Monday, April 10, 2006

resibo ng gatas ni hudas

sabi ng kapatid ko dun sa panganay nyang anak, "ineng, tama na ang pag-inom ng gatas ha? malaki ka na kasi." (she's 3 years old). sagot ng pamangkin ko, "bakit ang nanay (lola), tanda na, inom pa ng gatas?"

hindi ba SOP dapat sa mga gasolinahan na magbigay ng resibo? bakit kailangan pa nilang itanong kung gusto ko ng resibo o hindi? dapat, automatic na yun, di ba?

may natuklasan na daw na gospel of judas. nabasa ko sa philippine star yung article about dun last saturday. kaninang umaga, ito rin ang tinatalakay ni korina sanchez sa radyo, narinig ko kasi pagsakay ko ng fx papuntang office. lumalabas daw kasi na judas did not betray jesus. sumunod lang sya sa instruction ni jesus. hhmmm, interesting. sabagay, kung ang usapan nga naman nilang dalawa ay secret, sila na lang ni jesus ang nakakaalam nun. hindi rin naman natin masisisi sina matthew, mark, luke and john, kasi nga, hindi naman nila alam ang usapan nung dalawa. anyway, malalaman din natin ang katotohanan pagdating ng panahon. ganunpaman, naniniwala pa rin ako sa matandang kasabihan sa dyip "God knows HUDAS not pay."

yun lang!

5 comments:

phoebe said...

ang pagkakaalam ko po kasi.. minsan ang ilang nagpapagasolina, matapos isarado yung lalagyanan ng gasolina eh alis agad. kaya nitatanong ng mga gasoline boy kung kailangan pa ng resibo. minsan pagbalik nila dala resibo, wala na. ehehe...

ken said...

nood ka po ng National Geographic
kasi dun nag-start ma-reveal ang Gospel of Judas, palabas siya kagabi (sunday night up to 12 mn.) hindi ko lang alam ang next sched but i'm sure regular ipalalabas yun since nag-create na siya ng controversy, bigla ngang na-etsepuwera sa madla ang resulta ng kaso ni Dan Brown of Da Vinci Code.

lojik said...

hmmnnn.gospel of judas? interesting..


tanong na lang anong koneksyon ng gatas sa gasolina at kay Judas? ang kulit mo!

Anonymous said...

haha kailangan ma crucify si Jesus kaso wala naman gusto mag betray! kaya si Judas na lang hoho! Meron rin po Gospel of Mary Magdalene. Hindi prostitute si Mary magdalene, marami pong evidences na galing siya sa mayamang family & educated. Actually, nag apologize na before yung vatican doon kaso wlang masyadong pumansin

Anonymous said...

hmmm...another Gnostic gospel...the gospel of Cainites and anti-God of Creation who believes that Cain is a hero....^_^..another piece of crap...