Thursday, April 06, 2006

blog traffic

nagdagdag ako ng kung ano-ano dyan sa sidebar ko. wala lang, just to increase blog readership daw. pagdami ng hits, pagdami ng page impression ng mga ads, pagbilis ng pagpatak ng metro ng google adsense at ng adbrite, paglaki ng kita ko, pagyaman ko. hahahaha! para namang yayaman nga ako sa mga ads na yan. subok lang naman, malay nyo, after 20 years, makakuha na ako ng tseke sa kanila? hehehehe. hindi na masama, wala naman akong puhunan kundi ang pumindot-pindot lang dine sa keyboard at galaw-galawin ang mouse.

ito ang mga idinagdag ko sa sidebar:

1. BloggerSwap. ok yan, swap kayo ng blog address, may kasama pang konting snapshot ng blog mo. just paste a litte html code sa sidebar, at hayun, ok na. reciprocal linking sya, kung gaano karami ang blog na nafeature dyan sa blog mo, ganoon din karaming beses mapapadisplay sa ibang bloggerswap member yung blog mo. so, hayun nga, kakalat yung link ng blog mo sa blogosphere nang hindi mo namamalayan.

2. Link2Blogs. ganun din. ito lang, maraming link ang ididisplay sa blog mo, parang ads. ang kapalit, ididisplay din nya yung link ng blog mo sa mga member nila.

if you want to increase your blog traffic, bukod sa traditional na link exchange, add nyo ang blog nyo sa iba't ibang blog directory, maraming available dyan, libre lang ang linking at membership. igoogle nyo na lang, tinatamad na akong maglagay ng link, hehehe. eventually, pagdami ng site na may link sa blog mo, pagtaas ng pagerank mo sa google. e ano ngayon kung mataas yung pagerank? pagtaas ng pagerank, mas prioritized nang google sa pagdisplay sa listahan ng search result. so far, ang pagerank ng blog na ito ay 4. hoping na maka 5 ako by next year. so far naman, if you search "kukote" sa kahit anong sikat na search engine na alam nyo, number 1 pa rin ito sa listahan. hehehe. yabang! harharhar!

finally, tumaba naman ang aking puso nang mabasa ko ang post na ito ni kevin. wala lang, natuwa lang ako. nakakataba ng puso. lalo na akong tumaba. hahaha!

yun lang!

1 comment:

eyna said...

hallo! wala lang. nag-bo-blog hopping ako nang makita ko ang link ng iyong blog sa pinoytopblog. nais ko lamang sabihin na nakakatuwa ang iyong blog.

nakakaaliw basahin at mainam pangtanggal ng stress. ahehe. malamig siya ha("cool"). un lang. paalam!