Monday, February 27, 2006

TextMail


(hiatus) hiatus for 3 days. brb...

-----
This message was sent using TextMail. To know more about TextMail, visit http://www.mysmart.com.ph/

Saturday, February 25, 2006

ulam

may nakaisip palang irecord yung music video ng Ulam na binabanggit ko sa post na ito. ang ganda, walang sinabi ang original version ng cueshe. hehehe. click here to watch the music video.

yun lang!

mahahanap din kita

Nasan Ka?
Pupil

Kaninang umaga
Nagising akong may
Bakas ng ngiti sa mukha

Kasama kita sa aking panaginip
Sasabihin ko dapat sayo

Pero wala ka na
Wala ka na pala
Wala ka na

Naninisi, namimilipit sa galit
Umiikot ang aking paningin
Sa mga tanong na di kayang sagutin
Di na makikita, di na mahawakan
Ang maganda mong mukha pagkat

Wala ka na
Wala ka na pala
Wala ka na

Nasan ka?
Nasan ka?
Nawala nang parang bula

Wala ka na
Wala ka na pala
Wala ka na

Mahahanap din kita
Mahahanap din kita
Mahahanap din kita
Mahahanap din kita
Mahahanap din kita
Mahahanap din kita

ang dating ako

naging maayos naman ang trip ko to batangas pauwi kahapon. walang masyadong traffic, walang checkpoint dahil palabas naman nga kami ng manila. kasabay ko ang isa kong housemate nang umuwi kagabi. ang napansin namin, heavy traffic yung papasok ng slex going to manila, may checkpoint kasi dun sa tollgate.

andito ako ngayon sa sm batangas, wala kasing magawa sa bahay, ang init pa. kaya gala na lang, dumaan din ako sa banco de oro at nagbayad ng aking utang sa aking utang card. i have no plans, bahala na. siguro, food trip na lang ulit ako dine.

hindi nyo ba napansin, sunod-sunod na ang kakaibang nangyayari sa pilipinas? stampede, mudslide, kudeta at nagbabanta pa raw pumutok ang isang bulkan dyan. mukhang malapit na ang katapusan. malapit na nga, sa martes, katapusan na, sweldo na ulit. hehehe. ok, seryoso. hindi ko alam kung anong mangyayari sa hinaharap, all i know is buhay pa ako ngayon, despite all those things na nangyayari sa mundo, mabait pa rin sya sa akin at hindi pa ako nasasangkot sa kamalasan ng mundo. but i think, it's time for me to change. itama ang maling gawain at ibalik ang dating ako. oo, ang dating ako.

Friday, February 24, 2006

uwian na!

maaga kaming pinauwi. kaya uuwi na ako, diretso na sa batangas. sana, konti lang checkpoint! gloria resign! ako naman! ahahahaha!

yun lang! happy weekend!

palakabayo

a forwarded e-mail i received this morning. anong nakikita nyo? palaka o kabayo?

alam nya

gusto ko lang ipost. wala lang. di naman ako tinamaan dahil alam naman nya. Yun nga lang, di ko alam kung anong lagay ko sa kanya. a ewan. basta, bilog naman ang mundo.

Mahal kita pero hindi mo lang alam. Hindi mo alam kasi hindi mo naman ako tinitingnan. Ayaw mo namang itanong sa akin kasi baka nga naman hindi naman ikaw at hindi ko rin naman sayo sasabihin kasi ayoko pa sa ngayon na manligaw. Mahal kita pero hindi nga lang halata. Hindi halata kasi wala nga naman akong ginagawa. Hindi ako kumikibo hindi ako nagsasalita. Wala! Pero hindi ako torpe. Hindi ko lang talaga masabi sayo ng harapan. Mahal kita pero dehins mo pa rin ramdam. Hindi mo ako titingnan, hindi rin kita titingnan. Lagi mo lang akong pakikiramdaman,lagi rin kitang pakikiramdaman. At araw araw tayong magdededmahan hanggang sa tayo ay magkabistuhan. Pero ngayong malapit nang matapos ang kanta ko, nais kong magkaalaman na. Nais kong ako na rin ang magsabi sayo ng harapan, kasi alam kong doon din naman ang tuloy nyan at dalawa din lang naman ang posibleng sagot dyan, oo o hindi. Kaya eto na sasabihin ko na para matapos na at hindi na magka–tsismisan pa. Sasabihin ko na para wala nang problema at para hindi na rin kayong lahat nabibitin pa.

excerpt from Lagi Mo Na Lang Akong Dinededma ng Rocksteddy

yun lang!

full battle gear

di ako makatulog kagabi, ewan ko ba. nakatulog lang ako after receiving a text message from her, nagreply ako, tapos wala na akong naalala. nagising na lang ako, umaga na. at nakakagulat ang mga balita sa tv. nagdouble red alert daw dahil sa natuklasang bantang kudeta ngayong anibersaryo ng edsa. walang pasok ang mga estudyante. parang nakakatakot pumasok sa opisina, kasi naman, ang makikita mo sa tv, ang daming sundalo, naka-full battle gear, ang daming tangke. parang may gyera. katapusan na ba? hindi pa naman, a beinte kwatro pa lang, sa martes pa ang katapusan.hehehe. well, kahit ganun, pumasok pa rin ako. di naman ako si gma eh, at malayo naman kami sa malakanyang.

ito, back to work. nasa opisina, as usual, SSDD. sa monday pala, papasok kami nang nakaformal. long sleeves with neck tie. may darating kasing big boss from japan. magmumukha na naman akong kagalang galang. hanggang wednesday daw yun dito. so, most probably, on monday to wednesday, wala munang update sa blog at offline muna ako sa ym. yung update sa blog, siguro, pwede pa, pwede naman kasing thru e-mail ang pag-update. hehehe. pero yung chat, totally offline ako.

yun lang muna! let's pray for peace and order in our country. have a nice day everyone!

Thursday, February 23, 2006

huwag lang sya

kelangan kong umuwi ng maaga. thursday ngayon eh, may kailangan akong puntahan. matagal na raw nya akong namimiss, di ko na raw sya pinupuntahan kapag thursday, baka magtampo na sya kaya kailangan ko munang magpunta doon. pinaalalahanan na nya ako nung sunday eh, as in, ipinatawag nya pa ako. so, sabi ko, from now on, magbabalik-loob na ako sa kanya. baka bawiin ang lahat ng mga bagay na ipinagkaloob nya sa akin, mahirap na. magtampo na ang lahat, huwag lang sya. coz kapag kasama ko sya, wala na akong aalalahanin pa.

sige po, sasamba muna ako at maglilinis ng mga kasalanan. bye!

edsa

20 years na pala ang edsa revolution kung saan nagkaisa ang mga filipinong anti-marcos para patalsikin si marcos na 20 years din sa kanyang pwesto. parang kay bilis ata ng panahon, 20 years na pala ang nakalipas. asan ba ako noon? 20 years ago. buhay na ako nun, andito na ako sa mundo. by that time, i am 6 years old turning 7 by august. so, kasalukuyang pumapasok ako noon bilang isang kinder sa paaralan doon sa barangay namin, kakatapos lang makipagsaksakan ng lapis sa kaklase kong makulit. hehehe. noong panahong iyon, kahit anim na taon pa lang ako, may konting muwang na rin naman ako sa mundo. ang alam ko lang at natatandaan ko, nagkaroon ng election. tanda ko pa nga na pinaglaruan ko ang mukha ni marcos doon sa ipinamimigay nilang election paraphernalia na dala ng aking ina matapos silang bumoto. pinaglaruan, as in, nilagyan ko ng bigote at balbas ang mukha nya, tapos nilagyan ko ng shades. yan yung natatandaan ko. yung mga sumunod na nangyari, di ko na matandaan. ang alam ko lang, napatalsik nga si marcos at nanumpa si cory aquino bilang pangulo.

speaking of edsa, siguro, napanood nyo yung tabing ilog sa channel 2, right? dati, nagtataka ako kasi di ko naman nasusubaybayan yung kwento nun. nagtataka ako dahil yung si eds, ponyang ang tawag ng lola nya sa kanya. yun pala, Epifania ang pangalan nya, kaya ponyang. at Eds naman ang itinawag sa kanya ng mga kabarkada nya dahil nga ng edsa. epifanio kasi yung e sa edsa.

btw, this is my 700th post! huh? ang dami na!

yun lang!

at sana naman...

Nobela
Join The Club

Ngumiti kahit na napipilitan
Kahit pa sinasadya
Mo akong masaktan paminsan-minsan
Bawat sandali na lang

Tulad mo ba akong nahihirapan
Lalo't naiisip ka
Hindi ko na kaya pa na kalimutan
Bawat sandali na lang

At aalis, magbabalik
At uuliting sabihin
Na mahalin, ka't sambitin
Kahit muling masaktan
Sa pag-alis ako'y magbabalik
At sana naman...

Sa isang marikit na alala'y
Pangitaing kayganda
Sana nga'y pagbigyan na ng tadhana
Bawat sandali na lang

Sumabay sa biglang pagkabahala't
Lumabis ang pagtataka
Tunay na pagsintang 'di alintana
Bawat sandali na lang

At aalis, magbabalik
At uuliting sabihin
Na mahalin, ka't sambitin
Kahit muling masaktan
Sa pag-alis ako'y magbabalik
At sana naman...

