Saturday, April 01, 2006

kukoteng kalbo

it's april fool's day! at nagkalat ang mga mangloloko, kasama na ako sa mga naloko kaya pati ako ay nahawahan at nangloko na rin. actually, advance yung panloloko ng isa dyan, kagabi ko nareceive yung text nyang nakakagimbal. sabihin ba naman na nagkagulo daw sa lugar nila at tinamaan sya ng ligaw na bala, at wala na sya ngayon. kunwari, mama nya ang nagtext. sino ba namang di mag-aalala? tapos sa dulo, joke lang pala ang lahat. nakakaasar, pero ok lang, talagang ganyan ang buhay. kaya pati ako, nahawahan, at ikinalat ang pang-aasar. sa mga nabiktima ko, pasensya na. lalo na sa housemate kong si ron na lubos na nag-alala at tinawagan pa ako sa cellphone ko. pasensya na ha, april fool's day eh. nakigulo lang sa mga loko-loko. hahaha!

kagabi, nasa national sports grill kami, sa greenbelt 3. wala lang, sinabi ko lang, for the record. nasa sm batangas ako ngayon. mamaya, dadaan ako sa barber shop para magpakalbo. ano kayang itsura ko? abangan nyo na lang ang picture ko. ok? ok.

patay joke 1: empleyado: sir, namatay na pala ang manager natin. pwede bang ako na lang ang pumalit sa pwesto nya? boss: pwede naman, kaso, hindi ko lang alam kung papayag ang funeraria.

patay joke 2: nasa lamay si jinggoy at erap nang biglang magyaya na si erap pauwi kahit medyo maaga pa. jinggoy: itay, bakit naman ang aga nating uuwi? erap: kailangan talaga, di mo ba nabasa yung nakasulat sa labas.. "remains will be cremated."

yun lang!

pahabol... Joke lang po yung magpapakalbo ako. Happy April Fool's Day!!!

3 comments:

phoebe said...

nyahahaha. akala ko magpapakalbo po talaga ikaw. nakakaloka yun ah. hehe. aantayin ko pa naman sana yung picture na sinasabi nyo.

clown said...

ay sayang nsa sm k rin pala last sat. kaso masyado k nang gabi e, aga p kami pumunta dun, after lunch. sayang...sana nakita ka namin, next time agahan mo para kita-kits tau. basta ba walang takbuhan pag nakita na natin ang mukha ng isa't isa.

tambay said...

palong hair ka na lang tito aga, yung mala Slash ng Guns n Roses he he he, tapos post mo dito.