Friday, April 28, 2006

outing and accounting

byernes na naman, parang kailan lang ay lunes, byernes na ulit! hindi pa ako uuwi ng batangas. may outing nga kasi kami bukas. sa caliraya recreation center. sana, mag-enjoy ako dun, sana, kahit medyo sinisipon pa ako. medyo may kalayuan yung place, buti na lang at dalawang sasakyan na lang ang gagamitin, hindi na kasama ang kotse ko, hindi ako magdadrive, hehe. though, siguro, kung pagod na yung driver, pwede akong pumalit, walang problema. overnight kami, so, sunday na ang uwi namin, tapos nun, balik ako sa makati, tapos uwi na rin sa batangas. huh? parang magpapabalik-balik ako ah? ewan, bahala na. siguro, di na lang muna ako uuwi ng batangas, dalhin ko na lang sa laundry shop yung mga damit ko para may maisuot ako next week, hmm, bahala na.

ngayon pala ay last day na dito ng aming mahal na accountant. nagresign na sya, a career move for a brighter future. hehehe. mas maliwanag nga dun dahil disyerto, mas maliwanag ang sikat ng araw, mas bright ang future.. hehehe. talagang ganyan naman sa mundo, may dumarating, may umaalis.

now, let's talk about our accountant. gigisahin ko sya dito. hahahaha! itago na lang natin sya sa pangalang norin galang. kung maaalala nyo, sya yung unang nakatuklas ng blog na ito dito sa office, at mula noon, kumalat na sa lahat ng officemate ko. hehehe. she's one of the persons na madali kong nakaclose dito sa office, close nga ba? hehehe. di naman masyado, sa kanya lang ako nagtetext kapag absent ako, at isa rin sya sa mga nakasama ko sa aking munting negosyo. since sya ang accountant, except sa mga bossing, sya lang ang may alam kung magkano ang sweldo ko dito. hehehehe. ano pa ba? isa sya sa mga kasama ko nung valentine's day. sya yung nag-iisang nagcoconcert sa kanyang cubicle, kumakanta na akala nya ay hindi namin sya naririnig. sya yung every kinsenas at katapusan ay nagpapapirma ng payslip namin. sya yung ilang beses na rin naming nakasama sa gimikan, game sya, sa tatlong san mig light, lasing na sya. hahaha! ano pa ba? mahal na mahal sya ng mga empleyado dito, lalo na kapag umuuwi galing hong kong, espesyal yung mga chocolate para sa kanya. hehehe. ako lang yata ang hindi nagbigay ng espesyal na chocolate. malimit syang late sa pagpasok. hehehe. ano pa ba? wala na akong maisip.

well.. talagang aalis na sya, at kahit ilang months ko lang syang nakasama dito, naging bahagi na rin sya ng buhay ko kahit papaano. so ang masasabi ko lang... babay na! huwag mo kaming kalimutan kapag mayaman ka na!

yun lang!

txt msgs

mga text message na nareceive ko nitong mga nakaraang araw. wala lang, gusto ko lang ipost dito. sinipag magencode eh. salamat sa mga nagpapadala!
1. its amazing how strong we become when we begin to understand how weak we are. for it is in humility that we can see God's strength!

2. since my hands can't reach you, let my prayers hug you with God's love and blessings, guidance and good health not only today but always. God bless!

3. each day, our goal is to touch one's heart, encourage one's mind and inspire one's soul. may you continue to be blessed and be a blessing to others. Gud morning!

4. life is like having a cup of coffee. you sit by the window, lift the cup and take a sip only to realize that somebody forgot to put the sugar. too lazy to go for it, you somehow struggle thru that sugarless cup, till you discover undissolved sugar crystals sitting at the bottom. That's how life is, we sometimes forget to make an effort to value what is around us. Look around, maybe, the sweetness you are looking for is closer than you think. Start your day right, flash a smile, have your coffee. make it sweet.

5. may the lord watch over you today, let his hand protect you, his presence inspire you, his grace surround you and his power sustain you. Good morning!

6. why do we close our eyes when we dream? when we cry? when we wish? when we imagine? when we kiss? that is because the most beautiful things in life are unseen.

7. in the ocean of life, god is our bouyant force. no matter how strong the wind is and how gigantic the waves are, we will not sink because we are anchored to him.

8. falling in love with god is the greatest romance, searching him is the greatest adventure, finding him is the greatest achievement and being with him is the greatest joy of life!

9. for every 1 second, 79 stars explode, what are the odds, the chances, that our sun will be the next? life can be so short, so let me say, thank you for crossing my way!

10. friends are like buttons in an elevator, some take you up, others bring you down. i can't promise i can bring you on the rooftop, but i promise to bring you on the right floor.

11. like birds, let's leave behind what we don't need to carry... grudges, sadness, pain, fear and regrets. fly light! life is beautiful.

12. it's good to have money and the things money can buy, but it's good too, to check once in a while and make sure i haven't lost the things that money can't buy... pssst! are you there? =)

13. when you feel sad and alone, i'll be there to say, "tara! mamato tayo ng bahay!" =)

14. hope you woke up with good dreams, a body well rested and a mind aimed at peace and a heart full of happiness and love. have a wonderful day!

15. every morning, the lord blows us kisses of love, peace, kindness and understanding not only for us to have but for us to share. take care!



yun lang!

bagong post sa mansyon

bagong renovate ang aming mansyon, kaya nagbwena-mano akong magpost ng bago. hehehe. tungkol lang naman sa cellphone of the future yung bago kong post dun. see it here or here.

sa hindi nakakaalam, ang aming mansyon ay isang group blog, blog ng magaganda at nag-iisang gwapo. hahaha!

yun lang!

Thursday, April 27, 2006

sa central

absent ako ngayon. hindi ako pumasok dahil mukhang lumala pa yung sipon ko. so nagdecide na lang akong huwag munang pumasok para makapagpahinga, at nang hindi na kumalat ang virus sa office, baka kasi mahawa pa sila. ngayon, andito ako sa isang computer center sa metro manila. hehehe. medyo ok na ako, pero hindi na rin ako pumasok, isang absent na rin, gumala-gala na lang muna, nakakabato rin kasi sa bahay. dinala ko na rin yung cool water doon sa nakabili. ngayon, nasa kanya na yung cool water, nasa bulsa ko na yung bayad. hmm, sa susunod nga, makabili ng maraming perfume doon at maibenta dito sa blog. hahaha! pwede rin, di ba?

bukas pala, nakalongsleeves with tie ako sa pagpasok. kasi, alam nyo na, may darating na boss from japan. so, magmumukhang tao na naman ako. hahaha. sa saturday pala, tuloy na ang outing namin. hindi ko pa lang talaga alam kung saan ang venue. ang hirap kasing maghanap, marami sa alam namin, nung tawagan namin, puro fully-booked na. pero may nahanap na raw sila. tingnan ko na lang kung saan. magbubuhay bakasyonista muna kami ng dalawang araw. tamang tama naman na walang pasok sa May 1, mahaba-habang bakasyon.

nasabi ko pala na magkekwento ako kung anong nangyari sa amin nung magpunta kami sa central sa hongkong. gumala-gala lang kami doon, nagpapalit ng pera. yun palang central ang tambayan ng mga filipino doon, kaya parang nasa pilipinas ka na rin kapag andun ka. yung mga nagtitinda, mga filipino, yung mga paninda, mga paninda sa pilipinas, yung mga gumagala, mga filipino, kulang na lang dun, snatcher at mandurukot at nasa pilipinas ka na nga. hehehe.

nung andun kami, kumain kami sa jolibee. syempre, nang masubukan kung pareho din ba ang lasa ng jolibee ph at jolibee hk. pareho lang ang lasa, ang magkaiba lang, ang presyo, mas mahal sa hk. siguro, dahil syempre, inimport pa yung mga paninda sa pilipinas. sumakay pa ng eroplano yung chickenjoy. e magkano ba ang pamasahe sa eroplano? kaya siguro ganun, nagmahal sya. hehehe. napansin ko doon sa jolibee, ang tatanda na nung mga crew. parang lola ko na eh. unlike sa pilipinas na mostly ay working students ang crew between the age of 18 to 22, doon sa hk, tantya ko, 50+ na yung edad nung dalawang crew na nakita ko. mga matatandang babae. magkano kaya ang sweldo nila? ewan ko, di ko sila nainterview eh.

habang kumakain kami sa jolibee, may nakausap din kami doon, isang matandang lalaki na nakatambay lang doon, katabi ng table namin. hayun, nakakwentuhan namin. doon daw nagtatrabaho ang kanyang anak. dating stewardess sa cathay pacific, pero ngayon daw ay nasa office na sa hk nagwowork, sa logistics daw eh. so hayun, kaya andun sya sa hong kong, isinama sya ng anak nya. 2 years na daw sya dun. nung una daw, 1 year yung visa nya. tapos ngayon daw, 2 years na yung visa nya. yung anak nya, permanent resident na dun. wala din naman daw syang masyadong ginagawa dun, kasi nga, pensyonado ng kanyang anak. kaya patambay-tambay. sabi nya, ok daw ang buhay doon. tahimik, walang masyadong polusyon, at hindi delikado. anytime daw, kahit madaling araw, gumagala-gala sya kapag hindi sya mapagkatulog doon sa bahay nya.

habang nag-uusap kami, sa kabilang table, may naupo din, dalawang babae, mukhang mag-ina, at kinausap din ni lolo. syempre, habang nag-uusap sila, nakikinig rin kami. dh daw yung babae doon, at mag-ina nga sila. yung anak daw nya ay doon sa tiya nya nakikitira. 7 years na daw syang dh doon, mababait naman daw yung amo nya. tatlong araw ang day-off nya sa isang linggo. doon na rin nag-aaral yung anak nya. ang amo daw nya, director sa pccw, isang telecom company sa hk. sabi nga nila, swertehan din daw ang pagiging dh sa hongkong. kapag mabait ang amo mo, swerte ka. kung salbahe ang amo mo, malas mo, kalbaryo daw.

yun lang naman ang naging kwentuhan namin, tapos naghiwa-hiwalay na rin kami. before i end my post, panoorin nyo muna ang kakaibang balitang ito. napanood ko na ito sa dati naming office, pero ngayon ko lang ipopost dito. nakakatuwa sya.



"i hate subtitles"


yun lang!

Wednesday, April 26, 2006

cold water

magpost naman ako ng sarili ko. lately kasi, puro video sa youtube ang naipost ko eh. wala lang, natuwa lang ako dun eh. anyway, ano bang nangyari na sa akin? eto, back to normal work sa office dito sa malate. kahapon, nagtungo kami sa seaside para magdinner doon sa squared. ok naman yung luto nila doon sa mga sea food na ipinaluto namin, yun nga lang, squared rin yung presyo nila. hehehe. anyway, sulit naman, busog na busog ako, sobra. as in, tuwang tuwa ang mga bulate ko sa tyan.

ngayon, andito pa rin ako sa office. grabe, tinamaan ako ng sipon, as in, bumabahing ako maghapon. hatsu! excuse me. hayan, pati dito, sinisipon ako. hehehe. sa tindi ng sipon ko, pati mata ko, apektado, namumula, para na akong may sore eyes, pero wala naman, ang sama lang talaga ng tama nung sipon. uminom na ako ng neozep at ilang galong tubig, hehehe. di ba, yun daw ang gamot dun, drink plenty of water. sana, bukas, ok na ako. sana.

sobrang init ngayon. as in, nagigising akong basa ng pawis sa gabi. sobra, tagaktak na ang pawis ko. muntik na nga akong malunod sa pawis ko, hehehe, joke. basta, ang hirap matulog sa gabi, kaya naman nangungulit na lang ako sa text. hahaha! pasensya na sa mga biktima ko. hahaha!

yun lang, uuwi na ako. may nanalo na sa bidding nung cool water. bukas, magkikita kami para magpalitan ng epektos. hehehe. actually, sya lang yung nagbid eh. mukhang yung mga nagbabasa nito, cold water ang ginagamit kaya hindi nagbid. hahaha!

yun lang!

wazzup!

matagal ko nang alam ang budweiser commercial na ito. matagal na naming pinagtawanan ito sa office.



original budweiser commercial


ang hindi ko alam, gumawa pala ng spoof sina lola. mas cool! hahahaha!



version nina lola


yun lang!

invitation to bid

last week, nung nagpunta ako sa hongkong, nagpabili ng cool water for men ang isa kong housemate. so, bumili ako nung pauwi na ako. sa airport ko ito binili, dalawang 40mL yung binili ko, nakapackage yung dalawa. pero isa lang yung pinapabili ng housemate ko. so, hayun, pag-uwi ko, kinuha nya yung isa. ngayon, meron pa akong isa dito. ang problema, hindi ko sya pwedeng gamitin, medyo sensitive nga kasi ako sa mga perfume, nahihilo ako kapag hindi sya nagustuhan ng aking pang-amoy. so, anong gagawin ko sa isang ito?

well, naisip ko lang na ipost dito sa blog ko. magpabidding na lang ako. ayon sa housemate ko na tiningnan ang price sa landmark, it costs Php2000+. so, ipabid ko na lang dito, cash on delivery within makati area or malate. starting bid... Php1100 lang, with 100 pesos incremental value for a higher bid. hayan, mura na yan. wala pang bawas kahit isang patak. bidding will close at 6:00PM today.

so, ano? bid na! dyan na lang sa comment box yung pagpost ng bid, ok? i will not entertain bid thru e-mail and yahoo messenger.

sayang

alam nyo ba ang feeling na matapos nyong magawa ang isang napakahalagang bagay, bigla na lang itong mawawala? halimbawa, after mong magtype nang pagkahaba-habang document sa word, bigla na lang magbobrown-out at hindi mo na save ang ginawa mo. asar di ba? matapos mong paghirapan, mawawala na lang ang lahat na parang bula. ok lang sana kung encoded document lang, ang matindi, yung mga programmers na biglang mawawala yung pinaghirapang codes ng isang araw. sayang ang powers na ginugol. talagang ganyan ang buhay, nakakaasar kapag nangyayari yan. sa mga hindi pa makarelate dahil hindi pa nangyari sa inyo yan, makakarelate kayo kapag napanood nyo ang video sa baba.





yun lang!

Tuesday, April 25, 2006

pbb teen edition theme song

nag-umpisa na ang pinoy big brother teen edition last sunday. at ngayon pa lang, hinanap ko na yung lyrics ng theme song nila, wala akong makita. tapos, naisip kong daanan yung digitalpinoy, nakadownload ako ng mp3 doon, medyo low quality nga lang, parang nirecord lang yung kanta sa tv eh. hindi pala mp3 yun, wma format sya, whatever. at mula doon, i tried to extract the lyrics. hindi pa naman ako bingi, so ito ang nakuha kong lyrics. inform me na lang kung may mali.

Kabataang Pinoy
Itchyworms

ang barkada namin
may pangarap
na nais abutin
pangarap namin
magtagumpay sa lahat ng gagawin

iba na tayo ngayon
walang di nagagawa
sabihin mo, sabihin nyo,
kaya natin to

kabataang pinoy
pagbutihan mo
pag-asa ka ng buong mundo
kabataang pinoy
kayang kaya mo
pinoy ako
pinoy tayo

hamon sa buhay
handang daanan
kaya namin 'yan
ipaglalaban namin
ang nararapat
at tamang gagawin

iba na tayo ngayon
matibay ang loob
sabihin mo, sabihin nyo,
kaya natin to

kabataang pinoy
pagbutihan mo
pag-asa ka ng buong mundo
kabataang pinoy
kayang kaya mo
pinoy ako
pinoy tayo

kabataang pinoy
pagbutihan mo
pag-asa ka ng buong mundo
kabataang pinoy
kayang kaya mo
pinoy ako
pinoy tayo

kabataang pinoy
pagbutihan mo
pag-asa ka ng buong mundo
kabataang pinoy
kayang kaya mo
pinoy ako
pinoy tayo

yun lang!

pakikiramay

nagtataka lang ako, nabalitaan ko kasi ito kay insan, bakit wala yatang masyadong media coverage ang pangyayaring ito doon sa canada? no write-up on inq7 or abs-cbnnews. masyado na bang nakafocus ang media natin sa pulitika? i think, the family of this kid needs support, especially from our government. may nangyayari na palang kakaiba doon sa canada, kung saan ang isang kababayan natin ay walang awang pinatay, wala man lang balita. nakaririmarim. mas gusto pa nilang icover ang bangayan ng mga senador at ng palasyo.

ako po ay nakikiramay sa mga naiwan ni danilo celestino at umaasang mabigyan ng katarungan ang kanyang pagkamatay.

yun lang!

kwentong blog

ilang beses ko nang nabasa at narinig ito. tumatawa na lang daw sa harap ng computer kahit mag-isa lang sya. nababaliw? nasisiraan ng bait? hindi po. nagbabasa lang ng blog na ito. huh? nakakatawa ba ito? nagulat nga ako eh, seryoso pa naman ako sa mga isinusulat ko dito. hahaha!

anyway, sa mga hindi nakakaalam, this blog started out of boredom. hindi naman ito ang una kong blog, doon yun sa my-diary.org, tapos, nalipat ako dito. naisip kong magblog dahil sa walang magawa nung nasa kuwait pa ako. imagine this, nasa malaki kang flat, with 2 rooms, kumpleto appliances, with unlimited internet access, pero wala kang kasama sa bahay? wala din akong makachat masyado dahil baligtad ang oras sa pilipinas at sa kuwait, kapag online ako sa yahoo messenger, tulog ang mga tao sa pinas. dati, naisip ko, magkwento ako, tapos, isend ko sa e-mail. yun ang una kong attempt sa pagsusulat. magkekwento ako ng mga nangyari sa kuwait, tapos, ieemail ko sa mga kakilala ko. hindi ko pa kasi alam yung blog. ganun ako, siguro, nakapagsulat din ako ng tatlong mahahabang e-mail na ipinadala ko sa mga friends ko, bago ko naisipan na maghanap ng online diary. then later, nakita ko nga yung blogspot, and the rest is history. nag-umpisa sa pagkwento-kwento tungkol sa nangyayari sa akin, hanggang sa kung ano-ano na ang naisusulat ko. from marhgil's kukote, naging kukote in a jar. from a simple built-in template ng blogspot, naging ganito na ang itsura ng blog ko. nagkaroon ng kakaibang background, nagkaroon ng background music, nagkaroon ng adsense at adbrite, at dumami ang links ng ibang blogger. dati, masaya na ako sa 16 unique hits sa blog na ito, ngayon, nag-aaverage na sya sa 60+ per day. marami na rin akong nakilala at naging kaibigan, dahil lang sa blog na ito. ang iba, online friends, ang iba, nameet ko na ng personal. yung iba, nakasama ko pa sa business ko. nagbenta na rin ako ng harry potter book dito. nagpacontest. ang dami ko nang nagawa. blogging has somehow changed my life, sa totoo lang. ang blog na ito ang nagbigay ng boses sa akin, para mabasa ng buong mundo ang opinion ko, ang nilalaman ng kukote ko. dahil din sa blog na ito, ipinanganak ang iba pang mga blog, mga dati kong mambabasa na naisipan na ring mag-umpisang magblog. nangunguna na dyan yung mga officemate ko sa dating kumpanya. sumunod yung ilan sa mga kaklase ko nung college. andyan din yung mga reader na hindi ko kilala, nagugulat na lang ako na sinasabi nila, isa raw sa dahilan kaya nagblog sila, dahil sa blog na ito. cool!

anyway, that is how i started at yan na rin ang development. so, saan patungo ito? hindi ko alam. titigil na ba ako? nope. habang may internet, habang may pagkakataon na magblog, magboblog ako. addict na eh. wala pa namang namatay sa pagboblog. alam ko, meron nang nawalan ng trabaho, meron na ring nasiraan at naging kriminal, pero yung namatay, wala pa. nasa katinuan pa naman ako ng pag-iisip kahit papaano. hekhekhek. i just can't stop myself not to write anything kapag nabobore ako. kaya hayan, tadtad ng post ang blog ko.

yun lang!

trabaho

sa May 1 daw, may mega job fair na isasagawa ang gobyerno sa quezon city hall from 8AM to 4PM. sa mga naghahanap ng trabaho, lalo na sa mga fresh graduates, punta na!

regarding job application, nareceive ko lang ito sa text message nung isang gabi.. most common mistake of a woman when asked in a job interview is to answer... "Kahit anong posisyon po sir, basta makapasok lang." hehehe!

ngayon, ito naman ang mga tip ko pagdating sa interview. common questions sa job interview, unang una dyan, tell something about yourself. hindi naman yan question eh, utos yan eh. anyway, sumunod ka na lang sa utos. tumayo ng tuwid at awitin ang "ako ay pilipino, may dugong maharlika. likas sa aking puso.. adhikaing kay ganda..." hehehe. i mean, sabihin ang nilalaman ng iyong puso, focus on positive things, educational background, job experience related to the position applied for at kung ano ano pa.

isa pang malimit itanong, "how do you see yourself 5 years from now?" sagutin mo ng, "i will still look at the mirror." hehehe. syempre ang sagot dyan, kung ano ang plano mo. ipakita na goal-oriented person ka. na may plano ka sa buhay mo. sabihin mo, 5 years from now, ako na ang boss dito at ikaw ay nagresign na dahil asar ka sa akin. hahaha. seriously, sabihin mo lang, pwedeng napromote ka na with bigger responsibility. pwedeng naipadala ka na sa abroad. pwedeng may-asawa ka na. basta, don't give the impression na gagawin mo lang stepping stone yung company for a better future. sakit kayang maapakan. hehehe. kailangan, kasama yung company sa mga plano mo. kahit naman sinong may-ari ng kumpanya, ayaw nya na yung mga empleyado nya, ang limit magresign. hassle sa kanila yun.

tama na yung tips, iba naman. dagdag info pala, try nyo ngang isearch sa google yung "tito aga". pinagtripan na naman ako ng google, sinubukan ko kasi, ito na naman ang una sa listahan. hahaha!

hanggang dyan na lang muna. magtatrabaho muna ako.

ako po ay nakikiramay sa mga naiwan ni chat silayan.

yun lang!