Ngumiti kahit na napipilitan
Kahit pa sinasadya
Mo akong masaktan paminsan-minsan
Bawat sandali na lang

At aalis, magbabalik
At uuliting sabihin
Na mahalin, ka't sambitin
Kahit muling masaktan
Sa pag-alis ako'y magbabalik
At sana naman...

wala lang! =)

eye-so

akala ko dati, mali yung acronym ng ISO, kasi, it stands for International Organization for Standardization. diba dapat, IOS? yun, pala, mali ako dahil hindi naman pala acronym yun. oo, hindi po acronym ang ISO. ayon sa aking nabasa, it came from the Greek word isos, meaning equal. and they decided na yun na ang itawag sa kanila, kasi nga, international sila, sa French daw kasi, "Organisation internationale de normalisation" ang name nya. so, magkaiba pa raw ang acronym sa French (OIN) and English (IOS), their official language. so,para maging maayos ang lahat, they called themselves ISO. hehehe. parang ako, hindi nila maspell nang ayos ang pangalan ko, hindi rin mabigkas ng ayos, kaya sabi ko, AGA na lang. hehehe.

bakit ko ba naging topic ang ISO dito? kasi po, today is February 23, birthday nya. It was founded on Feb 23, 1947, nung mga panahong yun, ako ay kasalukuyang nasa ibang planeta pa, siguro, nasa pluto pa ako nun, dun pako nagkakalat ng lagim. wala pa ako sa mundo. hehehe.

source: wikipedia

pahabol...
nag-update pala ako ng background music sa blog na ito. puro OPM yan, 21 songs yan na nakuha ko dun sa digitalpinoy. may control naman dyan sa taas, scroll-scroll na lang kayo kung gusto nyong malaman kung anong mga kanta dyan. hehehe. i uploaded all my mp3 para kahit saan ako mag-internet, may background music ako na gusto ko. they are all streaming audio here, so you can't download the mp3. join na lang kayo sa digitalpinoy kung gusto nyo. =)

pluto

Charon, hindi ka nag-iisa. yan ang natuklasan ng mga syentipiko sa Johns Hopkins University, Southwest Research Institute at Massachussetts Institute of Technology. natuklasan nila sa pamamagitan ng hubble space telescope na bukod kay charon, andun si P1 and P2, umiikot kay pluto. ang dating kaalaman natin na may isang buwan lang ang pluto, ay nadagdagan na ng dalawa.

bakit kaya P1 and P2 ang ipinangalan sa kanila? bakit hindi B1 at B2? naiisip mo ba ang naiisip ko B1? palagay ko nga B2.. hehehe. naalala ko tuloy ang bananas in pyjamas. kasama pa nila ang mga osong kasing baliw din nila. wala lang. at biglang pumasok sa isip ko si doraemon, si novita at si sushuka. at ang pakikipagkulitan nila kay damulag. hahaha! magkakasunod na pinapalabas yan sa channel 2 dati eh. tama na, yan na lang muna!

source: Pluto's moon no longer an only child

Wednesday, February 22, 2006

what women want

mahirap ba talagang maintindihan ang mga babae? siguro nga, iba kasi silang mag-isip. iba ang takbo ng utak depende sa sitwasyon, depende kung may dalaw o wala. hehehe. hindi ko maarok ang laman ng mga kukote nila. mahirap talagang intindihin. iba ang sinasabi sa ginagawa. hindi naman siguro lahat, pero, majority, ganun. ganun nga ba? a ewan. siguro, siguro nga. basta. wala lang, naisip ko lang, kasi nabasa ko ang joke na ito, forwarded joke from a friend...

A man walking along a California beach was deep in thought. Suddenly, the sky clouded above his head and a booming voice said, "Because you have tried to be a good person in every way, I will grant you one wish."

The man said, "Build a bridge to Hawaii so I can drive over anytime I want."

God said, "Your request is very materialistic. Think of the enormous challenges for that kind of undertaking. The supports required to reach the bottom of the Pacific! The concrete and steel it would take! It will nearly exhaust several natural resources. I can do it, but it is hard for me to justify your desire for worldly things. Take a little more time and think of something that would honor the sanctity of life."

The man thought about it for a long time.

Finally he said, " I wish that I could understand my wife. I want to know how she feels inside, what she's thinking when she gives me the silent treatment, why she cries, what she means when she says nothing's wrong, and how I can make a woman truly happy."

God replied, "You want two lanes or four lanes on that bridge?"


yun lang! sa mga babaeng nagbabasa nito, walang personalan, nagboblog lang.. hehehe!

utang card

saan ko daw nadodownload yung mga mp3 ko? pagoogle google lang. well, pero may nakita akong magandang site na andun yung mga bagong awitin, kelangan lang, member ka nila para madownload mo. ok lang, libre namang maging member. kung gusto nyong sumali doon, just click this, ok? ok.

maaga akong umuwi kahapon, pagpatak ng 5:30PM, nag-out nako. kailangan ko kasing magpunta doon sa client kong nagpagawa sa akin ng application, yung kinontrata ko last year. natapos ko naman yung application nila, and i just collected the final payment yesterday. kaso, cheke ang ibinayad, at ang layo nung bangko nila para maencash ko, so, idedeposit ko na lang sa account ko. tsk tsk. di ko pa mapapakinabangan kagad. actually, napakinabangan ko na sya, pambayad utang na lang yun, dahil credit card muna ang ginagamit ko. sa wakas, mababayaran ko na ang utang ko sa credit card.

anyway, speaking of credit card, hindi man lang nila ipinaalam sa akin, basta na lang nila ako chinarge ng annual fee. e paano kung wala na pala akong balak ituloy yun? mamaya, tatawagan ko sila at makikipagkulitan. yun kasing housemate ko, kapag nakikipagkulitan, winiwaive na yung annual fee. tingnan natin kung maipawaive ko rin, abangan. sayang din yun, Php1200 rin.

yun lang!

Tuesday, February 21, 2006

kopyahan

what if someone copied your articles in your blog? as in, kinopya nya, letra por letra, at hindi ka nya inacknowledge as the source. anong gagawin mo? or someone copied a code from you, like that FM station in your blog, kinopya nya directly and inintegrate nya sa blog nya, without acknowledging you, what will you do?

ako, wala. hayaan ko na lang sya. ibig sabihin lang nun, kulang sya ng laman sa kukote at kailangan pa nyang magnakaw ng laman ng kukote ng iba. eh ano ngayon kung hindi nya ako inacknowledge? hindi naman ako nawalan. ako pa rin ang original. e kung itanggi nya na kinopya nya sa akin at palabasin pa na ako ang nangopya? bahala sya, konsensya na nya yun. tatawanan ko na lang sya kapag sinusunog na sya sa impyerno ng malademonyong tawa... harharhar!

maiba ako, dito sa office, nag-fill-up ako ng application form ng working visa sa hongkong. mukhang makakasakay na naman yata ako ng eroplano this year. madadagdagan na naman siguro ang vocabulary ko. kung dati ay puro arabic words (wahid, itnayn, talata, arba, kalas!) ang natutunan ko, siguro, matututo naman ako dito ng kakaibang lenggwahe nila.

yun lang. arigato! gato gato! ajinomoto! pikachu!

alipin

una ko syang narinig sa jewel in the palace, during kilig moments ni jang geum at ni kapitan. kanina, nakita ko sa unang hirit na tinugtog ito ng shamrock, pagkatapos nun, niresearch ko ang lyrics, tapos, nakakuha ng mp3. hayan, andito na ngayon sa blog ko.

Alipin
Shamrock

Di ko man maamin
Ikaw ay mahalaga sa akin
Di ko man maisip
Sa pagtulog ikaw ang panaginip

Malabo man ang aking pag-iisip
Sana'y pakinggan mo
Ang sigaw nitong damdamin

Ako'y alipin mo kahit hindi batid
Aaminin ko minsan ako'y manhid
Sana ay iyong naririnig
Sa 'yong yakap ako'y nasasabik

Ayoko sa iba
Sa yo ako ay hindi magsasawa
Ano man ang yong sabihin
Umasa ka ito ay diringgin

Madalas man na parang
Aso at pusa giliw
sa piling mo ako ay masaya

Ako'y alipin mo kahit hindi batid
Aaminin ko minsan ako'y manhid
Sana ay iyong naririnig
Sa 'yong yakap ako'y nasasabik

Pilit mang abutin ang mga tala
Basta sa akin wag kang mawawala...

Ako'y alipin mo kahit hindi batid
Aaminin ko minsan ako'y manhid
Sana ay iyong naririnig
Sa 'yong yakap ako'y nasasabik

Pagkat ikaw lang ang nais makatabi
Malamig man o mainit ang gabi
Nais ko sanang iparating
Na ikaw lamang ang aking iibigin

asan na u d2 na me

ito po ang karagdagan sa mga collection ng text messages sa cellphone ko.. another 25, listed at no particular order.

  1. Every experience brings out something good. Good times could be good memories. Bad times could be good lessons. You never lose, you only gain from life. It is just a matter of perspective.
  1. A brilliant mind is useless without a fighting heart because in life’s challenges, you make an impression with what you say but you make a name with what do.
  1. If you keep doing what you have always done, you will always get what you always got. So, when you want something you’ve never had, you’ve got to do something you’ve never done.
  1. Always be happy, always wear a smile; not because life is full of reasons to smile, but because your smile itself is a reason for many others to smile.
  1. Mornings are reminders that God loves us. We are not just given another day to enjoy but also given another chance to correct the wrongs of yesterday. Good morning.
  1. Trials are not reason to give up, but a challenge to improve our lives. It is not an excuse to back-out, but an inspiration to move on and claim God’s promise.
  1. Real friends never leave each other, never part. They just sometimes sit silently, deep within each other’s heart, saying, “I’m just here if you need me.�
  1. The fate of love is that it is always too little or too much. Don’t live your life with someone you want to live with; live it with someone you can’t live without.
  1. The loveliest day comes when you wake up one morning and discover the romantic truth that God still colors your world despite all the trials you encounter. Good morning!
  1. “I trust you� is a better compliment than “I love you� because you may not always trust the one you love, but believe me, you can always love the person you trust for the rest of your life.
  1. Believe in God’s constant love for you and hold on to the truth that the best years of your life are still ahead of you and not behind you. Good day!
  1. God created nights for us to rest our weary minds. May calmness surround your sleep and may you have a peaceful rest to gear you up for tomorrow’s best. Good night!
  1. Trials are like fire, it can destroy or strengthen you depending on your character and outlook in life. Remember, the fire that melts butter is the same fire that hardens steel.
  1. Sunrise makes a morning beautiful but the word of God strengthens and makes our life more meaningful. Good morning!
  1. Morning smile makes the day better. That’s the best thing we can do to make life happy. Good morning.
  1. A beautiful world can only be seen thru the eyes of a happy heart. May your heart never get tired to see and enjoy the beauty that God is showing you.
  1. Life is a succession of lessons which must be lived to be understood. Good morning!
  1. When problems seem unbearable and solutions are too elusive, never try to give up on life. Why? Oh come on! Hindi mo alam, grabe ang struggle ng sperm mareach lang ang egg para mabuhay ka noh?
  1. You might find it easy to fall in love with someone, the hard thing is how to keep that someone forever. But that is the challenge of love, fighting, without knowing how to win!
  1. People say that when you bite your tongue accidentally, someone you know misses you a lot. Hope you bit your tongue right now because I do miss you, yung tipong dumudugo na dahil sobrang miss kita!
  1. We never know how this closeness has started. We will never know how it would end. But whatever happens, when our closeness is gone, I will never forget how you made me smile once in a while.
  1. Friendship is impossible to keep within yourself, it will always extend as far as it can reach to touch your hearts. Exactly like the way you touched mine. Thank you so much.
  1. You were someone I don’t know before, you were someone I don’t expect I will get along with. But it turned out you have given me one of the best friendship ever. Thank you!
  1. The Lord does not want us to doubt, to fear or to grieve. He wants us to believe, to hope, to love and to see life the way He made it. A blessed day!
  1. I had been believing that there is a paradise beyond the skies. But now I realized that heaven is just right here on earth, because what would an angel like you be doing here if heaven is somewhere else?
yun lang!

related post: text tayo

ketchup please

may kumakalat daw na text message na may isang lalaki na may AIDS ang nagkakalat ng sakit nya by putting drops of his blood to ketchup dispensers of popular fast food restaurants. totoo ba ito? hhmmm. nagresearch ako ng konti and i found this article. mukhang recycled kalokohan lang yan, parehong pareho ang kwento eh. di ba?

rabbit and lion

This is a forwarded e-mail i received this morning. instead of forwarding it again ang clogging your mailbox, dito ko na lang ipost. natuwa lang ako sa kwento, may point sya. hehehe. here it goes...

Story#1

It's a fine sunny day in the forest, and a lion is sitting outside his cave, lying lazily in the sun. Along comes a fox, out on a walk.

Fox: "Do you know the time, because my watch is broken"

Lion: "Oh, I can easily fix the watch for you"

Fox: "Hmm. But it's a very complicated mechanism, and your great claws will only destroy it even more"

Lion: "Oh no, give it to me, and it will be fixed"

Fox: "That's ridiculous! Any fool knows that lazy lions with great claws cannot fix complicated watches"

Lion: "Sure they do, give it to me and it will be fixed"

The lion disappears into his cave, and after a while he comes back with The Watch which is running perfectly. The fox is impressed, and the lion Continues to lie lazily in the sun, looking very pleased with himself.

Soon a wolf comes along and stops to! watch the lazy lion in the sun.

Wolf: "Can I come and watch TV tonight with you, because mine is broken"

Lion: "Oh, I can easily fix your TV for you"

Wolf: "You don't expect me to believe such rubbish, do you? There is No Way that a lazy lion with big claws can fix a complicated TV"

Lion: "No problem. Do you want to try it?"

The lion goes into his cave, and after a while comes back with a Perfectly fixed TV. The wolf goes away happily and amazed.

Scene: Inside the lion's cave. In one corner are half a dozen small and Intelligent looking rabbits who are busily doing very complicated work With very detailed instruments. In the other corner lies a huge lion Looking very pleased with himself.

Moral of the story:

IF YOU WANT TO KNOW WHY A MANAGER IS FAMOUS, LOOK AT THE WORK OF HIS
SUBORDINATES!!!!.

In context of the Corporate world:

IF YOU WANT TO KNOW WHY SOMEONE UNDESERVED IS PROMOTED, LOOK AT THE
WORK OF HIS SUBORDINATES!!!

Story # 2

It's a fine sunny day in the forest, and a rabbit is sitting outside His burrow, tippy-tapping on his typewriter.

Along comes a fox, out for a walk.

Fox: "What are you working on?"

Rabbit: "My thesis."

Fox: "Hmm... What is it about?"

Rabbit: "Oh, I'm writing about how rabbits eat foxes."

Fox: "That's ridiculous! Any fool knows that rabbits! don't eat Foxes!"

Rabbit: "Come with me and I'll show you!"

They both disappear into the rabbit's burrow.

After few minutes, gnawing on a fox bone, the rabbit returns to his typewriter and resumes typing.

Soon a wolf comes along and stops to watch the hardworking rabbit.

Wolf: "What's that you are writing?"

Rabbit: "I'm doing a thesis on how rabbits eat wolves."

Wolf: "you don't expect to get such rubbish published, do you?"

Rabbit: "No problem. Do you want to see why?"

The rabbit and the wolf go into the burrow and again the rabbit returns by himself, after a few minutes, and goes back to typing.

Finally a bear comes along and asks, "What are you doing?

Rabbit: "I'm doing a thesis on how rabbits eat bears."

Bear: "Well that's absurd!

Rabbit: "Come into my home and I'll show you"

As they enter the burrow, the rabbit introduces the bear to the lion

Moral of the story:

IT DOESN'T MATTER HOW SILLY YOUR THESIS TOPIC IS. WHAT MATTERS IS WHO
YOU HAVE FOR A SUPERVISOR!!.

In context of the Corporate world:

IT DOESN'T MATTER HOW BAD YOUR PERFORMANCE IS; WHAT MATTERS IS WHETHER YOUR BOSS LIKES YOU!!!

Monday, February 20, 2006

bomba

may sumabog sa loob ng palasyo ng Malakanyang. wala daw bomba, sabi nila. of all the places naman na pwedeng may sumabog, doon pa sa Malakanyang. naniniwala ba kayong wala talagang bomba? i smell something fishy, mukhang ayaw lang aminin ng PSG na nalusutan sila. yun lang, opinyon ko lang naman, wala naman akong ebidensya, kutob ko lang.

sige, naniniwala na akong walang bomba, napautot lang ng malakas si Bunye, hehehe.

french fries

may wheat ang french fries ng mcdonalds, kaya naman may nagdemanda sa kanila, mga may sakit daw na celiac disease na allergic sa gluten na matatagpuan sa wheat. manalo kaya sila kaso? abangan na lang natin. basta, kakain pa rin ako ng french fries sa mcdo, may wheat man ito o wala. teka, talaga bang ang french fries, iniimport pa from france? or balat yun ng mga french na prinito? yuck, cannibalism.. hehehe. wala lang, naisip ko lang.

yun lang!

source: Woman sues Mcdo...

SSDD

last saturday night, i watched Dreamcatcher on HBO, ang nangyari, nakatulog ako on the middle of the movie, nung magising ako, tapos na! ewan, kakaantok eh. natuto lang ako ng bagong acronym sa kanila.. SSDD - same sh*t, different day. hehehe. at naalala ko ang dating officemate ko dahil lagi nang pinatugtog yung favorite nyang kanta na lagi nyang kinakanta kapag nagvivideoke kami, yung Blue Bayou. marco, kelan ba tayo magvivideoke ulit? hehehe.

as for now, ganun din ang status ko ngayon. SSDD.

kelan

libreng meryenda, libreng hapunan. yan ang nangyari kahapon. birthday kasi ng pamangkin ko sa pinsan, katapat-bahay lang namin, kaya nakalibre ako ng meryenda. tapos nung hapon, may pinuntahan pa akong isang okasyon, isinama ako ng mother ko.

when you are attending occasions at makikita ka ng mga kamag-anak mo, iba't iba ang itatanong nila sa iyo depende sa edad mo... yun ang napansin ko. kapag alam nila na nag-aaral ka pa, high school... itatanong nila "o, kumusta na? anong year mo na? kelan ang graduate?" kapag college ka na naman, itatanong nila "o, kumusta na? saan ka pumapasok? anong course mo? kelan ang graduate mo?" di ba? kapag fresh grad ka, or mga 1 to 2 years ka pa lang nagwowork, ang mga line of questioning naman nila.."o, kumusta na? saan ka nagtatrabaho ngayon? kumusta naman?" yan ang mga tanong nila. pero kapag medyo katagalan na, around 25 pataas na ang edad mo, kung saan ito ang nararanasan ko.. ito naman ang tanong nila "o, kumusta? kelan ka mag-aasawa?" hehehe. halos lahat ng kamag-anak kong nakita ako kahapon, yan ang tanong sa akin. kapag kasal ang dinaluhan mo.. syempre ang itatanong sa iyo "o ikaw, kelan ka susunod?" ang sagot ko na lang..."darating din yan, hindi pa ako nagsasawa sa pagkabinata eh."

yan lang muna. happy monday morning!

Saturday, February 18, 2006

wave 89.1

i was able to integrate WAVE 89.1, one of my favorite FM stations, here in my blog! cool! kahit nasaan pa kayo, maririnig nyo ngayong background music is a live streaming audio of WAVE 89.1! ayos ga? hehehe. legal ba ito? malay ko, basta inintegrate ko. dapat nga, bayaran pa nila ako coz I am advertising their FM station. hehehe.

kung meron lang sanang streaming audio ng Love Radio 90.7, yun ang ikakabit ko dine. kaso, wala akong makita eh, kayo, alam nyo ba? so for the mean time, enjoy Wave 89.1. Enjoy na kayo sa blog ko, nakakapakinig pa kayo ng FM!

nabasa ko lang, tomorrow is Temporary Insanity Day!!! hahaha! Magpakabaliw na kayo bukas! hahaha! ayaw nyong maniwala? read this.

yun lang po. happy weekend!

Friday, February 17, 2006

uwian na

medyo naging busy naman ako ng konti dito sa opisina. downloaded some pdf files na kailangan kong basahin para dun sa system na hahawakan ko pagdating ng aking mga kasamang dagat from hongkong. syempre, binasa ko na rin. kung dati ay CTADE ang alam kong gamitin sa programming, ngayon, bago na, CTIOS. atleast, CT pa rin ang umpisa... hehehe. Computer Telephony.

binisita ko ang aking webtracker at may natuklasan ako. isa sa mga officemate ko ang walang ginawa maghapon kundi magbasa ng blog ko. hehehehe. kita ko kaya ang IP Address nyo at kung alin ang binabasa nyo. nagulat na lang ako, pagbukas ko nung logs, ang haba ng nakalista, iisang IP address... tapos, IP address dito sa office. hehehe. kilala kita. blogger ka rin eh!

uuwi na ako. happy weekend! yun lang.

lipad, kotse, lipad!

by 2008 daw, a fully operation prototype of a flying car will be released. and by 2009 or 2010, the vehicle will hit the road and the sky na! ayos ah, natitiklop daw ang pakpak. parang sa cartoons at sci-fi movies ko lang ito nakikita ah. magkatotoo kaya? ito na kaya ang sagot sa heavy traffic? paano ang mga MMDA, e di kailangan, lumilipad na rin sila? hahaha! tsaka, paano kaya idadrive yan? siguro, may additional kambyo for take-off and landing? hehehe.






source:


Flying car ready for take off
Sila ang gagawa

brownout

nakalimutan kong hindi na pala ako nakalaptop ngayon! ang haba na ng na-encode ko kanina, biglang nagbrown-out ng isang segundo! hayun, naglahong parang bula ang aking ginawa. kung nakalaptop ako, masesave ko pa yun dahil may battery naman yung laptop. tsk tsk tsk. bad trip!

kukote smile



With A Smile
Eraserheads

Lift your head, baby, don't be scared
Of the things that could go wrong along the way
You'll get by with a smile
You can't win at everything but you can try.

