hindi ako pumasok ngayong lunes. ang sama kasi ng gising ko. balak ko talagang pumasok, lumuwas ng manila, pero hindi nga natuloy. nasa batangas ako ngayon. dito kasi ako tumuloy kahapon pagkagaling ko ng airport.
kwento mode muna. since 11am ang flight at isang oras ang byahe from our flat to airport, maaga akong gumising. 6:00AM, gising na ako. 7:00AM, sakay na ako ng bus papuntang airport. kasabay ko ang isa kong officemate na itago na lang natin sa pangalang sincha. hahaha! nakatulog ako sa bus, malapit na sa airport nang magising ako.
pagdating sa airport, nagcheck-in na kami. sabi sa amin nung taga PAL, kung ok lang daw kung isa sa amin ay ma-upgrade sa business class. sino ba namang tatanggi? hehehe. pero di pa raw sure yun. after ng check-in, tambay kami dun sa gate 15. medyo matagal-tagal ding tambay until magpasakay na sila. pagbigay namin ng boarding pass, aba, at pinalitan nila yung seat number naming dalawa! na-upgrade nga kami sa business class! hahaha! ewan ko kung anong pinagbasehan nila kung bakit kami ay naupgrade, siguro, dahil mukha kaming businessman? hahaha! inupgrade nila without additional charge. so, pasok kami sa eroplano, pagpasok namin, sa second floor daw kami! hanep, at may 2nd floor yung airplane. hehehe. first time ko kaya makapagtravel ng business class, so enjoy ako at sinulit lahat.
pagpasok namin, ang lapad ng upuan. hehehe. tapos, may mga soft touch button dun sa tagiliran para itaas yung foot rest, itaas yung sandalan, etc. etc. at hindi pa nakakatake-off, may orange juice na kaagad! hehehe. picture picture nga kami, di ko pa lang maipost dito. ok lang naman. ang inabangan ko talaga ay kung ano yung pakain sa business class. bago nagpakain, binigyan pa kami ng menu kung ano raw ang gusto naming tanghalian. pumili ako, grilled chicken ek ek. nung oras na ng pakain, gumala yung isang babae at binigyan kami ng mantel ata yun, may table cloth pa yung pagkakainan! tapos, nung ideliver ang pagkain, aba, at pagkaganda ng preparation. at unang round, appetizer muna. wala pa yung grilled chicken, pare-pareho pa kami ng kinain. salad sya na may kasamang hipon na walang balat, at kung ano ano pa. basta, enjoy sya. tapos, nung maubos yung appetizer, saka dumating yung main meal. syempre, sinulit ko nga, taob ang bangka. hehehe. after kumain, natulog ako. sarap matulog, ang lapad kaya ng upuan, naiitaas pa yung foot rest, para ka nang nasa kama. tapos nun, after 2 hours of flight, naglanding na kami sa NAIA, terminal 2. una rin kaming pinababa ng eroplano, ganun pala pag business class, una kayong bababa. kaya ang bilis namin, kami agad ang nasa unahan ng immigration. nakapagpatatak kagad ng passport. salamat pala kay pareng Lucio Tan para sa business class upgrade. hehehehe! wala kasi akong maisip na dahilan kung bakit talaga kami inupgrade.
medyo natagalan lang kami sa baggage. ang tagal lumabas ng bagahe. isang oras ang hinintay namin bago ko nakita yung aking bagahe. nung makita na namin ang aming bagahe, syempre, diretso na sa exit. sa customs muna. aba, at pinagdudahan pa ako. pinabuksan pa ni lolang taga custom yung bagahe ko, ang laki daw kasi, baka daw may mga dala akong kakaiba. hayun, e di binuksan ko, at tumambad sa kanya ang mga marurumi kong damit. mga tubal sa wikang batangas. hahaha! e hindi ko na naman pinatas ng ayos yun, marurumi na nga kasi, e di kalat, pati brief. hehehe. hayun, ipinasara na kaagad sabay pirma dun sa custom's pass. hehehe. akala yata, smuggler ako, hahaha. smuggler ng tubal. hahaha! gusto ko nga sanang sabihin dun sa lolang taga custom, gusto nyong labhan?
pagkatapos nun, naghiwalay na kami ni sincha. punta sya sa service ng nissan, ako naman, diretso dun sa arrival area kung saan naghihintay ang aking sundo. first time ko sa terminal 2, ganun pala dun. isang kumpol ng mga tao ang sasalubong sa iyo. siksikan sila. pagdating ko, paglapit ko, hindi ko makita ang sundo ko. e tingin ko kasi, magkakamukha na yung mga tao eh. siguro, mga 5 minutes bago ko sila nakitang kanina pa palang kaway nang kaway. hayun, diretso na kami sa kotse kong gasgas free na. oo, gasgas free na sya. salamat sa magulang ng batang ginawang blackboard yung kotse ko. naging gasgas free tuloy nang libre. hehehe!
tapos nun, diretso na nga kami batangas. umuwi, at natulog pagdating sa bahay.
yun lang!
5 comments:
welaome back tito aga! bakit ayaw mong magkwento hah? nayahahh!! haba nito bro!
welcome back... pasalubong ko???
buti ka pa nakapg business class na ako hndi man lang swertehin.. smantalang tatay ko laging nauupgrade isang request lang nia kc matangkad tatay ko kya d kakasya tuhod nia sa economy class hehe.. nada2an ng tatay ko sa charms, ako dedma haha!
anyways, welcome back pla sayo!!!
Welcome back! Pero asan pasalubong ko!
Post ka ng pictures, ha?
ini upgrade kayo sa business class kasi nakilala ka nila...di ba artista ka? nakalimutan mo na!? artista ka, di ba di ba? tito aga? hehehe
Post a Comment