Thursday, April 06, 2006

preparing for interview

para sa mga newly grad ulit. kapag tinawagan ka na for interview, huwag masindak, huwag matakot at huwag magulat, normal yan sa isang nag-aapply sa trabaho. ihanda ang sarili. ito ang mga tips ko.
1. kapag tinawagan ka na for interview, isulat lahat ng detalye sa isang papel, kung anong oras at kelan ang interview, kung saan ang interview, kung sino ang mag-iinterview at kung ano ang mga kailangan mong dalhin. minsan kasi, nagpapadala pa sila ng kung ano ano. kung conflict sa gimik mo, icancel ang gimik mo. kung conflict sa isa pang interview, walang masamang magparesched, hindi mo naman kasi pwedeng hatiin ang sarili mo.

2. a day before the interview, make sure na ready na ang lahat ng kailangan mo. hard copy ng resume, pen at kung ano pang ipinapadala sa 'yo. magdala ng at least tatlong kopya ng resume kahit hindi ka sinabihan. yung isa, pambigay sa kanila, yung isa, kopya mo, at yung isa, reserved. baka kasi may madaanan ka na pwedeng pagpasahan ng resume, isang lakad na rin, e di ipasa mo na. hehehe. yung mga papeles mong dala, ilagay sa isang magandang lalagyan. folder, or plastic envelop. plastic dapat, para safe. baka kasi umulan, mahirap na.

3. huwag ding kalilimutang magdala ng ID. oo, ID, kahit anong ID. school id, driver's license, or kahit id nang video rental. hehehe. basta, mahalaga, may dala kang ID. usually kasi, hahanapan ka ng ID ng guardya at hindi ka makakapasok sa loob ng company kung wala kang ID.

4. make sure na alam mo na rin ang pagpunta doon sa lugar. nakakahiya at bawas pogi points sa 'yo kung malelate ka dahil naligaw ka. you can use findme.com.ph kung hindi mo alam yung lugar at dito ka sa manila nag-aapply, iprint mo para di ka maligaw. hehehe.

5. ihanda na rin ang isusuot mo. first impression lasts. so, kailangan naman, maganda ang bihis mo. yung ginamit mo sa pagdefend ng thesis, pwede na siguro yun kung tight ang budget mo. hehehe. basta, you must look professional. yung isang tingin pa lang sa 'yo, hired ka na. hehehe. huwag din kalilimutang magdala ng panyo. shine your shoes.

6. sa araw ng interview, bago umalis ng bahay, make sure na naligo ka. brush your teeth, cut your nails. comb your hair. wear a smile. maging maaga. at least, 30 minutes ahead of schedule ka dapat. para naman makapagsuklay ka pa ng buhok, makapagretouch, makapagpahinga ng konti at makahinga ng malalim bago mapasabak sa interview. sigurado namang may cr dun sa company na pupuntahan mo, hindi masamang makigamit ng cr bago ka magpainterview. mas nakakahiya naman na iniinterview ka ay pinagpapawisan ka dahil pinipigil mo ang utot mo, or ihing ihi ka na. hehehe. hindi mo magagawa ang mga yan kung late ka or on-time ka. kailangan, ahead of time ka, ok?
hanggang dyan muna. yung mga tips ko sa panahon ng interview, sa mga susunod na araw ko na lang ipost kapag sinipag ulit ako. common interview questions at ang magandang sagot, sa susunod na lang din.

a chat with a friend:

ako: hello! kumusta ka na?
sya: ok naman. i'm pretty fine. ikaw?
ako: ok din. i'm gwapo fine.

yun lang!

related post: for newly grads

No comments: