1. sa lalong madaling panahon, get your official transcript of records sa registrar nyo. isunod mo na rin ang diploma, hindi yung coupon bond na ibinigay sa inyo nung graduation, yung totoong diploma. though most of the companies, hindi kailangan yung diploma mo, kunin mo na rin. at bago mo ipalaminate at idisplay sa bahay nyo, ipaphotocopy mo muna ng marami. ok?hayan, kapag nagawa mo yang mga iyan, madali ka nang makakahanap ng trabaho. apply lang ng apply. syempre, you have to prepare for interviews. kayang kaya mo yan. isipin mo lang na artista ka at si boy abunda ang kausap mo, tanggal ang kaba mo! hahaha!
2. habang wala ka pang masyadong ginagawa, kumuha na ng SSS number sa pinakamalapit na SSS office. madali lang naman, magdala lang ng birth certificate. kumuha ka na rin ng nbi clearance. medyo hassle din kasi ang pagkuha ng nbi clearance lalo na kung may kapangalan kang kriminal. hehehe. kung may plano kang sumubok sa ibang bansa, mag-apply na rin ng passport. mahirap kasi na natanggap ka na sa trabaho, magleleave ka kaagad para makuha mo lang yang mga papeles na yan. Yung TIN number, ang alam ko, yung company mo ang kukuha nyan para sa iyo kapag natanggap ka na nila.
3. kung balak mo namang mag-apply sa gobyerno, or kahit hindi, magpaschedule na rin ng pagkuha ng civil service examination. iba rin yung pasado ka dyan. malay mo, biglang may dumating na magandang offer sa gobyerno, at least, ready ka na, di ba? mas maganda, mas maaga kang makakuha nito, para medyo fresh pa sa iyo yung lessons nung college, medyo mahirap din kasi ang exam.
4. kung wala kang e-mail address, aba, ay gumawa ka na. libre lang ang e-mail sa yahoo, hotmail at kung ano ano pa. magagamit mo yan sa pag-aapply ng trabaho. at gandahan mo naman yung e-mail address, yung medyo professional ang dating. wag sobrang haba (marhgilmacuha081179mataastumalon@yahoo.com) at wag sobrang pacute (cute_marhgil_sobra@yahoo.com).remember, hindi na po tayo high school or college.
5. ihanda nang maayos ang resume. huwag mangopya ng format sa mga dating kaklase. naalala ko kasi, nung nasa dati pa akong company, yung resume na natatanggap ko, pare-pareho ang format, obvious na nagkopyahan. maraming format na available sa microsoft word, or sa internet. at gumamit ng picture na formal ang dating, hindi yung mukhang pinabili ka lang ng suka sa tindahan ni aling nena. hehehe. make sure na nakasulat sa resume mo ang contact numbers mo, pati email address. para madali ka nilang makontak kung interesado sila sayo.
6. since nababasa mo ito, may internet access ka di ba? magsubscribe sa jobstreet.com, sa jobsdb at kung ano ano pa. ok din ang pag-aapply sa internet. ihanda mo lang ng maayos ang online resume mo. if you can afford, konting bayad lang naman, i-avail mo yung priority application ng jobstreet. i personally saw how a priority application appears sa harap ng employer na subscriber sa jobstreet. sa libo-libong applicants na nag-aaply sa isang position, yung resume mo ang nasa unahan ng listahan, may mark pa ng star at may recommendation pa ng jobstreet. this might help you get a job faster. apply lang ng apply pag may nakita at maghintay na lang ng tawag.
7. ewan ko sa iba, pero mas trip kong mag-aaply online. aside from jobstreet and jobsdb, bumili ng manila bulletin tuwing linggo, siguradong maraming nakapost na job vacancy. kunin ang email address ng mga natipuhan mo at ipadala ang iyong resume sa kanila sa lalong madaling panahon.
8. hindi ko trip ang palakasan system, pero kung may kamag-anak kang boss ng isang kumpanya, why not? di ba? libo-libo ang walang trabaho ngayon, so, kanya kanyang diskarte yan. basta make sure lang na hindi mapapahiya yung nagrekomenda sa 'yo, hehehe.
pagbati... congratulations sa pinsan kong grumaduate na cum laude sa university of batangas, accounting sya. congratulations din sa isa ko pang kamag-anak na grumaduate na salutatorian sa bauan high school! talagang magkakakukote nga tayo! hahahaha! kung sila, kapamilya at kapuso, tayo, kakukote! hahaha!
yun lang!
1 comment:
haha, hirap kaya maghanap ng job pag newly grad ka. pero galing ha, dami ko natutunan sa entry na to. ;)
Post a Comment