Thursday, April 06, 2006

tv adik

around 10pm, dumating ang housemate ko sa boarding house namin. tapos natatawa syang nagkwento sa amin. sa alabang sya nagtatrabaho at nagtaxi sya pauwi. pagsakay daw nya ng taxi, napansin nya na nagmamadali yung driver, so hindi nya napigilan na magtanong sa driver. manong, bakit parang nagmamadali yata kayo? ang sagot ng driver... malapit na kasing magjewel in the palace, manonood pa ako. si manong driver pala ay kakukote ko, hahaha!

dahil sa kwentong yan ay napakwento rin ang isa ko pang housemate. minsan daw sa palengke ay napansin nya na ang daming taong nanonood ng tv. yun bang mga nakatayo pa ang iba, ang iba nga daw ay ang lalaki pa ng katawan, hubad baro pa habang mga nakatutok ang mga mata sa palabas sa tv. pagdaan daw nya, natawa na lang sya, kasi, ang pinapanood nila ay tom and jerry. hahaha!

yun lang!

3 comments:

lojik said...

di na ko ntatawa dun sa nanonood ng cartoons. tau nga nanood ng ice age eh! heheh..pero ung taxi driver! waaaaaaaaaaahhhhh.... jewel in the palace! hehehe...kakukote mo nga

Obi Macapuno said...

pre paborito ko sa Jewel e si Yon Sang ba yun? basta yung dating tagapag luto na naging concubine.

tas sa King Kang Zoo ang gusto ko si Hannah. Yung Englishera na kahit dubbed ang boses sabay pa din sa labi.

Not that peborit ko manood. nadadaan ko lang pag nanonood si Ermads.

Wushu! alam ko sasabihin mo palusot lang ako. Wahehehehe.

phoebe said...

ako gusto ko Kim sam. nakakatuwa. ang macho ng boses nya. pareho kami. sarap pa nya yakapin.

stig si Manong driver. kung hindi ko alam yung palabas ng Jewel in the palace ang iisipin ko naji jinggle na sya. hehe.