Monday, April 24, 2006

dagat

napansin nyo ba? ang haba ng araw ngayon. 5:30AM pa lang kanina, maliwanag na. tapos ngayon, 6:00PM na, maliwanag pa rin! lampas dose oras na maliwanag ngayon. kaya pala ang init ng panahon. nagpainit ka ng 12.5 hours, tapos, pinalamig ka lang ng 11.5 hours, kaya talagang mainit ngayon. ang sarap tuloy magtampisaw at maglublob ng katawan sa dagat. magtampisaw at maglublob, kasi, hindi ako marunong lumangoy, hahaha!

may company outing kami, malapit na. ang plano, sa batangas daw... wow, excited tuloy akong makarating sa batangas! hahaha! e taga batangas ako. sana, doon na lang sa laguna matuloy, or sa puerto galera, wag naman sa batangas, sawang sawa na ako sa lasa ng dagat doon, ang dami ko na kayang nainom na tubig-dagat doon, sa iba naman, baka iba ang lasa ng dagat sa ibang lugar!

yun lang!

perang naging bato

i'm back. andito na ulit ako. matapos ang isang linggong pakikipagsapalaran sa lupain ng mga singkit, andito na ulit ako sa normal na mundo ng mga kirat. hehehe. joke, isa lang naman ang kirat sa pilipinas eh. yung may-ari ng ratski. alam nyo ba na kaya ratski ang pangalan nung bar na yun, dahil nga kirat ang owner? ngayon, alam nyo na.

dumating ako kahapon at around 1:00PM at nakalabas ng airport around 2:00PM. walang hassle sa airport, unlike dati na pinabuksan pa yung bagahe ko, ngayon, tuloy tuloy lang ako hanggang exit. sinundo ako ng mga naghatid sa akin, kasama pa yung dalawa kong pamangking babae na makukulit. kararating ko lang, ang bungad kaagad sa akin pagsakay ko ng kotse.. "tito aga, pasalubong ko?" hehehe. syempre, kahit isang linggo lang ako doon ay bumili rin nga ako ng chocolate para dun sa mga bata. so, sabi ko, may dala akong chocolate. tuwang tuwa naman sila. pagdating sa batangas, hindi pa ako nakakabihis, pinapabuksan na nila yung bagahe. hehehe. hershey's kisses lang naman ang dala ko, kaya hayun tig-isang balot yung dalawa.

pagkatapos nun, natulog ako. nagising ako, around 8:00pm na, at maingay na dahil sa peryahan doon sa tapat ng bahay namin. sa ingay nila, hindi ko na maintindihan yung palabas sa tv na rated K. so ang ginawa ko, naghapunan na lang ako, tapos lumabas at nakigulo doon sa peryahan. hindi naman ako tumaya, nanood lang. kung tumataya sana ako, ang laki siguro ng panalo ko, kasi, hindi sumasablay yung mga hula kong tatama sa bito at color game eh. nagpaikot-ikot lang ako dun. may mga nakapansin sa akin na pinsan ko, ang sabi, "akala ko, nasa hongkong ka?" ang sagot ko, "akala ko rin nga eh. mali tayo ng akala." after siguro isang oras, umuwi na rin ako at natulog. isinarado ko na lang ang lahat ng bintana sa kwarto ko para hindi ko masyadong marinig ang ingay.

absent ako kaninang umaga. sumakit kasi ang ulo ko. pero pumasok na ako ngayong hapon. nag-ayos ng mga dapat ayusing papers. isinoli ang sobrang allowance. pera na, naging bato pa... =(. mali pala yun, pera na, nawala pa. ang sama naman kung yung pera, naging bato, ang bigat nun sa bulsa. allowance kasi, ibinigay na for 1 month, e since 1 week lang kami dun, syempre, isinoli ko yung sobra. buti na lang at hindi ko sya ginastos nung andun ako.

bago pala kami umuwi nung nasa hongkong pa kami, nagpunta kami sa central para gumala-gala. siguro, bukas, ikwento ko kung anong nangyari doon. may mga nakilala at nakakwentuhan din kasi kami doon, mga bagong kwento ng buhay na naman.

maiba ako, kung gusto nyong matawa sa panonood ng mga video, maraming magagandang video sa youtube. kailangan mo lang malaman kung ano ang magandang search phrase. i usually search for "miss swan", "mr. bean" and "spoof." i really enjoyed watching miss swan videos.

yun lang!

Saturday, April 22, 2006

kwentong computer

pumasok ako ngayong sabado, sayang ang OT. hehehe. actually, kailangan ko talagang pumasok. umalis kasi kami kagabi, hindi pa rin tapos yung mga thai. so, eto ako ngayon, inalam kung anong nangyari. may mga pending issues pa rin, and they cannot proceed daw with the development kung hindi maaayos yung isang problema. so, that's it, they are stucked unless that problem is solved.

ngayon, nagkopya ako ng mga kailangan kong files at ipinadala ko na sa server namin doon sa manila. maliit lang naman, around 45MB. nakakatuwa talaga and technology ngayon, kung dati, kailangan mo pang ikopya sa cdr ang mga files mo dahil masyadong mabagal ang internet connection, ngayon, hindi na kailangan. ilang minuto lang, naka-upload na doon sa server namin sa manila yung mga files ko. nauna pa sya kesa sa akin.

ngayon, young people have internet access. recently nga, may nakachat akong 12 year-old, blogger na. sabi ko nga sa kanya, when i was 12 years old, wala pa akong muwang sa computer.

natuto akong gumamit ng computer when i was 16 years old, after kong grumaduate ng high school! kahit nung high school kasi, wala kaming computer subjects, ang tingin ko pa nun sa mga marunong gumamit ng computer, mga nerds. hehehe. iba pa ang pinipindot-pindot ko noon. makinilya. hehehe. yung term paper namin nung high school, talagang type-written, makinilyado.

my first encounter with a computer ay nung dumating ang father ko from abroad, may dala syang computer. specs nya, pentium 133, 16MB RAM, 1GB hard disk, with sound card and cd-rom na rin. ang OS nya, windows 95. astig pa nun yang setup na yan, kasi, nung dumating yang computer ko na yan, 486 pa lang ang usong computer, and windows 3.1 pa lang ang meron sila. ang angas ko pa nun kahit ang alam ko pa lang gawin ay maglaro ng games. hehehe. matagal nang sira yung computer na yun, ipinagbili ko na yung sound card, sira na yung hard disk at nakatambak na lang sa bahay yung motherboard. sira na talaga. yung second computer ko, pentium 3, di ko na matandaan yung ibang specs. basta, ngayon, sira na rin sya, bumigay yung motherboard. pero andun pa sa bahay lahat ng peripherals, pwede ko pang buuin. wala lang time at pera. ewan ko, tinamad na akong ayusin, kasi, nasisira lang din, wala naman kasing gumagamit sa batangas, ako lang, e every weekend lang naman ako andun. kaya hayun, nakatambak lang din sa bahay. ang plano ko kasi, bili na lang ako ng laptop kapag nakaipon ako ng karampatang halaga, para kahit saan, nadadala ko saan man ako magpunta.

ok, balik ako sa nakaraan. ang unang nagturo sa akin na magcomputer, ang father ko. basic lang din ang alam nya na natutunan nya sa officemate nya. kasi, ang ginagawa nya lang kapag nagcocomputer sya, naglalaro ng solitaire with a background music of engelbert and humperdink, yung mga quando, quando, quando. hehehe. from there, self study lang ako. nagkaroon kasi ako ng computer subjects, 3rd year college na. natuto ako ng word, excel and powerpoint sa kakabasa nung help file at ng computer books na hiniram ko lang sa mga pinsan ko. hindi pa rin noon uso ang internet. mga mayayaman pa lang ang meron. most of my research, sa encarta encyclopedia cd ko kinukuha. yung printer ko noon, epson deskjet. sira na rin ngayon.

at ang unang virus na pumasok sa una kong computer, yung ala-eh virus. virus na ginawa ng isang batangenyong instructor daw sa UB. walang magawa ang lolo, ikinalat ang kanyang virus. at napasok yung computer ko dahil sinalpakan ng kapatid ko ng diskette nya galing sa school nila. hayun, kakaasar kasi yung virus na yun. habang nagtatype ako, may sumusulpot na word na "ala-eh" kung saan-saan. ang problema pa, hindi pa sya kilala ng mga sikat na anti-virus noon. nalinis lang yung pc ko dahil yung technician na gumawa nung pc namin, kakilala daw yung gumawa ng virus at binigyan sya ng kopya ng anti-virus. ayos din ngang magnegosyo ang dalawang kumag na yun, hehehe. yung isa ang gumawa ng virus, yung isa naman ang naglilinis, syempre with pay. tsk tsk tsk. masusunog rin sila sa impyerno, hahaha!

yun lang, half day lang ako ngayon, magsashopping muna ng konti.

Friday, April 21, 2006

worst case

alas dyes na ng gabi, andito pa ako sa opisina, kasama ang tatlo kong officemate at ang mga thais na kasama namin. hindi naman ako nagcocode, nagboblog nga eh, obvious ga? pinaghintay kasi kami ng mga thai, magsesetup na kasi sila ng system. eh, kanina, around 5pm, nung isinisetup na namin, log-in pa lang kami, ayaw nang gumana. hayun, troubleshooting na mula nun. at sabi sa amin, hintayin daw namin sila, kasi naman, mag-uuwian na kami bukas at sa linggo, dapat naman ay may natutunan ako sa pagpunta ko rito kahit paano. kaya heto, naghihintay pa rin sa kanila. sabi ko na nga ba eh, best case scenario yung plano nung meeting, ang lumabas ata, worst case ang nangyari. hehehe. kaya heto, sa halip na testing ang schedule namin ngayong maghapon dahil dapat, by 10:00AM, nakasetup na yung system, 10:00PM na, nagtotroubleshoot pa sila. at parang hindi pa maaayos ngayong gabi. bahala na si batman, basta, uuwi na ako sa linggo.

nga pala, nabasa ko sa inq7, tapos na ang demandahan ng pldt.com at pldt.com.ph. napagod na raw si kaimo. hehehe. sabi sa balita, there is no money settlement, hello!!! lokohin nyo ang lelong nyong panot. natural, may non-disclosure agreement eh, hindi talaga sasabihin kung nagkabayaran ba o hindi. obvious naman na talo sa kaso kung tutuusin ang pldt, malaki ang laban ni kaimo. kasalanan ba nya na nauna syang nagregister ng pldt.com na domain? bakit, kanila ba yung pldt na letters, sa buong mundo ba, wala nang may karapatang gumamit ng acronym na yun? sila lang ba? di ba?

sige, tama na, tito aga! uwi na ako! babay!

i shall return

uuwi na ako sa linggo sa pinas!!! yahoo! yehey! google! anong nangyari? nahuli akong nagboblog dito sa office! hehehe, joke! basta, may mga bagay-bagay na hindi na dapat isulat dito, highly confidential, basta sa lunes, nasa malate na ulit ako at gumagala-gala doon sa robinsons manila.

kay tagal ko mang nawala, babalik pa rin. babalik pa rin! parang ang tagal a. hehehe.

yun lang!

Thursday, April 20, 2006

welcome back

we had an early meeting this morning regarding our plan of attack on migrating a new system from development environment to production environment. andun lang ako, nakikinig, wala pa naman akong masyadong concerns. actually, i was trying to decipher the words that are coming out of their mouth. ang hirap kasing intindihin, ang labo talaga ng pronunciation nila. tempeyt nang tempeyt yung isa, yun pala, template. schedule lang naman yung pinag-usapan, mula ngayon hanggang friday. nagtataka lang ako kung paano sila magplano, they are planning on a best case scenario. lahat ng deployment, ok, lahat ng testing, pasado. they did not set aside a margin for error. parang lahat, they expect na it will run as smoothly as expected. well, bahala na, kung magkaerror siguro, bahala na si batman. hehehe.

kagabi, nagdinner kami sa isang chinese restaurant na noon ko lang napasok. lahat ng nakasulat ay in chinese characters, yung presyo lang ang nababasa ko. sabi ko nga, may kasama kaming translator, kaya ok lang. for the first time dito sa hongkong, hindi ko naubos yung inorder ko. pansit kasi na malalapad at maninipis na may kahalong beef. ok naman yung lasa, ang problema, sandamukal sya, ang dami. ang bigat pa sa tyan. hindi talaga kinaya ng powers ko. hindi ko na rin itinake-out yung natira, hindi ko na rin naman makakain yun pagdating sa flat.

kagabi, napanood ko sa Pearl channel yung Most Extreme. At ang topic nila, Top Ten Outrageous FLirts among animals. ang inabot ko na lang ay yung top 2 at top 1 eh. yung Top 2, isang uri ng monkey na kapag breeding season na, lumalaki at namumula ng pulang pula yung pwet ng mga female monkey to attract the males daw. hahaha! yung Top 1, african elephants. sabi kasi, once every four years lang daw lumandi ang mga babaeng elephant, and it just takes 2 weeks. so within that 2 weeks, anong ginagawa nila? they send infrasonic signals, sound waves na mga lalakeng elepante lang ang nakakarinig within an area of 250 square kilometers! so, yung mga lalake daw na elepante will try to look for the source of that signal, and since maraming elepante ang nakakasense ng signal, doon daw nangyayari ang pag-aaway ng mga elepante, matira ang matibay, may the best man win! dahil sa isang babaeng elepante, magkakagulo at magpapatayan ang mga lalakeng elepante sa paligid nya just to have her.

ibang topic naman... nag-expire na yung SIM card na binili ko dito, next week na lang ulit ako bibili. mura lang naman ang SIM card dito, ang bili ko dun sa ginamit ko last month na nagpunta ako dito, HK$38 lang, tapos, HK$38 din yung load nya, kaya parang libre lang yung SIM card.

ang daming nakablue from our company dito sa office. nagkataon lang, blue ang isinuot kong longsleeves, aba, at may tatlo pang nagsuot ng blue. para tuloy kaming naka-uniform, hehehe. sabay-sabay pa naman kami kung maglunch. yun ang talagang coincidence, wala naman talagang nag-usap na magbublue kami ng suot eh. nagkataon lang talaga.

i check my web tracker from time to time, tinitingnan kung saan nanggagaling ang mga hits ng blog na ito at kung ano ang malimit na binabasa. natuklasan ko, majority of my visitors came from search engines na ang hinahanap, video ni michael fajatin! chineck ko nga sa google, aba, at napansin ko nga na ito palang blog na ito ang nangunguna sa search result if you searched for "michael fajatin". tsk tsk. and the most popular page sa blog na ito, yung post ko about his video. hehehe. aba nga naman, at nakatulong pa si michael fajatin para sumikat ang blog na ito. hehehe. bakit ba ito ang una sa listahan? e andyan naman yung YouTube, pati yung website ng GMA 7. ewan ko nga ba, wala naman akong kamag-anak sa google. hehehe. hayan sa baba ang ebidensya.


yung title ng post na ito, para doon sa isa kong kaibigan na nagbalik. basta, yun na yun. =)

yun lang!

Wednesday, April 19, 2006

titanic two

this one is a spoof. ang galing ng pagkaedit, akala mo, totoo.


"jack is back"

yun lang!

idle mind

inaantok ako. matatapos na naman ang isang araw na wala akong masyadong ginagawa. pabago-bago kasi ng plano, sabi sa akin, ngayon daw ako ihahalo sa team, pero hindi pa yata. busy pa rin sila. bigla kasing naging tight ang deadline, parang feeling ko, feeling nila, mas madedelay ang development kung ihahalo pa nila ako sa kanila at this point in time, syempre nga naman, hindi naman ako computer na pagkainstall ng software, alam na ang lahat, hehehe. i still need time para maintindihan ang pinaggagagawa nila and before i could start accepting development tasks. e kung ganun ang mangyayari, sila na lang ang gagagawa nang lahat to meet the deadline at saka na lang nila iturn-over sa akin ang lahat kapag maayos na. yun ang nakikita kong scenario, kaya kahit ilang beses akong nagpapacute doon sa magiging boss ko, hindi ako pinapansin. sabi nya lang sa akin kahapon, they still need to plan, they have deadlines to meet. parang ang dating sa akin, maghintay ka na lang muna dyan. sabagay, kahit ako yung nasa lagay nya, hindi ko muna hahaluan ng asungot ang aking mga developers kung may tight deadline, tingin ko naman ay kaya pa ng mga programmers ko. saka na lang sya kapag ok na ang lahat, tutal, mahaba pa naman ang panahon para magturn-over. kaya heto, idle na naman ang kukote ko, idle minds are dangerous, kasi, kung ano anong pumapasok. hehehe. anyway, magsulat muna ako ng kung ano ano para mawala ang antok ko.

ang peryahan doon sa amin ay nag-umpisa nang mag-operate noong nakaraang sabado. ang masasabi ko, hindi sya peryahan kundi casino ng mahihirap. sugalan. wala namang rides na itinayo eh. puro sugal. may color game, bito, bingo at roleta. marami din namang taong nagpupunta, mga sugarol sa barangay namin at mga kalapit barangay. ok lang sana yung peryahan doon, kaso, ang ingay, malaking abala sa mga kalapit-bahay, karamay na kami sa mga apektado. anyway, minsan lang naman daw yan in 10 years, so, pagtyagaan na. hayan, kung gusto nyong hanapin ang bahay namin sa batangas, ang dali ng palatandaan. nasa tapat ng peryahan. yun nga lang, wala ako dun.

medyo maayos na ang pagkain namin dito. madali na kaming nakakaorder sa mga chinese restaurant. andito kasi ang officemate namin na marunong bumasa at magsalita ng chinese, so, sya ang aming interpreter, taga-basa ng menu at taga order. itago na lang natin sya sa pangalang heycel. hindi na ngayon kami nag-aalinlangan na pumasok sa isang chinese restaurant kapag kasama sya. medyo gumaan ang buhay.

hindi na masyadong malamig dito sa hongkong. pero nagdadala pa rin ako ng jacket, unpredictable pa rin kasi ang panahon. minsan mainit, minsan naman, lumalamig.

nakaroaming SIM ako dito kaya yung mga regular na nagpapadala sa akin ng forwarded messages, narereceive ko pa rin. pasensya na kayo kung di ako makareply, mahal kasi ang text dito. saka na lang ako babawi pag-uwi ko.

ang gaganda ng pangalan ng mga tao dito na makakasama ko sa team. parang pangalan ng mga character sa anime movie. andyan sina suchart, tanin, sakulrat, poowatep at chakafong. yung mga apelyido nila, ang hirap bigkasin, parang tongue twister, kagaya ng apelyido ni suchart, charoensirisopak. yung iba, wag na lang dahil hanggang ngayon hindi ko pa matandaan. behind the names are faces of people with fair complexion at mga singkit na mata. in fairness, cute si sakulrat, laging may nakaipit sa mahaba nyang buhok, mukha tuloy syang bata, pero wag ka, sya yung SA dito. ano kayang mangyayari kapag humalo na ako sa kanila? abangan.

naintriga ako sa AS/400 matapos makipag-usap sa magaling naming AS/400 developer na itago na lang natin sa pangalang raw-knee. ganun pala yun, parang COBOL yung codes. gusto ko tuloy pag-aralan, kaya hayun, nagsearch ako ng tutorial sa internet at hindi naman ako nabigo. yun nga lang, wala akong mapagpraktisan. naintindihan ko na ang mga simpleng commands sa AS/400. siguro, kung may mapapagpraktisan lang ako ay maiintindihan ko rin ito ng ayos. there's no human knowledge i can't understand, coz i'm a human too. kung naintindihan nila, kaya ko rin. yan ang paniniwala ko. kailangan lang ng sapat na oras para pag-aralan.

there's a newly launched site on the net that focuses on promoting english language among the filipinos. that's why i started speaking english on this paragraph. well, it's really a fact that english is already a part of our daily lives and for us to be globally competitive, we should learn the language. maybe, i should start blogging in english. hhmm.... no way! hehehe. mas trip ko pa ring magsulat sa tagalog. yang english, gagamitin ko lang kapag gusto kong gamitin. ang mahalaga, nakakaintindi, nakakapagsalita at nakakapagsulat ako ng english kung kinakailangan. still, filipinos are way ahead among other asians when it comes to english proficiency. nakarating na ako sa iba't ibang bansa at nakatalastasan ko na ang iba't ibang lahi gaya ng indiano, pakistani, thai, indonesian, saudi arabian, egyptian, lebanese, syrian, japanese, korean, chinese, kuwaiti at kung ano-ano pa. at ang masasabi ko, mas magaling pa ring mag-english ang mga filipino kesa sa kanila. considering na mga may pinag-aralang tao yung mga kausap ko, iba pa rin talagang mag-english ang mga filipino, sumusunod sa subject-verb agreement. am i rights? hehehe.

by the end of this year, if my budget and time permit, im going to publish a book. kukote in a book. samu't saring kaisipang naisulat ko. mga naisulat ko sa blog na ito na worth publishing. kahit ano, basta, bahala na. kung may bumili man o wala, wala akong pakialam, basta, at least in my lifetime, nakapagpublish ako ng aklat na mababasa ng sinoman pagdating ng panahon.

death wish, naisip ko lang, hindi ko lang alam kung masyado itong morbid, or kung tatanggapin kaya ng pamilya ko o ng mga tao ang idea ko. kapag namatay ako, gusto ko, ipacremate nyo ang katawan ko. tapos yung abo ko, ilagay nyo sa maliliit na plastic, yung plastic na lalagyan ng paminta kapag bumibili kayo sa palengke. tapos, lahat ng dadalaw, yun ang pinaka-souvenir nila, kasama ang baby picture ko. hehehe. at least, they have a part of me pag-uwi nila. weird.

yun lang!

Tuesday, April 18, 2006

true to life usapan

true to life usapan ng mga tao sa paligid ko, kasama na rin ako, matagal nang nangyari yung iba, ngayon ko lang naalala kaya isinulat ko dito.

katulong: kuya, bakit ba may checkpoint sa airport?
kuya: kasi, bawal ang pangit sa loob ng airport. kaya pag dumaan sa checkpoint ngingiti ka, ok?
katulong: opo, kuya.
(dumaan sa checkpoint)
kuya: hayan, ngiti ka at checkpoint na.
katulong: (ngumiti nga!)

-----

katulong: kuya, ang pangit ko yata ngayon.
kuya: hindi naman, nadagdagan lang ng konti.

-----

katulong: kuya, bakit hindi sila maniwalang may-asawa na ako?
kuya: kasi naman, walang maniwala na may papatol sayo. hahaha!

-----

kapitbahay: ang linaw ng tv ninyo ah, ang dami pang channel.
kuya: nakacable po kasi kami.
kapitbahay: nakacable din naman kami eh, pero ang labo ng sa amin, saan mo ba nabili yung cable mo? medyo manipis nga yung cable na gamit ko eh.

-----

siya: hello, are you a filipina?
babae: no. i'm an indonesian.
...
(mahabang
kwentuhan)
...
siya: can i have your number?
babae: for what?
siya: so that i can call you some time.
babae: no, i don't want.
ako: (ang hina ni kuya, hindi kinaya ang indonesian.)

-----

ako: pabili pong coke
tindera: ok, ipaplastik ko na ha
ako: wag na po, isoli ko na lang ang bote mamaya
tindera: baka hindi mo isoli, ipaplastik ko na
ako: isosoli ko nga, aanhin ko naman yun
tindera: sa plastik na lang at nauubos na yung bote ko
ako: sige po, sa iba na lang ako bibili
tindera: o sige, isoli mo na lang ang bote

-----

ako as trainor...

ako: CTADE stands for Computer Telephony Application Development Environment, therefore, it is an environment for developing computer telephony applications.
trainees: ano daw?

-----

training pa rin...

ako: this language is proprietary, you cannot find examples on the web.
trainee: where can we get additional information for this language.
ako: don't worry, the help file is very helpful.

-----

ako as instructor...

ako: that's our lesson for today. tomorrow, prepare for a surprise quiz.
estudyante: (tawanan) bakit nyo sinabi ay surprise pala.
ako: masosorpresa kayo sa hirap ng quiz. hehehe.

-----

as instructor pa rin...

estudyante: sir, pwede bang hindi alphabetical order yung pinapagawa nyo sa aming dictionary of computer terms?
ako: good idea! nagpapatawa ka ba?

checkbook

last february 22, nag-order ako ng checkbook sa EPCI bank thru their online banking. may checking account kasi ako sa kanila at naubos na yung cheke ko ay kailangan ko pang mag-issue ng cheke doon sa mga pinagkakautangan ko. doon sa application, hiningi nila ang driver's license id number ng kapatid ko whom i assigned na syang pipick-up ng checkbook kapag available na sya. successful naman yung application ko, may reference number, tapos, sabi, ifollow-up na lang daw sa branch kung available na yung checkbook.

after 1 week, ifinallow-up ko dun sa branch sa batangas yung checkbook, sabi nung nakasagot sa akin, wala pa raw. 2 to 3 weeks daw ang processing nun. so, ok lang, talagang wala pa. after 3 weeks, nagfollow-up ako, wala pa rin.

last week, pinatawagan ko ulit sa kapatid ko kung ready na yung checkbook ko, ang sabi ba naman sa kanila, wala naman daw akong request for the checkbook. so, sinabi nya, matagal na yung request, sa internet pa ako nagrequest. ang sagot ba naman sa kanya, kailangan daw, kahit nagrequest sa internet, i have to go personally sa branch para iconfirm yung request. yun ang sabi ng kapatid ko na sabi sa kanya. sabi ko, ganun? nakakaloko ata, may online request, tapos, pupunta ka pa rin dun? anong silbi nun, di ba? ang ginawa ko, hindi ako nagpunta. nag-online ako, kinuha ko yung email address ng epci at doon ako nagreklamo. ito ang email ko.

To whom it may concern:

I ordered for a checkbook online last February 22, 2006. The reference number is 0602220*****, but up to now, it is not yet available. I contacted EPCI Ba**n and they told me that I should go there personally to request for the checkbook.

What's the use of this online request if I still need to go there? I assigned my brother to pick-up the checkbook, but they told him that it is not yet in process, I still need to go personally to their branch to request for it. Kindly do something about this.

Thanks,
Marhgil




ngayon, nagreply na sila, ito ang sabi ng EPCI...

Greetings! Thank you for your message.

We shall be coordinatin with your branch of account regarding this concern. We shall get back to you as soon as we have received their reply.

Have a nice day!


Feeling ko lang, mukhang may masasabong manager ng EPCI sa Ba**n branch dahil hindi nila alam ang kanilang ginagawa. masasabon ang manager, babanlawan ang mga staff nya, hahaha!

yun lang!

my second trip to hongkong

warning: mahabang kwento.

andito na ulit ako sa hongkong. inihatid ako ng kapatid ko, ng mother ko at ng tiya ko sa airport. ang flight ay scheduled at 2:55pm, dumating kami sa parking area ng terminal 2 at around 12:00pm. tapos nun, pumasok na ako sa airport around 1:00pm. nauna na sa akin yung isa kong kasama na itago na lang nating sa pangalang harbee. nauna na sya sa pagcheck-in, nagtext sya sa akin, may reserved seat na daw ako. 41J.

wala namang naging problema sa pagcheck-in. tuloy tuloy lang hanggang makasakay ng eroplano. medyo delayed lang ng konti yung flight. nadelay ata ng 1 minute, hehehe. sa eroplano, sa economy class kami, the usual food, the usual settings. nakinig na lang ako sa radio stations nila, channel 3, kung saan nabayaran ata ito ng bmg records, halos lahat ng pinapatugtog nila, mga kanta sa album na ultraelectromagneticjam.

pagdating sa airport, walang problema, tuloy tuloy lang kami sa immigration. medyo natagalan lang yung paglabas ng mga bagahe. normal naman yun, mas abnormal naman na paglabas mo, kasunod na agad ang bagahe mo. pagkakuha ng bagahe, daan kami sa money changer, nagpapalit ng dollar, kung saan may nakausap kaming filipina na may hawak na makapal na librong nclex reviewer. doon daw sya magtetake ng exam. after magpapalit ng pera, daan kami doon sa nagtitinda ng octopus card. nagpareload si harbee, at ako naman ay bumili ng octopus card ko. HK$150, may initial charge nang HK$100.

tapos nun, naglakad na kami papuntang bus stop. while walking, sabi ni harbee, wag ko raw itong iboblog, hehehe, pero sasabihin ko na rin.. harbee.. pumikit ka na lang. hehehe. while walking papunta sa bus stop, sabi ni harbee, tigil muna daw kami. tapos, binuksan nya ang bagahe nya to get a stick of marlboro lights. nagyosi sya. adik talaga si kuya sa yosi, hehehe. talagang hindi na sya nakapaghintay na makauwi, hinahanap-hanap ng baga nya ang nicotine na magbibigay sa kanya ng panandaliang aliw. hehehe. pagdating sa bus stop, naghintay pa kami ng around 30 minutes bago dumating ang bus na sinakyan namin papunta sa aming flat.

sa bus, sa likod kami pumwesto. may nakatabi kaming 2 filipina, at dahil mahaba ang byahe, nakakwentuhan namin sila. actually, si harbee ang kakwentuhan nila, i am just a silent listener, tahimik na nakikinig na naghihintay ng magandang topic na maisulat dito sa blog. hehehe. sabi nung isa, single parent sya, at nagtatrabaho sya sa hongkong as dh para dun sa anak nya. elementary daw yung anak nya. yung isa naman, college na yung anak, malapit na atang grumaduate, nursing daw ang kinukuha. nung tinanong ni harbee kung bakit daw dito sa hk nagtatyaga, kasi daw, mas magaan ang trabaho, mas malaki ang sweldo. ang liit naman daw kasi ng bahay na nililinis nila. nakawashing machine din daw yung mga amo nila, so, hindi rin sila hirap sa paglalaba. hindi masyadong maalikabok dito sa hongkong, hindi ganoon kabilis magdumi ang bahay. kahit daw medyo mahirap ang trabaho, pagdating ng katapusan at matanggap ang sweldo, napapawi daw lahat ng hirap dahil malaki daw ang sweldo nila. when asked kung magkano ang sweldo ng dh dito, sabi nila, HK$3000 up to HK$6000 kung malakas ka na sa boss mo. may day-off din naman daw sila, nakakagala kung gusto nilang gumala. pareho silang maglilimang taon nang dh dito sa hongkong, and they seem happy with their job. sana naman, yung mga anak nilang pinag-aaral ay matutong tumanaw ng utang na loob, na pagkagraduate naman ay bigyan ng konting kaginhawahan ang magulang nila. at sana, hindi sila nagbubulakbol. kakaasar kasing makakita ng mga estudyanteng panay ang bulakbol samantalang dugo't pawis ang puhunan ng magulang nila mapag-aral lang sila. hayan, nagsenti na ako...

after hours of talking, dumating na rin kami sa aming destinasyon at naghiwa-hiwalay na kami. tapos, napag-usapan namin, kain muna kami ng hapunan bago kami magpunta sa flat namin. dumaan kami sa mcdo para kumain. matapos kumain, sabi ni harbee, dun muna raw ako sa flat nila, bago tatawagan na lang daw namin yung magiging kasama ko sa flat (si sincha) para makuha ko yung susi. akala ko, ok na ang lahat, pero hindi pala. pagdating namin sa flat nina harbee on 16 floor, walang tao, nakalock yung pinto. so, bumaba kami. tinext ko si sincha, di nagrereply. tapos, tinext ko yung kasama ni harbee, hayun, tinawagan sya, nasa office pa raw sila. grabe, ang sipag nila. tapos nun, since tinatamad na akong maglakad, si harbee na lang ang nagpunta sa office. naghintay na lang ako doon sa lobby. while waiting, dumating si sincha, nakita raw nya si harbee, naandun daw sa circle k (kalaban ng 7-11), ibinigay nya sa akin ang susi ng flat, tapos, babalik pa raw sya sa office. after siguro mga 30 minutes, dumating na din si harbee, may dala na syang susi. hindi ko kasi sya maiwan dahil nasa akin yung bagahe nya. pagkatapos nun, naghiwalay na kami, doon sya sa tower 8, 16th floor. ako naman ay sa tower 2, 61st floor.

pagdating ko sa 61st floor (ang taas, pwede mo nang idrawing ang hongkong kapag andun ka! hehehe! joke!) diretso na ako sa kwarto ko. nag-ayos ng gamit, tapos nag CR. buong akala ko, ako pa lang ang tao doon sa bahay dahil nga daw ay babalik pa si sincha sa office. nagulat na lang ako nang paglabas ko ng CR, biglang bumukas yung pinto sa master's bedroom at lumabas sya. hehehe. nagulat talaga ako. akala ko, may lumabas nang white lady eh. umuwi na pala sya habang naghihintay ako kay harbee. hehehe. pero after that, lumabas pa rin sya, babalik pa raw sya sa office at may kailangang tapusin. ako naman, inayos ko yung gamit ko, at nagplantsa ng konting longsleeves na isusuot ko for 1 week.

ngayon, andito ako sa office, nakipag-usap na sa mga makakatrabaho kong mga thai. well, napansin ko lang, nakakaloko ang mga ngiti ng mga officemate ko nung malaman na yung mga thai ang makakatrabaho ko. sabi pa nila, good luck. hehehe. sana nga, magkaintindihan kami. anyway, naisaksak ko na naman sa kukote ko ang ibig sabihin ng sipatpat at ekemel. hehehe. busy pa raw sila today, tomorrow daw nila ako bibigyan ng task. kaya heto, nakasingit magblog. hehehe.

yun lang!

Saturday, April 15, 2006

friendster, traffic, peryahan, anniversary wish

andito ako sa sm batangas, walang magawa sa bahay, ang init, kaya dito na lang ako nagpunta. andito ako sa netopia. nag-iinternet, obvious ba?

sa mga nagfefriendster sa mga computer shop na kagaya nito, warning lang po, pakilog-out naman pagkatapos nyong gamitin, or else, paglalaruan ko ang account nyo. hehehe. hindi ko naman babaguhin ang password, you can still access it, lalagyan ko lang ng shout-out na "engot ako kaya nahack ang account ko." yun lang naman, though nakakatempt na palitan ko ng picture ng unggoy yung account mo, hindi ko pa naman ginawa yun. hehehe. hanggang shout-out lang yung ineedit ko, at least, para next time paggamit mo ng friendster, hindi mo na makakalimutang maglog-out. hindi ko pa rin naman alam yung password mo, ang naging problema mo nga lang, iniwan mong bukas ang pinto kaya nakapasok ako. ok? after ko malagyan ng shout-out, e inilolog-out ko na rin naman at syempre, yung friendster account ko yung gagamitin ko. binabago ko nga lang yung shout-out para naman matuto ka na you need to log-out everytime you log-in.

last thursday, 7am ako nakaalis ng manila, dumating ako sa batangas ng 10AM. traffic talaga, yung dating dalawang oras na byahe, naging tatlo. 1 km from the slex tollgate, usad pagong na eh. pagkalampas ng toll gate, usad pagong pa rin. bumilis lang nung pumasok na ako ng STAR tollway. ang dami kasing gustong magpunta sa laguna at batangas. ano bang meron dun? dun lang naman ako nakatira sa batangas.

doon sa tapat ng bahay namin ay may itinayong peryahan. malapit na daw kasi ang fiesta, sa june 11, kaya daw nagtayo na ng peryahan. sa totoo lang, hindi pa ako nakapasok ng peryahan, first time siguro kapag natripan kong puntahan yung nasa tapat ng bahay namin. speaking of fiesta, wala kaming handa sa fiesta, coz we don't celebrate it. ok? hehehe, punta na lang kayo dun sa kapitbahay namin. engrande raw yung fiesta kasi, once every 10 years yata sila kung magfiesta, kung di ako nagkakamali.

bukas nga pala ay 29th wedding anniversary ng inay at ng tatay ko. kaya ngayon pa lang ay babatiin ko na, hindi na ako makakapagblog bukas eh. Happy 29th anniversary po! ang wish ko, sana, magkaroon pa ako ng kapatid na babae. ehehehehe, pwede pa ba? malay nyo, di ba? e di menopause baby sya. hehehe, walang imposible, si abraham nga at si sarah, ilang taon na ba sila ng mabuo si isaac? seriously, yun talaga ang wish ko. hehehe!

yun lang!

Thursday, April 13, 2006

TextMail


(bakasyon) Bakasyon muna sa pagbblog. Ang sarap ng halo-halo sa chowking!

-----
This message was sent using TextMail. To know more about TextMail, visit http://www.mysmart.com.ph/

Wednesday, April 12, 2006

wala ako sa mood magsulat

1:30PM na, uwian na! oo, halfday kami ngayon, kaso, hindi pa ako makauwi, hinihintay pa yung kasama namin na nagwiwithdraw sa bangko ng allowance namin sa hongkong. kasi, sa monday, diretso na ako sa airport papuntang hongkong. ayos, bakasyon engrande, tapos, diretso hongkong. pero sigurado, santambak na trabaho na ang kakaharapin ko dun. sa gabi na lang siguro ako makakapagblog. pero sure, magboblog pa rin ako, sa ayaw nyo at sa gusto. hehehe.

dun sa mga nagtatanong kung sino ang babae doon sa previous entry ko, hindi ko sya kilala. hayaan nyo at kapag naging friend ko na sya ay ipapakilala ko kayo sa kanya. hehehe.

uwi na ba ako ng batangas ngayon? siguro, mamaya na lang gabi or bukas ng umaga, depende sa kung anong mangyayari paglabas ko dito sa office, hirap makipagsabayan ngayon, siguradong traffic.

yun palang picture ng EB namin nina tekla and clown, siguro, next week ko pa maipost, di ko pa naitransfer sa pc ko eh. sobrang busy sa work eh. hehehe.

plano ko ngayong bakasyon? wala. bahala na, siguro, punta rin akong beach. kahit saan doon sa batangas, malapit lang naman sa amin. or makapagpahukay na lang kaya ng swimming pool doon sa likod bahay namin? whatdoyouthink? bahala na.

nung isang araw, may dumaan sa aming bahay sa batangas, special offer, nagtitinda ng milo. pagdaan sa amin, sabi ko, pasensya na po, ovaltine ang iniinom ko.

nung isang araw pa rin, nasa bahay namin ang tiya ko at ikwinento kung paano nawala ang cellphone ng anak nya. naiwan lang daw sa bahay nila nung gabi, nung umaga, wala na. tsk tsk. sabi ko, baka may ibang pumasok sa bahay nila. wala daw. e paano nawala? di raw nila alam. tsk tsk. sabi ko na lang, baka may kasama kayo sa bahay na dwende, hiniram muna yung cellphone nya dahil kailangang magtext.

nung linggo, drive ko yung kotse ko sa pagsamba, nakita ako ng tiya ko. tinanong nya ako, "bakit hindi pa sumabay si janice (hipag ko) sa kotse?" sabi ko, "mabagal kasi syang tumakbo, hindi sya aabot kung sasabay sya."

sabi ni tekla, kapag kinasal daw pala ako, invited lahat ng blogger. sabi ko, oo, kapag hindi sila umattend, aalisin ko ang links sa sidebar. hahaha.

wala na akong maisip isulat. saan kaya makapunta paglabas ko? ewan ko. bahala na. kung saan ako dalhin ng kotse.

yun lang.

my humps

this girl is hot! wala lang, ano kaya ang nakain nito at nagkaganito sya? hehehe. pero infairness, maganda sya, she deserved a space in my blog. hahaha!




yun lang!

guess who

last night, nagdinner kami ng mga officemates ko sa dencio's doon sa robinson's. kung napadaan kayo doon at may nakita kayong maiingay na nagkekwentuhan, kami yun. dalawang higante, singkit yung isa, yung isa, cute, hehehe, isang mukhang tao, isang high school student at dalawang diwata. naisipan lang naman naming kumain dun dahil pare-pareho kaming bagong sweldo. ewan ko sa mga ito, kapag nag-uusap sila, laging ang sabi, baka bukas, nasa blog na ito, hehehe. well, hindi ko naman isusulat ang mga napag-usapan. basta kumain kami at nagpakabusog. yun lang.

on other matters, para sa mga officemates kong nagbabasa nito, ito naman ay with the permission of the concerned party, ewan ko lang kung pumayag yung estatwa. hulaan nyo daw kung sino ito.clue, good boy sya, yun ang sabi nya. hahaha!


"good boy"

Tuesday, April 11, 2006

huling post sa araw na ito

gutom na ako nun, kaya pagkuha ko ng bigmac meal, naubos ko kaagad. then biglang nagcomment yung isa dyan dun sa isa. kuya, ang bagal mo palang kumain. kaya pala ang payat mo. tanong ko sa kanya... nagpaparinig ka ba? hehehehe. mukhang dinadaan ako sa reverse saykolodyi eh.

yun lang. uuwi na ako. bukas, last day na at bakasyon engrande na! saan kaya makapag-outing? actually, this week is just another ordinary week for me coz i don't celebrate the holy week. oi, diavoyz... anong plano? buzz nyo na lang ulit ako bukas.

bagong tunog

binago ko na ang unang tugtog sa background music ko, sawa nako sa wowowee. inilagay ko na sya sa dulo ng playlist. ito yung lyrics ng bagong kanta... hindi ko alam ang title, trinanscribe ko lang directly from the song, tutal, maigsi lang naman.

nescafe theme
bamboo
sun is up, i've got so many things to do...
but it's alright (it's ok) i know today
is gonna be a good day (be a good day)


wake up (wake up) it's a beautiful morning...
get up (get up) fell the sunshine near ya...
wake up (wake up) it's just beautiful...
one good day coming up! one good day coming up!

speaking of bamboo... kanya ba yung bamboo organ sa las pinas? a ewan. sabagay, dapat, bamboo's organ yun kung kanya yun. hehehe.

yun lang!

puso o isip

natuturuan ba ang puso? yan ang tanong nila. ang sagot ko, hindi. ewan ko sa puso nyo, pero yung puso ko, hindi ko natuturuan. hindi ko pwedeng sabihan na tumigil na sa pagtibok, hindi ko pwedeng sabihan na magpahinga ka muna. kahit nga natutulog ako, tumitibok yan eh. may sariling isip. mula nung mabuo yan hanggang ngayon, patuloy ang pagtibok, at walang paki sa iba, basta, andun sya, titibok ng titibok hanggang gusto nya. saka lang yan titigil kapag patay na ako. so, hindi talaga natuturuan ang puso. hindi kagaya ng isip, pagkapanganak pa, wala pang masyadong alam, tapos, sa paglipas ng panahon, dumarami ang nalalaman, dahil natuturuan ang isip. pero ang puso, hindi. kahit sa usapan ng nararamdaman, hindi mo pwedeng turuan ang puso mo. pwede mo bang sabihing mahal mo sya kung ang tinitibok naman ng puso mo ay iba? hindi, di ba? a ewan, ano ba naman itong entry ko. nagiging senti. ito kasing isa dito, kanina pa nagtetext sa akin, ano raw susundin nya, puso o isip? sa akin pa nagtanong. e ito lang naman ang sagot ko dyan... kung saan ka masaya, suportahan taka. yun lang!

holy week

kanina, nagbigay na ng payslip dito. pagcheck ko ng account balance ko online, aba, at may sweldo na! ang aga namang magpasweldo. sana, linggo-linggo, holy week. para laging maagang magpasweldo at monday to wednesday lang ang pasok, hehehe.

imagine, kung linggo-linggo ang holy week, ang babait ng mga tao, halos lahat, nagpapakabanal. halos lahat, nagtitika sa kanilang mga kasalanan.

sana nga, linggo-linggo na lang ang holy week.

let's make every week a holy week.

yun lang!

sms spam

Dati, may nagtatanong sa akin, ano daw magandang thesis. Wala akong maisip. Pero ngayon may naisip na ako. Nagsearch ako sa internet, wala pa akong makitang application na pwede kong install sa cellphone ko para i-block ang mga lintek na SMS-Spam na ito. kahit may DTI permit pa yan, spam pa rin yan sa paningin ko. istorbo sa akin, pampagulo sa inbox ko. spammers should go to hell.
from: 6800
Message: WOW: Q: MYMP Can you tell them where it hurts? If ur answer is YES, send WOW Y to 6800; WOW N for NO and get a chance to win WOW Magic Sing o P100,000! 2.50/tx WOW OFF to unsubscribe. DTI Permit 4356 S05 Promo till 6/15/06

from: 09178902327
Message: HSBC : Transfer your non-HSBC card balance to your HSBC credit card and enjoy as low as 0.88% monthly add-on interest rate. Call (02) 8787878 for details.

from: 6800
Message: WOW: Q: Zsa Zsa Padilla - Did she revive "We're All Alone"? If ur answer is YES, send WOW Y to 6800; WOW N for NO and get a chance to win WOW Magic Sing o P100,000! 2.50/tx WOW OFF to unsubscribe. DTI Permit 4356 S05 Promo till 6/15/06

from: 386
Message: Join Clover Megatexter Promo and WIN P10,000 CASH! True or False? Xavier School is exclusive for girls. Reply with MEGA T or MEGA F! MEGA OFF to opt out

from: 235
FREE tone 4 u! MT1 MyHumps MT2 Ulan MT3 PinoyAko MT4 High Plus FREE horoscope wh u sbscribe 2 cool calendar logos! P2.50/dy Txt code Ex MT4 4 poly add P Ex PMT4
hayan, kung makakagawa kayo ng application na ganyan, anti-sms-spam, isa ako sa unang kokopya nyan. basta ibigay nyo lang ng libre.yung automatic, kapag nareceive ko yang mga spam na yan ay delete kaagad, hindi ko na maririnig na mag-SMS alert pa yung cellphone ko. hehehe. since naisip ko lang ito at baka may gumaya, magpaalam naman kayo sa akin kung gusto nyong gawin yan, ok? kung hindi, idedemanda ko kayo. hehehe. hayan, nilagyan ko ng copyright ang isang ito. kapag wala akong magawa at sinipag ako, ma-iprogram nga yan. sana, sipagin ako. yun lang!

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 2.5 License.

reformat your cellphone

paano magreformat ng series 60 nokia phone? yan ang isa sa inalam ko dati dahil minsan na ring nagloko ang cellphone ko, yun bang pagka-open mo, hindi na sya magtuloy, talagang naghang na. dadalhin ko na sana dati sa pagawaan ng cellphone, kaso, naisipan kong magresearch muna sa internet. at natuklasan ko sa isang forum ang three-finger reset. hehehe. madali lang, turn-off your phone, press *, 3 and call button simultaneously while you turn-on the phone. tapos hayun, makikita mo na, formatting na sya. after magreformat, ok na ulit sya, good as new yung software, as in, burado lahat pati contacts at messages.

kanina, may nagpareformat sa akin ng phone nya na navirusan, simple lang naman yung ginagawa nung virus, nagpapadala lang naman ng mga MMS message sa kahit sino, sex ang topic. buti na lang at naka-off yung MMS ng phone nya, kaya laging failed, pero syempre, lagi mo ring makikita sa outbox yung ginagawang kalokohan ng virus na yun, and it is consuming phone resources. so, nireformat na lang namin. 3230 yun, hanap ulit ako sa internet kung paano at natuklasan ko ito. sinunod ko lang yung instructions, at hayun, burado din lahat, pati virus, pati contacts at messages nya. hehehe, anyway, pinaback-up ko naman sa kanya yung contacts. hayun, ok na ulit, sana nga, ok na.

yun lang!

Monday, April 10, 2006

kyu-ey

QA. quality assurance. yan ang isa sa trip kong trabaho, which i think is mag-eexcel ako. bakit? e matalute ako eh. isang tingin ko pa lang, kita ko na kung may problema sa ginawa mo, e di lalo na kung susuriin ko pang mabuti. pulaero din ako, lalo na sa mga software.

ano ba ito? nabigyan lang naman ako ng task na magQA ng isang module ng isang system. hindi naman ako ang gumawa ng test script. nagexecute lang ako ng plan, tapos, sasabihin ko kung passed or failed. nung markahan ko ng failed at lagyan ko ng paliwanag kung bakit failed, e mali daw. dapat daw e pass. e ako ang nagQA, marunong ka pa sa akin? it did not pass the quality i want, gusto mo, markahan ko ng pass? hello? nagpaQA ka pa kung ikaw din pala ang masusunod. kung under your standards, pasado na yan, well, mas mataas ang standard ko eh. malas mo. or swerte mo nga, dahil kapag nakapasa ka sa QA ko, your software is of a better quality, hehehe.

yun lang. uwi na ako.

commercial muna

check nyo ang blogswap.org, cool sya! good idea. sa halip na maghintay ka ng cheke kakadisplay ng mga ads sa blog mo, hayan, kada display ng ads from them, yung blog mo, pinopromote din nila sa ibang member ng blogswap. wala kang kita, pero makikita naman sa ibang blog yung link mo, kahit di mo kilala, basta member ng blogswap. so, pano? join na! libre lang to!

yun lang!

resibo ng gatas ni hudas

sabi ng kapatid ko dun sa panganay nyang anak, "ineng, tama na ang pag-inom ng gatas ha? malaki ka na kasi." (she's 3 years old). sagot ng pamangkin ko, "bakit ang nanay (lola), tanda na, inom pa ng gatas?"

hindi ba SOP dapat sa mga gasolinahan na magbigay ng resibo? bakit kailangan pa nilang itanong kung gusto ko ng resibo o hindi? dapat, automatic na yun, di ba?

may natuklasan na daw na gospel of judas. nabasa ko sa philippine star yung article about dun last saturday. kaninang umaga, ito rin ang tinatalakay ni korina sanchez sa radyo, narinig ko kasi pagsakay ko ng fx papuntang office. lumalabas daw kasi na judas did not betray jesus. sumunod lang sya sa instruction ni jesus. hhmmm, interesting. sabagay, kung ang usapan nga naman nilang dalawa ay secret, sila na lang ni jesus ang nakakaalam nun. hindi rin naman natin masisisi sina matthew, mark, luke and john, kasi nga, hindi naman nila alam ang usapan nung dalawa. anyway, malalaman din natin ang katotohanan pagdating ng panahon. ganunpaman, naniniwala pa rin ako sa matandang kasabihan sa dyip "God knows HUDAS not pay."

yun lang!

sabado

work muna bago blog, syempre, yan ang pananaw ko. kaya kapag ang dami kong post, ibig sabihin, wala pa akong masyadong ginagawa dito sa work. pero kung konti na lang ang post ko, hayan, may pinagkakaabalahan na ako. ngayon, may pending task na ako, still waiting for the concerned party, kaya heto, blog muna. magQA daw ako, e sabi nung kausap ko, maghintay daw ako ng 30 minutes, isesetup pa raw nya, kaya heto, nakasingit ng blog. hahaha.

natuloy ang pagkikita namin nina tekla at clown. the initial plan ay pupuntahan ko sila sa kanilang mahal na paaralan, pero nagbago ang plano nang mareceive ko ang text ni tekla. sa sm batangas na lang daw kami magkita, for reasons i cannot reveal here. hehehe. basta, umeskapo daw sila.

dumating ako sa sm batangas around 1:30PM. tapos, tinext ko na sila. ang reply nila, andun daw sila sa department store sa second floor, asan daw ako, sila na lang daw pupunta. nagreply ako, sabi ko, naglalakad pa ako. and i've decided na magpunta doon sa second floor para huntingin sila. madali ko naman silang nakita, e itinatak ko na sa aking pornographic memory ang kanilang mga larawan sa kanilang mga blog eh, kaya hayun, malayo pa lang, alam kong sila na.

so what happened then? wala, kumain kami sa pizza hut. ipinakita ni tekla ang kanyang kakaibang talent sa pagpapatas ng salad. hahaha. lugi ang pizza hut sa kanya, sa dami ng salad na kinuha nya. as in, umaapaw sa lalagyan, hahaha! yung evidence, ipost ko tomorrow, or sa wed, bahala na, kailangan ko pa ring bumili ng memory card reader eh.

ok naman silang kakwentuhan. syempre, ano ba namang magiging topic kundi ang blog, ang mga blogger, ang trabaho, ang buhay-buhay. tapos nun, naghiwa-hiwalay na kami at kanya kanya nang uwi. manonood pa raw sila ng ice age 2 eh. hehehe.

pero di pa ako umuwi. gumala pa, ang aga pa kasi. napakaskas pa ang aking utang card, may nakita kasi akong bagay na matagal ko nang gustong bilhin, eh nakita kong mura lang pala, hayun, kinuha ko na. sa Mayo pa naman ako magcacash out.

umuwi ako, dumaan sa car wash at ipinalinis na yung kotse kong dirty black na ang kulay. tapos nun, umuwi na talaga ako at nanood ng grand finals ng little big star. talo ang bet kong si makisig, nagkulang sa bihis. hahaha!

yun lang!

consider this

The first text message I received this morning from a blogger friend.
Consider this: If you have food, clothes and a home, you are richer than 75% of the world; if you have some money in the bank, you are among the top 8% of the world's wealthy; if you woke up healthy this morning, you are more blessed than the one million who will not survive this week; if you have experienced peace and freedom, you are ahead of 500 million people in the world; if you can read this message, you are more blessed than over 2 billion people who cannot read at all! Won't you thank God for how blessed you are? Good morning!
I don't know if the data mentioned are accurate, but indeed, this is one of the reasons for me to smile and go to church every week , not only during holy week.

yun lang!

Friday, April 07, 2006

ako at sya

conversation sa text, sa chat, at sa personal na buhay. yung ako ay ako, yung sya, iba't ibang taong nakausap ko, or nakasalamuha. basta, yun na yun.
ako: bakit hindi kayo natuloy sa boracay?
sya: kasi, napostponed eh.
ako: huh? parang inenglish mo lang ang tanong ko eh.

---------------------

sya: gusto kong panoorin ang moments of love, kaso, tagalog sya. hindi kasi ako nanonood ng tagalog movie eh.
ako: itranslate mo na lang. pwede na yun, english naman yung title.

--------------------

sya: ang sarap magswimming.
ako: oo, lalo na kapag marunong kang lumangoy.

--------------------

sya: anong attire bukas? baka naman nakabarong ka pa?
ako: hindi. magbabahag na lang ako.

--------------------

sya: doon ako sa bahay nyo matutulog ha.
ako: ok. doon ka rin gigising?

--------------------

sya: hello, asan ka?
ako: andito, malapit sa cellphone ko.

--------------------

sya: bakit hindi mo dinala ang kotse mo?
ako: ayoko. mabigat.

--------------------

ako: nalilink kasi sya doon sa isang sikat na artista.
sya: sino?
ako: hindi ko matandaan ang pangalan eh.
sya: saan sya lumalabas?
ako: sa tv
sya: ang gulo mong kausap

--------------------

ako: (nagdadrive)
sya: (giving directions) hayan. ikot ka dyan.
ako: mahirap umikot, nakaseatbelt ako. hindi ko kaya.

--------------------

sya: marunong ka bang lumangoy?
ako: hindi.
sya: mahirap ka palang kasama sa beach. kapag nalunod ako, hindi mo ako maililigtas.
ako: malakas akong sumigaw. sisigaw na lang ako ng HELP!

--------------------

sya: kumusta?
ako: ito, gwapo pa rin. ikaw?
sya: ito, cute pa rin.
ako: ang tae, kapag maliit, cute din. hahaha!

-------------------

sya: thank you very much!
ako: you're welcome very much!
yun lang! happy weekend!

terminator

nakita ko ito sa youtube as i searched for funny videos. matuloy kaya ang holy week kung ganito ang nangyari? just for laughs, ok? no offense meant. pontius pilate at 10 o'clock! boom!




terminator

sa zoo

niyaya mo akong mamasyal sa zoo. ang sabi mo kasi, kailangan mo ng kasama. sumama naman ako, kasi, crush kita, noon pa. kunsabagay, gusto ko na ring magka-alam mo na. pagkatapos, kumain tayo sa labas. ikwinento mo ang 'yong nakaraan. iniwanan ka pala ng 'yong boyfriend. kasi, ayaw nya ang bago mong buhok. mahal ka ba nya talaga? mahal ka ba nya talaga?

inaliw kita. tawa ka nga ng tawa eh. sinabi mo, huwag kitang iwan. ayaw mong mag-isa. ok lang sa akin, abutin man ng umaga. lahat ay gagawin, para ka lang mapasaya. mahal ka ba nya talaga? mahal ka ba nya talaga? mahal ka ba nya talaga? mahal ka ba nya talaga?

ako, mahal kita. mahal na mahal, mahal na mahal, mahal na mahal, mahal na mahal. natatandaan mo, ang saya natin no? sa zoo. sa zoo. sa zoo. sa zoo.

taken from Senti - Yano

interview

ituloy ko na ang series of articles ko para sa mga newly grads... hehehe. nakakadalawa na tayong session, at nasaan na tayo ngayon? nasa interview part na. anyway, ito naman ang mga tips ko sa interview. i assumed na ready ka na, nakapagsuklay na and everything at naghihintay na lang na tawagin ka mismo doon sa office ng mag-iinterview.
1. since maaga kang dumating at natapos mo na yung mga dapat tapusin (pagpunta sa cr, pagsuklay ng buhok, retouch, etc.) maghintay nang matyaga sa lugar kung saan ka pinaghintay. minsan, yang mga interviewer, paimportante effect pa. they will not call you on time, siguro, mga 15 minutes ka pang maghihintay after lumipas ang scheduled time, and worst, minsan, lalampas pa ng isang oras. oo, may mga ganyan, i'm talking based on personal experience. ok lang, talagang ganyan. smile ka lang, kunwari, hindi ka naiinip. makipagkwentuhan ka muna sa mga kasabay mong scheduled for interview rin, magtanong-tanong kung saan pa sila nag-aapply, at kung maganda/gwapo at kursunada mo, ask for his/her number. hehehe. nalayo ata ako. what i mean is huwag kang tumungangang parang tanga kung may makakausap ka naman. minsan, may mga magazine at dyaryo sa waiting area, hayan, magbasa-basa ka muna, pangtanggal inip.

2. habang naghihintay ka pa rin, i-silent mode mo ang cellphone mo. make sure na nakasilent mode yan. para hindi istorbo kapag iniinterview ka na. baka kasi kainitan ng kwentuhan nyo nung interviewer ay biglang may magtext sa 'yo, tapos ang message alert tone mo ay yung may pangit na nagtext! mawawala ka sa focus, at baka magkatawanan pa kayo, sabay talsik ang laway mo, nakakahiya. hahaha!

3. hayan, kapag dumating na yung time na tinawagan ka na, pumasok sa office ni interviewer, smile ka. sigurado naman, babatiin ka nyan at pauupuin, minsan, kakamayan ka pa. ang sama naman na iniinterview ka ng nakatayo ka. hehehe, ano yun? audition ng pbb? kapag pinaupo ka, e di maupo ka, and don't forget to say thanks, sabay smile ulit.

4. ngayon, syempre, sya ang unang magsasalita. tingin ka lang sa kanya. relax. alisin ang kaba sa katawan. isipin mo, artista ka at iinterviewhin ka lang ni kris aquino or ni boy abunda. hayan. smile ulit.

5. syempre, interview yan, it is more of a Q and A. bago sumagot, isipin muna ang sasabihin. at tumingin sa kausap. huwag parang tanga na nagrerecite ka ng sinaulong tula. huwag tumingala or tumungo. tingin sa kausap, tunawin mo sa titig sa mga mata, hehehe, at sabihin ang sagot sa mga katanungan sa hindi kalakasan at hindi rin naman kahinaan na boses. kung hindi narinig nang maayos ang tanong, or kung hindi naintindihan, hindi masamang ipaulit ang question, pero sana naman, sa pangalawang ulit ay magets mo na, dahil sa pangatlo, maaasar na sa iyo yan. sasabihan ka na ng bukas, may parada ng mga bingi, kasama ka. hehehe. kung gustong ipaulit, just say i'm sorry, na tunog nagtatanong, para professional ang dating. please repeat the question, pardon, luma na yan, wag mo nang gagamitin yan. basta, sabihin mo, i'm sorry, at uulitin nya ang question.

6. kung yes/no question, don't just say yes or no. elaborate. explain. dapat ganun. kapag tinanong ka ng why? don't say why not? saka mo na lang gamitin yang why not kapag tanggap ka na, hehehe. nag-aapply ka ng trabaho, show them na may kukote kang gumagana.

7. kapag tapos na ang interview, usually, ikaw naman ang sasabihan nila ng do you have any questions? sabi ng karamihan sa mga nabasa kong interview tips nung panahong kasipagan pa ako ng pag-aapply, dapat daw, magtanong ka. about the company, etc, etc. pero hindi ko sila sinunod. kapag tinatanong ako nyan, sasabihin ko, wala. pero minsan, naiisip kong itanong, pwede bang magblog sa company nyo? hehehe. pero di ko naman ginagawa yan, naiisip ko lang, blog addict eh. so, it's up to you, kung gusto mong magtanong, eh di magtanong ka. tapos, pagsagot nya, sabihin mo, can you explain further? elaborate. hehehehe. gumanti ba?

8. sabi nila, kung english ang tanong, english ang sagot. kung tagalog ang tanong, tagalog ang sagot. ewan ko kung totoo yan, pero sinusunod ko yan.

9. kapag tapos na ang interview, makipagkamay at magpasalamat. sasabihan ka naman nila kung kelan ka nila tatawagan kung pasado ka. bago umalis, icheck mo lahat ng dala mo kung dala mo na rin pauwi, like yung cellphone mo, or pen mo, or yung mga papel mo. baka kasi tanggap ka na sa isip nila, tapos biglang magbago, kasi, bumalik ka dahil naiwan mo ang pinakamamahal mong cellphone. bawas pogi points yun.

10. bago ka pa rin umuwi, isoli ang mga magazine at dyaryo na kinuha mo para basahin habang naghihintay ka. huwag mong iuuwi, nakakahiya ka. hehehe.
ok, that's it. common interview questions and answers, next week na kapag sinipag ulit ako.

yun lang!

related post: preparing for interview, for newly grads

isko vs isko

nanood ako ng debate kagabi. ang pinagdebatehan, kung sakali raw na mabago ang konstitusyon, payag ka ba na maging isang requirement for a public official, kailangan, college graduate? kung hindi ka college graduate, hindi ka makakakandidato.

masaya ang debate dahil andun ang dalawang isko. si isko moreno at si isko salvador aka brod pete. ang nangyari, parang panggulo lang dun si brod pete eh, puro kalokohan ang pinagsasasabi. natawa ako sa sinabi ni isko moreno na tamang tama naman ang pagkabara ni brod pete. sabihin ba naman ni isko, ang problema daw ay ang mababang kalidad ng edukasyon. nagtapos daw sya ng elementary at high school, pero kahit daw gusto nyang pumasok ng UP, hindi raw sya makapasok dahil ang bababa daw ng grades nya. hahahaha! sabi ni brod pete, problema ba namin yun? problema mo yun, hindi ka nag-aral ng mabuti eh. hehehe. nga naman, bakit yung mababa nyang grades, isisisi sa quality of education? hahaha!

kanya kanya sila ng punto. sabi nung isa, may isang bata raw na ayaw ng pumasok sa paaralan, ang katwiran daw, anyway, i can still be president someday, kahit hindi sya nakapagtapos. oo nga naman. pero sa lahat, agree ako dun sa sinabi nung si patricia evangelista. ang ganda nya kasi. hehehe. tama yung pananaw nya para sa akin. hindi dapat hadlangan ng batas ang mga walang pinag-aralan sa pagpasok sa pulitika. anyway, this is a democratic country at ang mamamayan pa rin ang magpapasya kung karapat dapat sya sa posisyon o hindi. nga naman. kung ayaw nyo sa hindi college graduate, e di wag nyong iboto, problema ba yun? kung nanalo sya, wala tayong magagawa, majority wins eh, sya ang gusto ng nakararami.

text message from a friend: Quote of the day: Di bale nang walang tulog, huwag lang walang gising! oo nga naman!

yun lang!

Thursday, April 06, 2006

breaking news

ano kaya ang magiging reaction ng buong pilipinas kapag isang araw, pagbukas ng tv ay ito ang bubulagang balita sa kanila? hahahaha! ang saya siguro. gloria resign! ako naman! hahahaha! wala lang, walang magawa eh. ang ganda ng reporter. hehehehe. mas maganda sana kung si michael fajatin ang reporter, mas kapani-paniwala. hahaha!


"breaking news"

vote for this image here.

natuwa lang ako sa site na yun, kaya eto pa ang isa, komiks naman. simpleng message, don't say bad words. hahaha!


"this is not a crap"

vote for this image here.

yun lang!

blog traffic

nagdagdag ako ng kung ano-ano dyan sa sidebar ko. wala lang, just to increase blog readership daw. pagdami ng hits, pagdami ng page impression ng mga ads, pagbilis ng pagpatak ng metro ng google adsense at ng adbrite, paglaki ng kita ko, pagyaman ko. hahahaha! para namang yayaman nga ako sa mga ads na yan. subok lang naman, malay nyo, after 20 years, makakuha na ako ng tseke sa kanila? hehehehe. hindi na masama, wala naman akong puhunan kundi ang pumindot-pindot lang dine sa keyboard at galaw-galawin ang mouse.

ito ang mga idinagdag ko sa sidebar:

1. BloggerSwap. ok yan, swap kayo ng blog address, may kasama pang konting snapshot ng blog mo. just paste a litte html code sa sidebar, at hayun, ok na. reciprocal linking sya, kung gaano karami ang blog na nafeature dyan sa blog mo, ganoon din karaming beses mapapadisplay sa ibang bloggerswap member yung blog mo. so, hayun nga, kakalat yung link ng blog mo sa blogosphere nang hindi mo namamalayan.

2. Link2Blogs. ganun din. ito lang, maraming link ang ididisplay sa blog mo, parang ads. ang kapalit, ididisplay din nya yung link ng blog mo sa mga member nila.

if you want to increase your blog traffic, bukod sa traditional na link exchange, add nyo ang blog nyo sa iba't ibang blog directory, maraming available dyan, libre lang ang linking at membership. igoogle nyo na lang, tinatamad na akong maglagay ng link, hehehe. eventually, pagdami ng site na may link sa blog mo, pagtaas ng pagerank mo sa google. e ano ngayon kung mataas yung pagerank? pagtaas ng pagerank, mas prioritized nang google sa pagdisplay sa listahan ng search result. so far, ang pagerank ng blog na ito ay 4. hoping na maka 5 ako by next year. so far naman, if you search "kukote" sa kahit anong sikat na search engine na alam nyo, number 1 pa rin ito sa listahan. hehehe. yabang! harharhar!

finally, tumaba naman ang aking puso nang mabasa ko ang post na ito ni kevin. wala lang, natuwa lang ako. nakakataba ng puso. lalo na akong tumaba. hahaha!

yun lang!