Baby, you don't have to worry
'Coz there ain't no need to hurry
No one ever said that there's an easy way
When they're closing all their doors
And they don't want you anymore
This sounds funny but I'll say it anyway.

Girl I'll stay through the bad times
Even if I have to fetch you everyday
I'll get by if you smile
You can never be too happy in this life.

In a world where everybody
Hates a happy ending story
It's a wonder love can make the world go round
And don't let it bring you down
And turn your face into a frown
You'll get along with a little prayer and a song.

(Too doo doo...)
Let me hear you sing it
(Too doo doo...)

In a world where everybody
Hates a happy ending story
It's a wonder love can make the world go round
But don't let it bring you down
And turn your face into a frown
You'll get along with a little prayer and a song.

Lift your head, baby, don't be scared
Of the things that could go wrong along the way
You'll get by with a smile
Now it's time to kiss away those tears goodbye

(Too doo doo...)
Let me hear you sing it
(Too doo doo)

text tayo

kapag nakakareceive ako ng mga forwarded messages, jokes, inspiring messages, good morning quotes, good night quotes, special occasion messages, i always move it into my personal folder sa cellphone ko. collection ba? ngayon, i already have 100+ text messages saved on that folder since i started doing that. Well, naisipan ko lang na kopyahin yung mga nasave ko at ipost dito. Wala lang. Para kung sakaling masnatch ang cellphone ko, meron pa akong kopya dito. hehehe. Here is the list of the first 25, sorted at no particular order. warning: may mga green jokes po... ok? ok.

  1. When an emotional injury takes place, the body begins a process as natural as the healing of a physical wound. Let the process happen. Trust that nature will do the healing. Know that the pain will pass and when it passes, you will be stronger, happier, more sensitive and aware.
  2. Relationships are worth restoring. "Do everything possible on your part to live in peace with everybody" Romans 12:18.
  3. What makes coffee sweet? Sugar? Wrong. It is the stirring that you do after you add sugar. As in life, it is what you do with what you have that makes your life worth living.
  4. Kadalasan, nakakatakot ang magmahal, dahil nakakatakot masaktan, mahirap umasa, nakakatakot ding mapaglaruan. Pero di ba, mas nakakatakot kapag nalaman mo na kapatid mo pala si mahal? at tatay mo si dagul?
  5. Sabi ng hangin, mabait ka. Sabi ng dagat, matalino ka. Sabi ng ilog at bundok, cute ka. Tama nga talaga ako, sirang sira na talaga ang kalikasan.
  6. Love is patient and kind. It is not conceited and selfish. Love never gives up and its faith, hope and patience never fail. Happy Valentines!
  7. This message is strictly intended for cute people only.Since you accidentally received it, there must be a technical error for which I deeply apologize.
  8. A prayer can go where I can't go. Thru prayer, I can be with whom I care without being there. I may not see you, but I'm sure you're ok! Coz that's what I prayed.
  9. Isang gabi, umiiyak ako. Napatingin ako sa buwan. Sabi nya, "Don't cry, may magmamahal din sa 'yo." Sumagot ako, sabi ko, "Buwan, sana hindi ka nakikialam noh? Close ba tayo?"
  10. Seek the highest wisdom not by arguments of words but by the perfection of your life, not by speech but by faith that comes from simplicity of heart. God bless.
  11. Laughter is a great mental tonic. It can dispel anxiety, help manage stress, depression, fear and worry. But please, don't laugh alone. Coz there is no medicine for that! Good day!
  12. Brain twister: It is exclusive for those who are wide readers. Please rearrange the letters to make it 1 word only. "CONE PLAY DICE" No reply, low IQ!
  13. For every dream in our heart, GOd gives us inspiration. For every hope we seek, God gives us unexpected miracles. For every faith we believe, God blesses us more!
  14. There is no oil without squeezing the olives, no wine without pressing the grapes, no fragrance without crushing the flower. So when things press you down, God is taking out the best in you. God bless.
  15. Kapag nadapa ka, kapag nahulog ka, kapag natisod ka, kapag sumemplang ka, isa lang ang ibig sabihin nun. Patanga-tanga ka! Pero andito ako, sa likod mo, pinipigil ang tawa.
  16. Every soul has a partner, yun yung tinatawag na soulmate. God given just for you.Do you want to know who he is? Sya yung taong pilit papasok sa buhay mo sa ayaw mo't sa gusto!
  17. Life is a game. Sometimes,we miss and get hurt. But life doesn't end when our heartache begins. It only ends when we give up and stop believing. Seize the day!
  18. Kumatok ang isang ahente sa bahay. Pagbukas ni misis ng pinto, agad pumasok ang ahente at ikinalat sa sahig ang ebak ng kabayo, Sabi ng ahente, "Ma'am, kapag di nalinis ng vacuum cleaner ko ang kalat, kakainin ko ang mga yan." Misis: "ay pu*ang ina ka! umpisahan mo na ang pagkain nyan at brownout kami ngayon!"
  19. Good morning, Wishing you God's perfect touch today, and bless your heart with love and peace. Have a nice day! God loves you.
  20. Let the silence of the night give you enough strength for tomorrow. Let the stars light up your face and let the love of God embrace you. Not just tonight but for the rest of your life. Good night!
  21. Cute face catches the eyes, but good personality catches the heart. You are blessed because you have them both! Oh, huwag dibdibin! Sa akin ipinadala yan, pinabasa ko lang sa yo.
  22. A new SMB commercial: "Pare how was your date? Did you guys have se*?""Almost pare, kaya lang SMB e!" "Anong SMB?" "Sh*t May Bay*g!"
  23. In prosperity, God tests our gratitude; in poverty, our contentment; in darkness, our faith; at all times, our obedience! God bless!
  24. As this day begins, I pray that God's power be your courage, His promises be your comfort and His presence be your light and your strength. Good morning!
  25. A is 10 years old. B is 20 and C is 7 years younger than D. D graduated in 1996 at 21. Today is year 2006. A was born before B. O, wag ka nang mag-isip! Wala namang tanong. Nangungumusta lang. =)
yan na lang muna! magpost ulit ako kapag sinipag akong mag-encode! magandang araw sa inyong lahat!

Thursday, February 16, 2006

tutut

uuwi na ako! hmm, makapagdinner sa tokyo tokyo with tutut... wala lang! kinda happy ako ngayon. wala lang. tutut..

daily routine

ito ang activity ko for the last 2 weeks. di ko na dinadala yung kotse sa pagpasok ko, mabigat eh. hehehe.

6:00 AM mag-aalarm ang cellphone ko. gigising ako. iset ang alarm sa 6:30, tulog ulit.
6:30 AM mag-aalarm ulit. gigising, press ang snooze, tulog ulit.
6:35 AM alarm ulit. snooze ulit. tulog ulit.
6:40 AM alarm ulit. snooze pa rin.
6:45 AM alarm ulit. press ang stop. babangon na talaga ako!
6:50 - 7:30 AM morning stuffs.. alis muta, toothbrush, ligo. bihis. magsusuklay ng konti. habang bukas ang tv, watching unang hirit.
7:45 AM lalabas ng bahay, mag-aabang ng dyip byaheng buendia.
7:55 AM baba sa dyip, sakay ng fx byaheng divisoria.
8:10 AM baba sa tapat ng building ng office namin.
8:15 AM nasa ministop, kain muna. syempre, take-out ko na lang.
8:25 AM pasok sa office, magtitime-in.
8:30 AM ioopen ang pc ko.
8:30 - 12:00 PM check ng emails, post sa blog, chat. basa ng balita. surf the net! mangungulit ng mga makukulit na online people. magtetext kung kanino at kung ano ano pa.
12:00PM magtitime-out para maglunch.
12:00-1:00PM lunch break, lalafang ng tinda sa canteen!
1:00PM magtitime-in.
1:00 - 5:30 PM. check ng emails, post sa blog, chat, blog hopping, basa ng news, mangungulit ng kung sino-sinong online. maghihintay ng oras ng pag-uwi.
5:30 PM depende sa mood ko, pwedeng tuloy ang ginagawa or uuwi na. syempre, magtitime-out.
5:30 PM onwards... gagala kung saan, maghahapunan. tapos uuwi na.
10:00 PM onwards.. sigurado, nasa boarding house na ako. manonood ng jewel in the palace, balita at kung ano ano pa.
12:00AM or kung anumang oras matapos ang balita... iseset ang alarm ng cellphone to 6:00AM, tapos, matutulog na!

kinabukasan, gigising and history repeats itself.

hay buhay! ang boring!

para sa mga inaantok

Tulog Na
Sugarfree

Tulog na mahal ko
Hayaan na muna natin ang mundong ito
‘lika na tulog na tayo

Tulog na mahal ko`wag kang lumuha
malambot ang iyong kama
saka na mamrublema

Tulog na
hayaan na muna natin sila
Mamaya hindi ka na nila kaya pang saktan
Matulog, tulog ka na

Tulog na mahal ko
nandito lang akong bahala sa iyo
Sige na tulog na muna

Tulog na mahal ko
at baka bukas ngingiti ka sa wakas
at sabay nating harapin ang mundo

Tulog na
hayaan na muna natin sila
Mamaya hindi ka na nila kaya pang saktan
Matulog, tulog ka na

pararap lalalala....

tulog na
hayaan na muna natin sila
mamaya hindi ka na nila kaya pang saktan
matulog tulog ka na

tulog ka na..

matulog ka na..

hay! kakaantok! tara, tulog na tayo!

pasaway na langgam

maputi ang kapaligiran. masaya syang namamasyal. may malinis na tubig sa gitna ng lugar na kanyang napuntahan. parang isang lawa. pero masyado syang malinis. transparent yung tubig, at maputi hanggang ilalim.

walang ano ano, biglang nagdilim ang kapaligiran. at biglang may nahulog sa kaitasan. parang mga bomba, sunod sunod ang patak. at lahat ng nahuhulog, bumabagsak doon sa lawa. natakot sya at pilit na lumayo. pero habang lumalayo sya, mahirap, madulas. ilang sunod sunod na bomba pa ang bumagsak. at nagkaroon ng masangsang na amoy sa paligid.

pagkatapos nun, biglang nagliwanag muli ang kapaligiran. ngunit biglang nagulat sya. may lumabas na maraming tubig. at inanod sya. lahat ng lumabas na tubig, dumiretso sa lawang puno ng bomba. kasama sya. unti-unti, umiikot sila, kasama ng mga bomba. umiikot sila hanggang sa tuluyang lumubog sila sa kailaliman. isang malakas na ugong, kasabay ng pagbulusok nila sa ilalim. at ang lawa ay malinis na naman. ngunit sya, ay kasamang nadala ng mga tubig. nakasama sya sa kailalimang walang hanggan.

yan ang nangyari sa langgam na pasaway, na pilit na namasyal sa inodoro, kahit ipinagbabawal.

yun lang!

i love math

masaya ito. sundin mo lang ang sinasabi ko, ok?

kuha ka ng calculator. wala? meron, nagiinternet ka eh. may calculator dyan sa computer mo. click mo yung Start, tapos Run, tapos type mo calc, press Enter. yan, may calculator ka na. ok? ok.

ngayon. isip ka ng number, 3 digit. basta mas malaki yung unang digit sa huling digit. halimbawa, 631, mas malaki yung 6 sa 1. o, nakaisip ka na? sige na, isip na, isa lang. wag mong sasabihin sa akin, isaksak mo lang sa kukote mo. ok?

ngayon, may naisip ka na di ba? baligtarin mo yung naisip mo. halimbawa, kung ang naisip mo ay 631, ang kabaligtaran nun ay 136. o, sige, baligtarin mo na. ok na? nabaligtad mo na? sige na. ok? ok.

next, yung baligtad na number, ibawas mo sa original number. kagaya sa example, 631 - 136. paano? hayan, gamitin mo yung calculator. naminus mo na? may nakuha kang sagot, di ba? o, tandaan mo yang sagot. sa example ko, ang sagot ay 495.

next, yung nakuha mong sagot, baligtarin mo ulit. kagaya sa example ko.. kapag binaligtad ko, 594 yun, di ba? o, gawin mo rin yan dyan sa yo.

ok, next. yung original na sagot at yung binaligtad na sagot, pagsamahin mo ngayon. opo, addition. sa example ko... 495 + 594. ok, gawin mo na rin yang sa yo. pindutin sa calculator. ok? ok. tandaan ang sagot.

yung nakuha mo ngayong sagot, dagdagan mo pa. huli na ito, dagdagan mo lang naman ng magic number kong 13255. oo, addition lang po.

nakuha mo na yung sagot, di ba? kaw ha... bakit yan ang lumabas na sagot? 14344? hahahaha! o, hindi ko alam kung anong naisip mo. may hidden desire ka siguro sa akin.

hahaha! yun lang!

just a smile

Just A Smile
Barbie Almabis

I wanna tell you everything vis-a-vis
won't you come up closer
I want to, hear you breathe

I'm walking down the street
I'm lost at sea
but out of the crowd you smile
and you're all I see

you make me feel like I
can get lost inside your eyes
I feel closer to the sky
When you save the day
with just a smile
just a smile

I wanna meet you someday soon
'cause I know you in my mind
everything will be different
when I have you right beside

you can take the whole wide world
with your boyish charm
but even as you pull me close
I won't just stay in your arms

you make me feel like I
can get lost inside your eyes
I feel closer to the sky
When you save the day
with just a smile

Well it's for you and everyone
I thought I've searched the world in vain
now look at me
and the search is done
we will never be the same
not the same.

you make me feel like I
can get lost inside your eyes
I feel closer to the sky
When you save the day
with just a smile

oh you make me feel like I
can get lost inside your eyes
I feel closer to the sky
When you save the day
with just a smile
just a smile, a smile
just a smile

dun kaya sa nasa picture nya dinededicate yung kanta? wala lang... hahaha!

usapang text

kagabi, at 11:41PM, kakahiga ko lang para matulog , someone very faraway texted me... "sabi ng hangin, mabait ka, sabi ng dagat, matalino ka, sabi ng ilog at bundok, cute ka. tama nga talaga AKO.. sirang sira na talaga ang kalikasan! He!he!he! =)"

nagreply ako... "sus! namiss mo lang ako. hahaha! aminin..."

nagreply sya... "hindi. masaya lang ako. hehehe!"

ang mga babae talaga, obvious na, ayaw pang umamin. ginagamitan na naman ako ng reverse psychology. hahahaha!

wala lang.

Wednesday, February 15, 2006

taguan tayo

paano mo malalaman kung sa latest yahoo messenger version ay pinagtataguan ka lang ng friend mo or talagang offline sya? is there a way? oo, meron. at sigurado akong effective to. been using this for years. hehehe. paano?

ganito lang yan... invite mo sya sa conference chat, and enable mo yung voice chat. anyway, by default, nakaenable yun. so, invite mo lang talaga sya sa conference chat. paano? sus, kailangan ko pa bang ituro yun? double click nyo name nya, tapos, click nyo yung conference icon. ok? ganun, tapos, click invite. ok na yun. then mag-abang ng resulta!

kapag nakita mo ito... yang picture sa baba. nagtatago lang sya. online sya! pinagtataguan ka lang nya. nakastealth mode sya! at isa ka sa iniiwasan nya! hahaha!


pero kapag nakita mo ay ito, talagang offline sya. ok? gets?



yun lang!

chat

true to life chat...

ako: patingin naman ako ng pic mo.
sya: wala akong pic sa internet.
ako: o come on!
sya: mukha ba akong sinungaling?
ako: hindi ko pa nga nakikita ang mukha mo eh!

eto pa... chat ng manliligaw at nililigawan

nililigawan: sorry. hindi kita mahal.
manliligaw: sus... wag mo naman akong daanin sa reverse psychology! hahaha!

eto pa...

sya: umuupa ka sa makati?
ako: oo, nangungupahan lang.
sya: bumili ka na ng bahay!
ako: di pa pede, lupa muna.
ako: mahirap bumili ng bahay kung walang lupa. mahirap yun, nakalutang? haha!

yan tama na.

divided nine

sabi nga ni lojika, i'm crazy with number 9. hehehe, at eto pa, may bago na naman akong nakitang pattern. pero division naman tayo ngayon.

123/999 = 0.123123123123...

28/999 = 0.028028028028...

2/999 = 0.002002002002...

o di ba, may pattern? inuulit ulit lang. obvious naman yung pattern, di ba? same applies to 99, or kahit ilang 9.

12/99 = 0.1212121212...

5/99 = 0.0505050505...

6785/999999 = 0.006785006785006785...

6785/99999 = 0.067850678506785...

6785/9999 = 0.678567856785...

wala lang. nagpost na naman ako ng walang kwentang bagay dito. at least, unti-unting nagiging calculator ang mga kukote nyo. hehehe.

gusto nyong malaman paano magextract ng cube root of a perfect cubed number using your kukote? like anong cube root ng 24389? maiisip mo kaagad na 29? may pattern din, saka ko na lang ipost kapag sinipag ako. madali lang din. abangan...

related links:
the 9 series
pattern 999

greenwich special

now i'm spreading the blogging virus. tinanong ako ng accountant ng kumpanya namin kung ano ang YM id ko, para daw kung may tanong sya or something, hindi nya kailangang tumayo, YM na lang. oo nga naman. e di ibinigay ko. nakalimutan ko, ang status ko nga pala sa YM ko ay may link sa blog ko. hayun, e, di nadiscover nya itong blog site na ito. e ano ngayon? wala lang, bigla na lang nya akong minessage.. "ayos ang blog site ah!" i was kinda nagulat, hahaha!

hayun, maghapon nya yatang binasa ito. hindi naman pala lahat, yung mga nakakatawag daw ng pansin lang... like yung una kong payslip. extra kasi sya dun. hehehe.

anyway, kagabi, magkakasama kami, sya, ako at isa pang officemate na wala ding date sa valentine. kumain kami sa shakey's sa robinsons. kkb. syempre, idinate lang namin ang aming mga sarili.. hehehe. buti na lang at wala ditong tradisyon kagaya doon sa dati kong pinapasukan, na sa first salary mo, maglilibre ka sa lahat. ako na lang magpapauso, hehehe! saka na lang ako maglilibre kapag nagbirthday ako.

ok, balik sa kwento. syempre, kwentuhan habang kumakain ng mojo dips at manok ng shakey's, tsaka yung greenwich special nilang pizza, este, shakey's special pala. hehehe. e ngayon ko lang naman sila nakausap at nakakwentuhan, dito nga kasi sa office e either kachat ko yung mga online friends ko or nagboblog ako. ano bang aming napagkwentuhan? syempre, yung trabaho. at syempre, itong blog ko. parang maghapon nya nga ata itong binasa, ang daming alam eh. pati yung pattern 999, gets daw nya. hehehe.

well, natuklasan ko din na hindi lang ako ang blogger sa opisina. yung isa daw naming officemate, blogger din. hhmmm, so, legal talaga ang magblog dito! hahaha! pero up to now, di ko pa alam kung saan yung blog site nung officemate ko daw. pasasaan ba at malalaman ko rin. anyway, after naming mabusog ay nag-uwian na kami.

nagtaxi na lang ako dahil mega traffic to the maximum power dito sa malate. ang dami kasing nagdedate. napansin ko lang nung naglalakad kami pauwi at napadaan kami sa mga bar, aba at lintek, ang mga babae ay nakahilera doon sa harap ng bar, as in, sa tabi pa ng kalye! itatanong ko nga sana kung magkano ang kilo. hehehe! as in bulgaran ang pagbebenta ng aliw ah! tsk tsk. well, di naman ako na tempt na dumaan dun. umuwi ako diretso sa bahay at natulog. syempre, nanood muna ng jewel bago natulog. di lang jewel, pati yung late night news.

yun lang!

rain

dati, kapag naririnig ko ang kantang ito, wala lang. masarap lang pakinggan, maganda sa pandinig. ngayon, ewan ko ba, nagsesenti mode na ako kapag naririnig ko. kakarelate ako eh, except dun sa part na iniwan syang basa sa ulan. di naman kasi tag-ulan ngayon. hehehe. yung mga naka-italic, dun ako tinamaan. wala lang... magandang umaga sa inyong lahat!

