Tuesday, April 04, 2006

nang dahil sa mangga

bumabalik ang mga sintomas, nauuhaw na naman ako sa gabi, at ang sakit na naman ng ulo ko paggising ko sa umaga. tsk tsk. bakit ko ba naman nilantakan yung mga hinog na mangga doon sa batangas nung linggo. kaya heto, para na naman akong bangag. bumili na ako ng 10 tablets ng gamot, at magpapababa na naman ako ng sugar. hay naku, nakalimutan ko kasing may sakit ako ng makita ko yung malalaki at matatamis na manggang nakahain doon sa bahay. in one week na gamutan, back to normal na ulit ito. at magkokontrol na ulit ako. isipin ko na lang na dinilaan na ng asong nanlilimahid ang bawat manggang makikita ko. shet!

yun lang!

2 comments:

phoebe said...

wah! ang saklap naman nun. mahilig pa naman ako sa mangga lalo na ang hilaw tapos may bagoong. yum yum! hehe. ok lang po yan... ganyan talaga ang buhay.

vemsan said...

miss ko na manggang kalabawa. yung galing sa puno ng mga lolo ga?!! waaaaahuhuhuhuhu