bauan. weird? talagang weird ako nun. sa bahay, tv lang aliwan ko, tsaka family computer. hindi rin ako yung tipo ng estudyante na nagpapakapuyat sa pag-aaral. saka lang ako nag-aaral kapag may exam kinabukasan. kapag something to memorize yung mga type ng exam. pero kung mathematics subject ang exam kinabukasan, nanonood na lang ako ng tv. wala kasing dapat pag-aralan dun. yabang. hehehe. totoo. basta alam ko na yung formula, nakaukit na sa kukote ko yun. may calculator naman. and mostly, problem solving type yung exam, chicken! hehehe. mana daw kasi ako sa father ko... well, i think so, he's indeed a math wizard. akalain nyong high school lang ang tinapos nya, pero nagbabasa sya ng mga plano ngayon at under nya yung mga engineer doon sa bahrain. sa kanya pa sila nagpapaturo.
anyway, ituloy ang kwento. wala nga akong maikwento eh. basta, ganyan ako nung high school. tahimik. pala-aral. tahimik. tsaka nga pala, payat ako nung high school. hehehe. pahabol pa eh. oo, payat. nagulat nga sila nung get-together namin, para daw lumubo ako. sabi ko nga, namayat pa ako nun eh. hindi talaga nila aakalain na someone who is so quiet during high school will come up with this kind of blog. so what happened? bakit nga nagkaganun? well, people change. yeah, really. i did.
3 comments:
ako unang mag co comment ... wuhooo!
oo nga patunay ako na hindi yan nag aaral si Sir oopps I mean Tito Aga (ano kaya reaksyon ni klasmeyt Ronald pag nabasa to... hehehe). Andun kami noon sa bahay nila nakikigamit ng pc nila. Sabi ng bro nyang si Ronald me exam si Tito Aga kinabukasan, pero asan si Tito Aga? Ayun nasa kwarto nya nanunuod ng t.v.... since nag overnight kami sa kanila, nung kinaumagahan lang sya lumabas sa kwarto nya. hehehe
anlufet talaga.
ako din mahiyain nung elem-high school-college. dko alam bat naging ganito ako ngayon - sabog/topakin! pero drug/smoke-free ako for sure! hehehe
People change.. 22u yan tito.
Ang madalas na nakaka-apekto sa pagbabago ng tao ay environment. Pero sa ngayon ata eh mga chinovela na ang may kagagawan ha ha ha..
wel,same here! kame namang mga nakilala ka lang sa blog magugulat rin! reciprocal feeling... kaw?!? kukote? balidiktoryan?
hmmp.. kya pla kukote. pero di ko akalaing itong sobrang kulit na kukoteng ito e minsan plang naging wirdo!
ako kase maagang nagloko. erli elementary, tahimik ako pero nung hayskul wahhh!! wag mo nang itanong baka di alam ng klasmeyt ko kase absent na naman ako! bwahahah! pero tama ka sa sinabi mo ang math di inaaral.. chicken.. problem solving, no problem! heheheh
change is the only permanent thing in this world.
ayaw mong magpacomment sa last post mo hah!heheh!
Post a Comment