Ulan
Cueshe

Lagi na lang umuulan
Parang walang katapusan
Tulad ng paghihirap ko ngayon
Parang walang humpay
Sa kabila ng lahat ng aking pagsisikap
Na limutin ka ay di pa rin magawa

Hindi naman ako tanga
Alam ko nang wala ka na
Pero mahirap lang na tanggapin
Di na kita kapiling
Iniwan mo akong nagiisa
Sa gitna ng dilim at basang-basa pa sa ulan

Pero wag mag-alala di na kita gagambalain pa
Alam ko namang ngayon may kapiling ka nang iba

Tanging hiling ko sa 'yo
Na tuwing umuulan
Maalala mo sanang may
Nagmamahal sayo---ako
Lalalalalalalalala...

oOo

tanging hiling ko lang, na tuwing ipeplay yan sa fm station sa opisina nyo, maalala mo sanang may nagmamahal sa 'yo... ako.

yun lang. grabe, ang aga-aga, nagsesenti ako!

Tuesday, February 14, 2006

666th post

eto na ang 666th post ko. malademonyong post. hehehe. yan siguro ang itsura ng puso ko ngayon. di lang ako nagpapahalata.




yun lang! happy valentine's day!

last 2 hours

this is my 665th post! isang post na lang, 666 na, kailangan, malademonyo ang sunod kong topic. hahaha! anyway, wala naman akong isusulat. napansin ko lang, hindi lang pala ako ang bigo ngayong valentine's day. hehehe. had a chat with 3 people na nagbabasa ng blog ko, kilala nyo kung sino kayo, pare-pareho kaming bigo. hahaha! anyway, bilog naman ang mundo. iikot din yan, next valentine's day, tayo naman ang masaya. sana. sana. ireserve ko na lang ang budget ko for today... para kapag umikot na muli ang mundo, may magagastos ako. hehehe!

may gimik daw kami tomorrow night ng mga dati kong officemate. magpapainom daw ang isa dyan dahil papunta na naman sya sa kontinenteng middle name ko. ok yan, sakto, magpakalasing tayo, tutal, libre naman. hahaha!

last 2 hours, uwian na. saan ako pupunta? wala, uuwi ng bahay at matutulog. kakain muna pala doon sa robinsons manila dahil unang sweldo ko! i titreat ko ang sarili ko! idate ko na lang ang sarili ko, anyway, sabi nga ng isang kanta... learning to love yourself is the greatest love of all. hehehe. after kong kumain, diretso na sa bahay, manonood ng jewel in the palace, tapos, matutulog na.

tinext pala ako ng isa dyan, pagano na daw ako. ows, really? sige na nga, pagano na nga kung pagano. akala mo lang yun. u don't know me. really, hindi mo ako kilala.

yun lang!

the 9 series

karagdagang kaalaman, karugtong ng pattern 999. alam nyo ba that the same pattern works for 99, 9999, 99999 and so on.? oo, totoo. subukan nyo. kahit gaano kalaking numero, hindi na kaya ng calculator nyo, kaya pang sagutin ng kukote nyo. hahahaha! like 9999999999 x 6678250192. i can easily say that the answer is 66782501913321749808. totoo? try nyo, yung kaya pa ng calculator. 9999 x 8749 = 87481251.

how about if the number multiplied has a lesser digits? halimbawa... 999 x 25. paano? or 9999 x 36. simple lang...

999 x 25 = 24975.

follow the same pattern, may napasingit lang na 9 sa gitna, kung ilan yung kulang na 9.

9999 x 36 = 359964.

eto, may napasingit na dalawang 9 sa gitna, kasi nga, 2 digit lang yung 36 at 4 digit yung 9999. gets? really? yeah, it works on any case.

9999 x 768 = 7679232.

kaya nga sabi ko, saulado ko ang multiplication table ng 9999. from 9999 x 1 up to 9999 x 9999. pwede ring 99999 x 1 up to 99999 x 99999. ganyan lang ang pattern. simple lang. hahaha!

watch out for more, kapag sinipag akong magshare ulit. yun lang!

hayskul

ikaw ba yan? ikaw ba talaga ang nagsusulat sa blog na yan?

hindi sila makapaniwala. mga dati kong kaklase noong high school, some are amazed, some are shocked after visiting this blog. hindi sila makapaniwala na ang marhgil na nakilala nila noong high school will come up with this kind of blog. bakit? sino ba ako nung high schoool? sino nga ba ako nung high school??? let me rewind my kukote and see my high school life.

sino ba ako nung high school? tahimik. i don't talk too much. seryoso sa pag-aaral. walang extra-curricular activities. no, i'm not that type of student na kapag nagtanong si teacher, will raise his hands and recite everything that he knows. no, i'm not like that. tahimik lang ako, walang paki sa mundo. silently listening during discussion. sa written examination ako humahataw. though bihira lang akong makaperfect ng exam, but most of the time, i have the highest score, lalo na sa mga mathematics subject.

mahiyain ako. torpe. never had a girlfriend in high school. though i know, may mga nagkakakras sa akin. dami kayang nagpapicture with me nung graduation, di ko naman mga kakilala. hahaha! during high school, all i want is to graduate. and to meet the expectations of my parents. they all wanted me to graduate as valedictorian. though, sabi ko sa kanila, wag nang umasa coz talo ako sa extra curricular activities. in academics, di nila kayang pantayan yung grades ko, pero sa extra-curricular points, kulelat ako. hindi ko nga alam kung anong nangyari at nung deliberation of honors e ako pala ang valedictorian. alam ko, may mga nagduda at tumaas ang kilay during that time. well, i have proven myself naman during college, that i deserve it.

anyway, balik sa topic. may mga kaibigan din naman ako nung high school. pero most of the time, academic subjects ang topic ng usapan namin. hehehe. at syempre, religion. ako lang naman yung INC sa klase, so, syempre, ano pa bang mapapag-uusapan? pero never ko naexperience yung naeexperience ng ibang INC na napapaaway coz of it. nasa tao naman yan eh, nasa pagdadala. respetuhan lang ng paniniwala. i don't indulge in a debate, hindi rin naman magkakaintindihan. basta i'll just show them how a true INC lives. (dia**x officemates, high school pinag-uusapan dito.. hehehe)

bakit ba napunta sa INC topic ko? ok, balik sa high school life. wala talaga akong maikwento. bahay-school-bahay lang ako. or bahay-church-bahay. ni yung paggala nga sa batangas city, hindi ko natutunan nung high school. hanggang doon lang ako sa bauan. weird? talagang weird ako nun. sa bahay, tv lang aliwan ko, tsaka family computer. hindi rin ako yung tipo ng estudyante na nagpapakapuyat sa pag-aaral. saka lang ako nag-aaral kapag may exam kinabukasan. kapag something to memorize yung mga type ng exam. pero kung mathematics subject ang exam kinabukasan, nanonood na lang ako ng tv. wala kasing dapat pag-aralan dun. yabang. hehehe. totoo. basta alam ko na yung formula, nakaukit na sa kukote ko yun. may calculator naman. and mostly, problem solving type yung exam, chicken! hehehe. mana daw kasi ako sa father ko... well, i think so, he's indeed a math wizard. akalain nyong high school lang ang tinapos nya, pero nagbabasa sya ng mga plano ngayon at under nya yung mga engineer doon sa bahrain. sa kanya pa sila nagpapaturo.

anyway, ituloy ang kwento. wala nga akong maikwento eh. basta, ganyan ako nung high school. tahimik. pala-aral. tahimik. tsaka nga pala, payat ako nung high school. hehehe. pahabol pa eh. oo, payat. nagulat nga sila nung get-together namin, para daw lumubo ako. sabi ko nga, namayat pa ako nun eh. hindi talaga nila aakalain na someone who is so quiet during high school will come up with this kind of blog. so what happened? bakit nga nagkaganun? well, people change. yeah, really. i did.

how are you ga?

o, kumusta na dito? mabuti naman ang kukote ko, ang puso ko, binabypass pa. need a heart operation para makamove-on. anyway, sabi nga nila, kung kayo, kayo, kung hindi, e di hindi. kung ayaw mo, e di wag. madali namang kausap ang kukote ko, tanga lang ang puso ko. sino ba dapat masunod? puso o isip? ewan ko. kayo? ano sa tingin nyo?

from now on... i'll go and move on. iiwan ko na sya. no more text, no more chat. binura ko na ang name nya sa phonebook ko, removed her from my YM friend's list, deleted all the pictures in my cellphone, kung pwede lang ireformat itong kukote ko to erase her totally in my mind, ginawa ko na. no, not because i don't love her anymore. e dun daw sya masaya, ipagkakait ko ba ang kasiyahang makakamtan nya sa piling ng iba? anyway, marunong naman akong magparaya.

ipaglaban? bakit pa? kung talagang ako ang nasa puso nya, she'll realize it. sabi nga nila, you'll never know what you've got until it is gone. kung wala na ako sa buhay nya, hanap-hanapin nya kaya ako? ewan ko. kung hindi, ok lang, wala talaga. pero kung mamiss nya ako? bahala na sya. andito lang naman ako. di na ako aasa. masaya daw sya eh. mahal nya daw eh! sana, totoo. dahil hindi naman yan ang sinasabi nya dati. anyway, malaki na sya, she can decide for herself na. sana nga, she can decide for herself.

sasabihin na naman nya, di ko na sya iginalang dahil nagpost na naman ako ng tungkol sa kanya dito. no, this is not about her. this is about me. blog ko ito at isusulat ko ang nararamdaman ko.

di ko ibubulgar kong sino ka. anyway, i wish you all the best in life. go on, and be happy.

Happy Valentine's Day sa inyong lahat!

crazy in love


Monday, February 13, 2006

unang payslip

after 1 week and 1 day na petiks mode, nagkaroon ako ng konting activity. pinapunta ako sa bangko para kunin ang atm card ko. aba, at sesweldo na raw kami bukas! kasi, hanggang 28 lang daw ang february, kaya february 14, magpapasweldo na, para daw eksakto, kalahati. tama nga naman yun, para may pangdate sa valentine's day. hehehe. pero wala pa rin akong plano dahil yung gusto kong idate ay hindi naman pwede. magkakagulo lang ang mundo kapag nakita o nalaman kaming magkasama ng parents nya. baka maghalo lang ang balat sa tinalupan. anyway, nakarating naman ako ng bangko, nagencode ng PIN ko at nakuha ko na yung atm card.

pagdating dito sa office, nilapitan ako ni accountant. ibinigay ang una kong payslip! syempre, scan-scan muna at baka may mali sa computation. tama naman siguro yung computation... kakalungkot lang, ang laki ng deduction! 3000+ pesos ang deduction ko, tax + sss + philhealth + pag-ibig! ok lang yung sss, pag-ibig at philhealth, para sa akin naman yun eh. yung malaking tax (2600+ pesos) ang nakakasama ng loob! kukurakutin lang naman ng mga pulitiko.

lunch time na. maglulunch muna ako. ingat!

five variable love test

walang magawa, i took this test and here is the result. yun lang!

