Wednesday, February 01, 2006

tokyotokyo

minsan lang magrequest, tatanggihan pa ako... narinig nyo na ba yan? di ba, minsan, may bagay na ayaw mong gawin, pero kapag sinabihan ka nyan, gagawin mo na rin dahil nahihiya ka? hehehe. well, it happened to me noong nakaraang get-together namin, ewan ko ba, siguro, dahil sa talagang ayaw ko, nabara ko pa rin yan.. hehehehe. pinakakanta kasi ako sa videoke, e sa lahat naman ng ayaw ko ay yung kumakanta in public places, kasi, hindi naman kagandahan ang boses ko, nakakahiya. e kinukulit ako, biglang sabihan ako ng magic sentence na yan... hehehe... minsan lang magrequest, tatanggihan ko pa raw.... ito naman ang isinagot ko... minsan lang ako tumanggi eh, hindi pa ako pagbigyan. hayun, tumigil na sa pangungulit. hahaha! kung nagbabasa nito yung tinanggihan ko... peace ate shawie! hahaha!

hay! hindi pa ako umuuwi. kasi naman, wala namang mapapanood doon sa bahay. hirap naman na magbilang na lang ako ng butiki sa kisame o magsolitaryo. wala nga atang butiki doon sa kisame, wala rin akong mabibilang. may baraha doon sa boarding house, pero nakakabagot. hay, gagala-gala na muna, susulitin ang natitirang araw ng bakasyon at starting on monday ay may bago na akong trabaho. iipunin ang lahat ng kasipagan sa katawan para maging maganda ang performance doon at nang maging permanent naman ako. siguro, once a week na lang ako magpopost dito sa blog ko, every weekend na lang muna.

yan, tama na. huling post na talaga ito. makakain muna sa tokyo-tokyo. kailangan ko nang pag-aralan, kahit pagkain man lang nila.. hahaha!

No comments: