Monday, April 10, 2006

sabado

work muna bago blog, syempre, yan ang pananaw ko. kaya kapag ang dami kong post, ibig sabihin, wala pa akong masyadong ginagawa dito sa work. pero kung konti na lang ang post ko, hayan, may pinagkakaabalahan na ako. ngayon, may pending task na ako, still waiting for the concerned party, kaya heto, blog muna. magQA daw ako, e sabi nung kausap ko, maghintay daw ako ng 30 minutes, isesetup pa raw nya, kaya heto, nakasingit ng blog. hahaha.

natuloy ang pagkikita namin nina tekla at clown. the initial plan ay pupuntahan ko sila sa kanilang mahal na paaralan, pero nagbago ang plano nang mareceive ko ang text ni tekla. sa sm batangas na lang daw kami magkita, for reasons i cannot reveal here. hehehe. basta, umeskapo daw sila.

dumating ako sa sm batangas around 1:30PM. tapos, tinext ko na sila. ang reply nila, andun daw sila sa department store sa second floor, asan daw ako, sila na lang daw pupunta. nagreply ako, sabi ko, naglalakad pa ako. and i've decided na magpunta doon sa second floor para huntingin sila. madali ko naman silang nakita, e itinatak ko na sa aking pornographic memory ang kanilang mga larawan sa kanilang mga blog eh, kaya hayun, malayo pa lang, alam kong sila na.

so what happened then? wala, kumain kami sa pizza hut. ipinakita ni tekla ang kanyang kakaibang talent sa pagpapatas ng salad. hahaha. lugi ang pizza hut sa kanya, sa dami ng salad na kinuha nya. as in, umaapaw sa lalagyan, hahaha! yung evidence, ipost ko tomorrow, or sa wed, bahala na, kailangan ko pa ring bumili ng memory card reader eh.

ok naman silang kakwentuhan. syempre, ano ba namang magiging topic kundi ang blog, ang mga blogger, ang trabaho, ang buhay-buhay. tapos nun, naghiwa-hiwalay na kami at kanya kanya nang uwi. manonood pa raw sila ng ice age 2 eh. hehehe.

pero di pa ako umuwi. gumala pa, ang aga pa kasi. napakaskas pa ang aking utang card, may nakita kasi akong bagay na matagal ko nang gustong bilhin, eh nakita kong mura lang pala, hayun, kinuha ko na. sa Mayo pa naman ako magcacash out.

umuwi ako, dumaan sa car wash at ipinalinis na yung kotse kong dirty black na ang kulay. tapos nun, umuwi na talaga ako at nanood ng grand finals ng little big star. talo ang bet kong si makisig, nagkulang sa bihis. hahaha!

yun lang!

2 comments:

rUth said...

ako kain muna bago kahit ano!hehe
an tagal ko ng di nakakakain sa pizza hut..natakam tuloi ako

dirty black????hehe meron ba nun?o baka wala lng un sa bokabularyo ko...

phoebe said...

ruthan! meron nun. dirty black... puti talaga sya pero dirty black kasi puro na alikabok. ehehe...

nung binata pa tatay ko nagtratrabaho sya sa pizza hut. taga hiwa sya ng sibuyas at kamatis.. (pasmado din sya tulad ko). kaya masarap ang salad nila dahil sa tatay ko. nayhaha...

kukote! siguro after 2 o 3 years pa siguro tayo magkikita. nyahaha...