Your Five Variable Love Profile

Propensity for Monogamy:

Your propensity for monogamy is high.
You find it easy to be devoted and loyal to one person.
And in return, you expect the same from who you love.
Any sign of straying, and you'll end things.

Experience Level:

Your experience level is high.
You've loved, lost, and loved again.
You have had a wide range of love experiences.
And when the real thing comes along, you know it!

Dominance:

Your dominance is low.
This doesn't mean you're a doormat, just balanced.
You know a relationship is not about getting your way.
And you love to give your sweetie a lot of freedom.

Cynicism:

Your cynicism is medium.
You'd like to believe in true and everlasting love...
But you've definitely been burned enough to know better.
You're still an optimist, but you also are a realist.

Independence:

Your independence is low.
This doesn't mean you're dependent in relationships..
It does mean that you don't have any problem sharing your life.
In your opinion, the best part of being in love is being together.

4056830968

i've decided not to go online this weekend. isang linggo na kasi akong online at isang tambak na rin ang naipaskil ko dito. nagbakasyon muna ako sa pagboblog, anyway, dalawang araw lang naman. ito, lunes na naman, back to work, back to blogging. hehehe.

nung umuwi ako last saturday, i went straight to the lipa medix hospital. nagtext kasi ang kuya ko, napaconfine daw yung pamangkin ko. ok na naman sya, ngayong umaga daw ay ilalabas na. nagtae daw at nagsuka yung bata kaya dinala na nila sa hospital at baka nga daw madehydrate. nung makarating ako doon, nadatnan ko na sa hospital ang mother ko at tita ko. masigla na yung pamangkin ko. though may nakakabit pang swero sa kanya. pero makulit na ulit at malikot. lalo na nang makita nya ako, lalong kumulit. nakita kasi ang tito aga nya. hehehe. he'll be ok na. kelangan lang daw matapos yung medication kaya ngayon lang ilalabas ng hospital.

nanaginip ako last saturday night. it was the sweetest dream i ever had, that i wished it was true, na sana, hindi na lang ako nagising. hehehe. basta, masaya, at sana, magkatotoo yun. sana. ano yung napanaginipan ko? i'll just keep it to myself. May isa pala akong pinagsabihan, kasi, involve sya. hehehe. Ok, sa amin na lang yun.

isang tulog na lang pala ay valentine's day na! hhmm. advanced happy valentine's day na lang sa inyong lahat! it's just another ordinary day for me. no special plans whatsoever. sa mga gustong magpadala sa akin ng chocolates, please, wag na lang, lason yan sa akin, i need cash. hehehe.

inaantok ako. yun lang!

Friday, February 10, 2006

gimik night

time to go. friday night = gimik night. saan kaya kami gigimik ngayon? bahala na, kung saan dalhin ng gulong ng kotse.

happy weekend!

sms

hindi sya nakatiis. nagtext sya. kahit forwarded message lang, kumpleto na ang araw ko.

may bago akong post doon sa aming mansyon. kaya dalaw kayo! just click the banner below.

pattern 999

lately, sabi ko, may nakita akong pattern when multiplying numbers to 999. now, it's time to reveal kung ano yung pattern. para naman may natutunan din kayo sa pagbabasa ng blog ko. madali lang yung pattern, kailangan mo lang matutunan ang subtraction, hehehe, pa-minus-minus lang naman ang gagawin. paano?

halimbawa: 999 x 684 = 683316

paano lumabas yung 683316? syempre, pindutin nyo sa calculator... hehehe. pero kaya nyo ngang kunin ang sagot using your mind. paano nga? ganito lang yun, yung unang tatlong numero.. 683 sa 683316, obvious naman kung saan kinuha, 684-1, di ba? ang dali. minus 1 lang, kayang kaya ng kukote nyo yan! hahaha! ok... saan naman kinuha yung 316 sa 683316? madali lang din yan... kita nyo yung 683? minus nyo lang sa 999. 999-683=316. mahirap bang mag-minus sa 999? madali lang, di ba? kada digit, iminus nyo lang sa 9. meaning, yung 316, nakuha lang sa 9-6, 9-8 at 9-3. mahirap bang gawin sa kukote yun? dali lang di ba?

isa pang sample: 999 x 296 = 295704

ganun din ang pattern. yung 295 is from 296-1, and yung 704 is from 999-295 or 9-2, 9-9 at 9-5. ang dali di ba?

lahat, ganyan ang pattern, basta 3-digit x 999. yung iba like 2-digit x 999, madali nyo nang madidiscover. konting practice lang, akala ng mga kakilala nyo, weirdo na kayo, kasi sinaulo nyo yung 999 multiplication table. hehehe.

yun lang! hindi itinuturo sa school yan. dito nyo lang mababasa yaN! hahahaha!

kilay

what if your friend is in-love with your ex? yan ang sitwasyon ngayon sa boarding house namin. mga kasama ko sa bahay. di naman malala. ok lang daw, wala na naman sila, ilalakad pa nga raw nya. hahaha! natatawa lang ako, kasi naman, ang pinagkakaguluhan ng dalawa ay pinsan ko pa! pagkagaganda talaga ng lahi namin! hahaha!

paano naman kung iniwasan ka ng kaibigan mo dahil nagseselos ang boyfriend nya sa iyo? mukha daw kasi akong threat sa relationship nila. o come on! di nya pa nga ako nakikita ng personal, insecure na kaagad sya sa akin. e di lalo na kapag nagkita kami, lalo na syang nainsecure, pagkagwapo ga nire eh.. hahaha! kapal ko! syet! well, bahala sya. basta sayo, kaibigan ko, andito lang ako, nagpapacute pa rin sayo. hahaha! di mo naman ako type, di ba? ok, go on, be happy. ang drama ko, syet na malagkit!

nakakahibang talaga ang walang ginagawa sa trabaho. magkano ba ang patak ng metro ko dito? more than 2 pesos per minute ang rate ko dito eh. nagboblog lang? mas mabilis pa ang patak ng metro ko sa patak ng metro ng taxi. well, that's life. ilang taon ko rin namang pinagsunugan ng kilay ang pag-aaral eh. buti nga at may natira pa akong kilay. hehehe.

yun lang!

Thursday, February 09, 2006

bilog talaga

uuwi na ako. natapos na naman ang maghapong walang kwenta. natapos ko namang basahin ang introduction doon sa e-book na dinownload ko. hehehe. medyo mahaba-habang araw na tatambay pa rin ako. dalawang linggo pa.

ang mga barkada at kilala ko ay nasa makati samantalang ako ay nandito sa malate. wala pa akong masyadong ka buddy dito, mukhang mga seryoso sa buhay ang mga tao dito eh. ang tatahimik, lahat, nakaharap sa kani-kanilang computer. may kanya-kanyang tinatapos samantalang ako ay andito, nakatanga, naghihintay ng alas singko y medya. eto nga, alas sais na, mga OT pa sila, ako, syempre wala pa. di naman pede akong magfile ng OT, anong ilalagay kong ginawa ko? nagblog? hehehe.

anyway, ok lang. nakapag-adjust na ang aking katawan sa maagang paggising. kahit manood pa ako ng late night news, nagigising pa rin ako ng 7:00AM. medyo yung tyan ko pa lang ang hindi masyado nakakapag-adjust. siguro, next week, ok na ito. lalabas na ang dapat lumabas kapag umupo ako sa aking trono. hehehe.

last post ko na ito sa araw na ito. bukas na ulit. masaya ako ngayon. promise. basta. masaya ako. abot ang ngiti hanggang ibabaw ng tenga, lampas tenga! hahaha! byernes na pala bukas, patapos na ang isang linggo ko sa kumpanyang ito. lugi ata sila sa akin, wala naman akong ginagawa, papaswelduhin nila ako sa a-kinse. hehehe.

tama na. uwi na ako. happy days are here again! bilog talaga ang mundo!

dalawang linggong petiks

binigyan ko ng magagawa ang sarili ko. it seems kasi na 2 weeks pa akong tatambay dito, walang ginagawa, petiks mode. bakit? kasi, yung system na hahawakan ko raw ay nasa Hongkong pa, and turn-over will start next week. E hindi naman sa akin ituturn-over, hindi nila kasi ako isinama sa Hongkong. So, sa officemate ko pang isa ituturn-over, sya kasi ang pupunta sa Hongkong, tapos, pagdating nya pa after 2 weeks, ituturn-over naman nya sa akin, at saka pa lang ako magkakaroon ng trabaho.

grabe, 2 weeks na petiks, whatalife! pumapasok para mag-time-in at time-out at sumweldo sa kinsenas-katapusan. ayoko ng ganito, kapag ipinagbili ko yang kukote ko, baka milyon ang abutin dahil hindi masyadong gamit. hehehe. kaya heto, nagdownload ako ng training materials ng java. since gusto kong matutunan ay pag-aaralan ko na lang habang tambay ako dito. nakakasawa rin na maghapon kang nagchachat at nagboblog. imagine, kahapon, siyam na post ang nagawa ko dito? ngayon, pa-apat ko pa lang to, at meron pa akong dalawang oras at kalahati. hhhmmm, may kasunod pa kaya ito? abangan.

kausap ko kanina sa ym ang isang blogger din, sabi nya... "buti naman at nakakapag-online ka dyan sa bago mong work." sabi ko..."syempre naman, kung di ako makakapag-online, magreresign ako." hehehe.

yun lang!

my first blog

lingid sa kaalaman ng marami, i started blogging on February 2004, not June. pero hindi po blogspot ang una kong ginamit. June 2004 lang ako lumipat dito, pero yung mga luma kong entry, hindi ko naisama dito. anyway, hanggang ngayon, online pa rin pala yung una kong blog. well, it was just plain and simple, walang kung anik anik, basta puro post lang, mga panahong nababagot ako sa kuwait. wala lang, kung gusto nyong mabasa, ito yung link. kapag sinipag ako, ilagay ko yan sa sidebar ko, tinatamad pa ako ngayon eh.

sige, lunch muna ako. sarap kumain ng libre. hahaha!

free lunch

may libreng lunch dito sa office. birthday kasi ng tatlo kong officemate, feb 2, feb 10 and feb 12. e pinagsabaysabay na. tataas na naman ang blood sugar ko. hehehe. hindi naman, magkokontrol naman ako sa pagkain, kapag busog na, tigil na. hehehe.

yun lang!

first post for today

yesterday, sabi ko, if i don't post anything today, probably i'm dead. well, obviously, buhay pa ako. alive and blogging. medyo tinanghali lang ng gising, pero hindi naman ako nalate. kung dati, dumarating ako ng 8:00AM, ngayon, dumating ako ng 8:20AM. ok lang, 8:30AM naman ang time namin.

to insang nao, thanks for the text message. pinsan talaga kita. hehehe. don't worry, it's not all about her. and i'm ok now. i think so... really. siguro. hehehe. bad mood lang kagabi bago umuwi. pero ok na naman ako ngayon.

napanood nyo ba yung bubble gang last friday? ang ganda nung music video nilang Ulam. pinaglaruan nila yung lyrics ng Ulan ng Cueshe, astig eh! ginawang Ulam yung Ulan. to give you a hint... ganito yung umpisa... "lagi na lang walang ulam, sweldo naman nung katapusan...." i tried to record it nga, kaso, yung audio recorder ng cellphone ko, limited to one minute lang, kaasar.

napansin ko lang this morning, mukhang may ipamimigay na naman akong polo. bakit? kasi naman, itong isang officemate ko, kapareho ng isang polo ko ang suot nya ngayon. buti at hindi yun ang isinuot ko.. hehehe. so, ibibigay ko na lang sa pinsan ko. baka dumating ang araw na magkataon na pareho kami ng suot, magkakatawanan pa dito sa office. hehehe.

yan na lang muna. mamaya, kapag may naisip ulit akong ipost at wala na naman akong ginagawa, magsusulat ulit ako. have a nice day sa inyong lahat!

yun lang!

Wednesday, February 08, 2006

last post for the day

isang araw na naman ang lumipas sa buhay ko. hhmm, uuwi na ba ako? ewan ko, bahala na, sa tapat lang naman ang gimikan eh. dito lang naman ang office namin along roxas blvd. gusto kong uminom, gusto kong magpakalango. may gusto akong kalimutan. sinong gustong sumama?

if i did not post anything tomorrow, probably, i'm dead. ok?

yun lang!

wala na namang magawa

dahil sa kawalang magawa, open na naman ang aking notepad at nagtatype na naman ako ng kung ano anong mga bagay na pumapasok sa isip ko. we had a meeting kanina, ipinakita kung paano kinocompute ang OT pay. uy! may OT pay kami! hindi kagaya doon sa dati kong inuutong kumpanya, ako ang nauto. hehehe. ok lang, nagkautuan lang naman kami, the feeling is mutual, ika nga.

kailangan din daw kaming mag-ipon ng resibo dahil meron kaming transportation allowance, in case na mag-audit ang mga auditor e kumpleto kami ng papers. wala namang problema sa akin dahil ugali ko na ang humingi ng resibo kapag nagpapagasolina ako ng sasakyan. ang mga medyo may problema ay yung mga sumasakay ng dyip dahil hindi naman nagbibigay ng resibo ang driver.

sabi ko kahapon doon sa isa dyan, di muna ako mag-uupdate ng blog ko, pero heto ako, santambak na post ang nagawa ngayong araw na ito. kalahating oras na lang at uuwi na ulit ako. maghapong petiks, wala pa akong masyadong ginagawa. sabagay, talaga namang ganun kapag bago ka sa kumpanya, first week, petiks muna, pero pag nag-umpisa nang dumating ang work, santambak naman. ok lang, may OT pay naman. hehehe.

what inspired you to work? yan ang tanong sa akin nung isang hr manager na nag-interview sa akin doon sa agency na pinag-applyan ko dati. ano daw inspirasyon ko at nagtatrabaho ako? ang sagot ko, ang dami ko kasing gustong maabot na pangarap. and i will not reach my dreams kung tatambay lang ako sa kanto at ikukuyakoy ang paa maghapon. ayokong umasa na lang sa tulong ng aking mga magulang, dahil hindi naman habambuhay ay may mga trabaho sila at palalamunin na lang nila ako sa araw-araw na ginawa ng Dyos.

i want to buy a house and lot. i want to finish paying my car loan. i need to have a stable job. i need to have a business. yan lang naman ang mga pangarap ko before ako lumagay sa tahimik. syempre, i also need someone na pwede kong paghandugan ng lahat ng yan. paano ako lalagay sa tahimik kung wala yung special someone di ba? ngayon, kakalimutan ko muna yung special someone. darating din yan when the right time comes, when i'm ready. so far, my focus now is to be successful in my chosen field of expertise. ang daming opportunity dito sa bago kong company. i might go to hongkong this year. sana, matuloy.

last saturday, i had this conversation with my kuya regarding my pamangkin's education. kinder pa lang daw, papapasukin na nya sa mamahaling eskwelahan. and i gave him this advise... sabi ko, yung ibabayad nya pangtuition sa mamahaling school ay ihulog na lang nya sa bangko at ang paghandaan nya ay yung college ng anak nya. ang triangle sa mumurahing kindergarten school ay kapareho din ng hugis ng triangle sa mamahaling school. kahit anong school pa yan, di ba? ang red sa mamahaling school, ganun din sa mumurahing school, pula pa rin. basic education lang naman yan eh. kung matalino yung anak mo, kahit sa public school pa sya nagkinder, makikipagsabayan yan sa mga graduate ng mamahaling school. they will not teach calculus and trigonometry sa mamahaling school kapag kinder pa, hehehe. pareho lang naman sila ng subjects, di ba? plus, sabi ko, kung mag-aaply na yan ng trabaho, ang tinitingnan ay kung saang college sya graduate ng kanyang degree, hindi kung saan nagkinder yung anak nya. so, sabi ko, be practical. biglang nagdalawang-isip. hehehe.

sabi nila, magaling daw sa mamahaling school dahil bata pa, magaling nang mag-english. hhhmmm, bakit, hindi ba matututunan rin nya yan pagdating ng college? yung mga retarded na amerikano nga, magaling ding mag-english. pero retarded sila. hehehe.

tinanong nila ako dito kung marunong ako ng lotus notes. sabi ko, hindi, dahil yun ang totoo. pero sabi ko, pag-aaralan ko, sila nga, natutunan nila, ako pa ba ang hindi makaintindi? hehehe.

yun lang!

commercial muna

a friend of mine in Kuwait asked me to advertise their restaurant here. so heto na ang patalastas...

VALENTINE'S DAY PROMO
Good for 2
  • Chef’s Salad
  • Java Rice
  • Boullabaise Soup
  • Seafood Platter including an optional choice of Lechon Kawali or Pork Liempo
  • Iced Tea
  • 2 Glasses of Red Wine
  • Plus a Bouquet of Roses w/ Ferrero chocolates for every table

saan ito? eto ang address at contact number. sabihin nyo na lang na nabasa nyo sa blog ko, friend ni Mr. Gerry Brioso from Kuwait.

SEAFOOD TOWER RESTAURANT
245 Sumulong Highway,
Mambugan, Antipolo City
Tel No: 6471870 / 09204052145

magpareserve na kayo habang maaga. first come first served, kailangan pa bang sabihin yun? hehehe. magkano? sa kanila nyo na lang itanong. mura lang, can afford ko eh, kung may maidate nga sana ako, dyan ko na lang dadalhin. hehehe.

for more details, visit their site here.

anak sa labas

kapag sumisikat ka talaga at yumayaman, dumarami ang kamag-anak mo, at ang matindi, bigla kang nagkakaroon ng anak sa labas! hahahaha! ano ba itong sinasabi ko? read this.

baliw nga ako

nakarelate lang ako kaya nirepost ko. salamat lojika!

sinong baliw?
by lojika

baliw ako nang dahil sa pag-ibig ko sa'yo
baliw ako na naghihintay ng text messages mo
baliw ako na nag-aabang ng tawag mo
baliw ako na umaasang kakausapin mo
baliw ako na nangangarap na parang isang gago
baliw ako na parang isang adik sa kanto
baliw ako na nagpapanggap na ito'y totoo
baliw ako na pilit nagbabalat kayo
baliw ako na umaasa pa rin sa'yo
baliw ako pero magmamahal pa rin ako

baliw ako, pareho ba tayo?
sinong baliw na tulad ko?

for more senti poems... visit lojika's blog.

last post for you

i don't know what to do. i don't know, really. naguguluhan ako. magulo. hindi ko maintindihan kung bakit nangyayari ito. my mind tells me to forget her, go on and have a life. pero ewan ko ba. sabi nga ni daniel bedingfield... "...I don't want to run away but I can't take it, I don't understand" hindi ko talaga maintindihan. well, anyway, this will be my last post concerning you. u know who you are... and this one will be my last song for you.

If You're Not The One
Daniel Bedingfield

If you're not the one then why does my soul feel glad today?
If you're not the one then why does my hand fit yours this way?
If you are not mine then why does your heart return my call
If you are not mine would I have the strength to stand at all

I never know what the future brings
But I know you are here with me now
We'll make it through
And I hope you are the one I share my life with

I don't want to run away but I can't take it, I don't understand
If I'm not made for you then why does my heart tell me that I am?
Is there any way that I can stay in your arms?

If I don't need you then why am I crying on my bed?
If I don't need you then why does your name resound in my head?
If you're not for me then why does this distance maim my life?
If you're not for me then why do I dream of you as my wife?

I don't know why you're so far away
But I know that this much is true
We'll make it through
And I hope you are the one I share my life with
And I wish that you could be the one I die with
And I pray in you're the one I build my home with
I hope I love you all my life

I don't want to run away but I can't take it, I don't understand
If I'm not made for you then why does my heart tell me that I am
Is there any way that I can stay in your arms?

'Cause I miss you, body and soul so strong that it takes my breath away
And I breathe you into my heart and pray for the strength to stand today
'Cause I love you, whether it's wrong or right
And though I can't be with you tonight
And know my heart is by your side

I don't want to run away but I can't take it, I don't understand
If I'm not made for you then why does my heart tell me that I am
Is there any way that I can stay in your arms?


damn! tinamaan talaga ako!